SIGTY 30

154 13 6
                                    

10 chapters left!

-

Untold Part of Lisa Kim

"Bye." Sabi ko kay JK, my boyfriend habang nakangiti sakanya. He waved his hand before driving away from our house.

Bakit kaya bigla-bigla nalang siya umuwi sa Seoul? Nagstart na ang klase ngayon sa Pilipinas ah. Anyway, sa Pilipinas narin naman na ako mag-aaral, doon narin ako titira hanggang sa matapos ako mag-aral.

He suddenly talked with my parents about this matter. Nagulat nga rito sila mama eh, pati ako. My parents agreed after hearing his reason. Bukod doon, alam namin naroon ang pinsan ko na si Chewy kaya my parents see no problem to stop me from continuing my studies there. Si Marco lang wala dahil ang huling impormasyon na alam ko tungkol sakanya is nasa America siya.

Inasikaso rin nila mama ang mga papeles na kakailanganin ko. Kaya nung sinabi nila na pwede na akong bumyahe papunta sa Pilipinas ay dali-dali akong nag-impake. They said I will be studying at one of the Univeristies that Chewy's parents' friend's own.

Doon nag-aaral ang anak nila, si JK, pati sila kuya na kasama niya na bago pa sila magcollege.

Nasa byahe palang ako, excited na excited na ako! It's been a year narin kasi since I last saw Chewy! I don't know kung doon din nag-aaral ang pinsan ko dahil nakalimutan kong itanong dahil sa sobrang excitement ko. I don't want to send a text to to my parents about this dahil alam kong busy sila ngayon.

Sa Pilipinas talaga nakatira ang mga pamilya namin, dito kami naninirahan ngayon sa Seoul, South Korea dahil ang parents ko ang naghahandle ng kompanyang iniwan ng namayapang lolo't lola namin while Marco's family stayed before leaving for America.

Parehas kami ni Marco na nawalay kay Chewy. Umuuwi lang sila rito tuwing may okasyon or business meeting na kailangan puntahan nila tita. Chewy isn't fond of this pero sumasama siya dahil alam niyang papayagan siya na makabonding ako habang nandito sila.

"Chewy!" Hindi ko mapigilang sigaw nang makita ko siya. Dito rin siya nag-aaral! I missed my cousin so much! Tumakbo ako papalpit sakanya, sinalubong niya naman ako ng yakap.

Nalaman din ng mga kaibigan ni Chewy na ako ang girlfriend ni JK. Pati nga siya nagulat eh. Ito kasing si JK biglang in-announce eh. Sila kuya ay alam naman ang tungkol dito dahil minsan na silang sumama kay Jk nung binisita ako nito sa Seoul.

Nalaman ko rin na nakatira silang 16 sa iisang bahay dahil iyon ang request ng mga magulang nila, it's for their safety. At nalaman ko rin na nililigawan ni kuya Tyron ang isa sa mga kaibigan ni Chewy, si Darienne na sobrang curious sa'kin nung makita kaming magkadikit ni kuya nung pagdating. At sakto pang malapit na ang foundation day nung dumating ako.

Naging kaclose ko rin naman ang mga kaibigan niya, they're all friendly. I thought nga matataray eh dahil ang intimidating ng tingin nila sa'kin, mas naging kaclose ko nga lang si ate Alexa dahil nagtulungan kami sa paggawa ng boquet para sa wedding booth namin.

May condo naman ako rito kaya doon muna ako tumira hanggang sa kinausap ni JK sila mama na roon ako patirahin sa bahay nila dahil nga sa iisang bahay na sila nakatira kaya pumayag din ang mga ito.

Hindi ko pa magawang ilipat ang mag gamit ko dahil sobrang busy kami sa foundation day. President at Vice President pa ang pinsan at boyfriend ko kaya ayoko munang makidagdag sa pagod nila.

Gulat na gulat ako nang sabihin na sa'kin ng pinsan ko ang lalaking mahal niya simula pa highschool sya na walang iba kundi ang boyfriend ko. I thought she was going to say nasty things to me dahil nga ngayon niya lang din nalaman na may girlfriend ito at ako pa iyon na pinsan niya but no. Kabaligtaran ng iniisip ko ang nangyari, she gave me her word, she promised me na hindi niya aagawin si JK para lang sa kasiyahan niya dahil kitang-kita niya na mas masaya ito sa'kin.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now