Pagkatapos ng dinner ay hinatid din nila ako pauwi. Hindi nakapunta sila JK dahil nagkaroon daw ng problema. Yun ang sinabi ni Tito kila Mama.
Buong byahe papunta sa bahay, binabagabag ng isipan ko ang mga salitang binitawan nila.
They were the first ones to know about this situation, they said they are going to help us. In one condition.
At iyong kondisyon na iyon ay ang pakasalan namin ni JK ang isa't-isa.
"Take care." Mahinang sabi ko sakanila bago bumaba ng kotse. Hinintay kong maka-alis ang kotse bago ako nagdoorbell.
I can't believe this. I-I'm marrying him.
Pero diba dapat masaya ako? Kasi parang may something na sa aming dalawa ni JK. We've been clingy to each other before I avoided him pero ngayon, iba na yung pagiging clingy.
He does hold my hands so many times pero hindi katulad nang ganito.
"Chewy, you're here." Pinagbuksan ako ni kuya MJ ng gate. Ngumiti ako. Sabay kaming pumasok sa loob at nadatnan ko sila nina kuya Shawn, ate Shirae, ate Saeny, kuya Tyron, kuya Matthew, at ate Cheska sa sala. Busy sa pagsusulat si ate Cheska at ate Saeny sa notebook nila habang ang natitira ay may pinagkakabalahan sa mga cellphones nila.
Nagpaalam din ako na aakyat na ako. "Oh, andito kana pala." Sabi ni ate Raika sa'kin. Nagkasalubong kasi kami sa hagdan. Pababa siya, paakyat ako. Nginitian ko siya at nagpatuloy sa pag-akyat.
"JK, asan kana?" Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kwarto ni kuya Skyler na medyo naka-awang ang pinto.
Hindi ko naman planong makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa pero ewan ko ba rito sa katawan ko. May sarili na atang pag-iisip.
"JK, bakit nandiyan ka?! Bakit 'di ka nagsabi?!"
"JK, alam mong busy tayo ngayon, diba? Umuwi kana."
"Tangina, hindi namin alam kung anong pinag-awayan mo ng parents mo pero umuwi kana, hindi ba't magt-transfer din siya dito?"
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Siya? Sinong 'siya'? Teka, nag-away sila? Kaya ba hindi sila nakapunta kanina?
"JK, ang paalam mo, magd-dinner kayo ng parents mo, hindi iyong uuwi ka riyan sa Seoul nang biglaan."
Seoul? Bakit nandiyan siya?!
"Kahit 'di ko sabihin sakanila 'to, magtataka parin sila kung bakit ka absent at kung bakit hindi ka umuwi ngayong gabi."
"Chewy?"
Agad akong nataranta at pilit na pinakalma ang aking sarili bago hinarap si kuya Tyron. "Okay ka lang?"
"Okay lang po." Sagot ko. Shit, dapat talaga 'di na ako nakinig. "Ah, una na ako." Sabi ko at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko. Pumasok agad ako at isinara ang pinto.
Bakit nasa Seoul siya? Anong ginagawa nita roon? At sino yung magt-transfer dito? May alam ba si ate Saeny dito?
Shit! Ang dami kong mga tanong sa utak ko na hindi ko maisaboses!
Gustuhin ko mang tanungin kay ate Saeny ang tungkol dito kaya lang baka masabi ko rin ang tungkol sa kompanya, lalo na yung ipapakasal kami ni JK sa isa't-isa.
At siguradong-sigurado ako na masasabi niya 'to sa iba pang mga ate.
Paano na 'to?
Kinabukasan, medyo tinanghali ako nang gising, hindi kasi ako makatulog kakaisip tungkol sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon nga binabagabag parin ako nun eh.