SIGTY 38

142 9 0
                                    

Untold Part of JK Shin Jeon

"Ano bang pumasok sa isip niyo na gawin akong Vice President?!" Sigaw ko sa mga magagaling ko na kaibigan na hindi man lang ako pinansin. Ano, parang multo lang ako rito? Parang mga 'di kaibigan ah!

"Hoy!" Nilingon ako ni kuya Tyron at nginisian. "Ayaw mo nun? Lagi mong makakasama si Chewy.""

Sumimangot ako, heto na naman siya at nagsisimulang asarin ako kay Chewy. Ano bang meron sa mga 'to at bakit pinipilit nila na may something ako sakanya? Lalo si kuya Tyron. Maganda siya, oo, matalino, oo rin pero wala akong nararamdaman ni katiting para sakanya.

"Anong konek nun?" Tanong ko. "Malay mo kasi mag work-out." Nakakabanas, paulit-ulit nalang ang mga sagot nila.

Sinamaan ko siya ng tingin at aambahan na sana siya pero pasalamat niya at dumating ang teacher namin.

Ilang araw na silang ganyan eh, inaasar at pinipilit ako sakanya, alam nilang may girlfriend na yung tao, inaasar pa sa iba. Ano nalang ang mararamdaman ng girlfriend ko kapag nalaman niya ang lahat ng ito?

I'm in a long-distance relationship with my girlfriend, nasa Seoul, South Korea siya habang ako narito sa Pilipinas. Parehas pa kaming nag-aaral pero hindi iyon naging sagabal sa pag-aaral namin dahil naiintindihan namin ang sitwasyon ng isa't-isa. Nasa ibang bansa ang kompanya ng kanyang mga magulang kaya kailangan kong magtiis na hindi siya makasama sa araw-araw.

Andyan naman ang mga bugok ko na kaibigan na mas matatanda nga sa'kin pero asal bata, tch. Walang pinagkaiba kay kuya Tyron.

Close na silang lahat kahit kakakilala lamang nila sa isa't-isa. Maliban lang kay Chewy na nahihiya ata silang kausapin dahil tahimik lamang ay kakausapin ka lang kapag nagtanong ka.

Isang tanong, isang sagot.

Tahimik din naman si Mina pero nakikisabay siya, lalo kay kuya Skyler, hmm... mukhang may makakapagpatino na sa kuya ko na babaero ah.

Masyadong awkward ng magkasabay kami nina kuya Skyler, Chaesi, at Chewy papunta sa aming klase. Kaming apat ang magkakaklase ngayon at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

Dahil sa hindi ko na matiis ang pagiging tahimik at awkward namin sa isa't-isa, napag-isipan ko na asarin nalang sina kuya Skyler at Chaesi. Tuluyang nawala ang katahimikan nung nakisali si Chewy at ganado pang asarin ang kanyang kaibigan.

Parehong unano ba naman ang mga kasama namin. Nang isinigaw nila ang pangalan naming dalawa ag tumakbo na kami palayo. Pwede ko namang iwan si Chewy sa daan dahil kaya kong bilisan ang takbo ko hanggang sa tuluyan akong mawala sa paningin nila pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko kung bakit hinawakan ko pa siya sa kamay at isinabay sa'kin.

"Ang sweet niyo kanina ah." Bulong ni kuya Skyler. "Napicturan ko kayo, papakita ko kay Tyron mamaya."

Napa-iling nalang ako. Parang scandal na naman na sobrang mabilis pa sa virus ang pagkalat nito mamaya.

Sabado. Kararating lang namin dito sa mall. Dumiretso agad kami sa department store para makapamili ng mga gamit namin. Karamihan sa mga asile na nadadaanan namin ay naroon na lahat ng kailangan kong bilhin kaya mabilis din akong natapos, pwera na lang sa kasama ko na hindi makapagfocus sa paghahanap dahil wala naman diyan sa mga produkto na nakalagay sa shelves ang hinahanap niya.

Kaya hindi matapos-tapos eh.

Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi dahil ganyan din ako kapag nasa Seoul ako para magbakasyon kasama ang girlfriend ko.

"Asan ba kasi yung babaeng 'yon?" Bulong nito habang sumisilip sa kabilang aisle. "Alam mo, imbis na sumilip-silip ka bawat aisle na nadaraanan lang natin, ikutin na natin buong department store." Suhestisyon ko.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now