SIGTY 34

122 12 1
                                    

Sobrang hirap maging buntis. Alam ko naman na talagang mahirap kasi pagdadaanan mo rin iyon kapag gusto mo nang magkaanak kayo ng asawa mo, pero hindi ko akalain na talagang sobrang hirap pala. Magsusuka ka sa umaga, maghahanap ka ng pagkain na imposible namang kainin ng lahat, nagiging mababaw ka sa lahat ng bagay, pati ang paglipad ata ng lamok iiyakan mo dahil sa saya kasi the mosquito is flying like it has all the freedom in the world.

Evans Industries is located in New York, his parents have a penthouse that's just ten minutes away from their company. We were supposed to live there pero mas pinili ni Marco na sa Nevada nalang kami.

Actually, dapat sa Washington, D.C dahil may bahay bakasyunan sila roon pero ayaw ni Marco na lumaking gala ang anak ko kapag lumaki na, lalo kung sa New York kami tumuloy, my kid will be exposed in such young age sa mga napakaliberated na tao. Ayokong himatayin nalang ako bigla kapag narinig ko itong nagmumura agad at kung ano-ano na ang pinagsasasabi sa murang edad.

Marco asked known Architects and Engineers to design and build us a house in Lake Tahoe, Nevada. Lake Tahoe is a freshwater lake, located in the Sierra Nevada, a mountain range in the Western United States, it is between the Central Valley of California and the Great Basin. We stayed in New York until our house was finally built.

Maganda ang pagkakagawa nila sa bahay, ang modern rustic exterior design at interior design ng bahay ay bagay na bagay sa lugar kung saan ito itinayo dahil napapalibutan kami ng mga puno at nasa harapan namin ang Lake Tahoe.

Sasalubungin ka ng malawak na parking space, playground, at malaking veranda pagdating mo sa bahay. Pagkapasok mo ay sasalubungin ka ng isang grandstaircase, na may chandelier na nakasabit sa kisame, na nagkokonekta sa unang palapag at pangalawang palapag ng bahay. May malaking living area na agad mo ring matatanaw kapag nasa labas kapa ng bahay gawa ng glass walls. Habang ang kitchen naman ay hindi gaano kalaki, pero hindi rin gaano kaliit. Sakto lamang ito, pati ang hapag kainan na nasa harapan lang nito. At ang mga silid ng mga kasama namin sa bahay ay malapit lamang sa kusina.

Walang library ang bahay pero may mga nakahilera naman na mga libro sa gilid ng living area, bukod doon ay may malaking piano pa sa tabi nito. At kapag nagpunta ka sa likod ng bahay ay doon mo makikita ang malaking swimming pool na may playground sa mababang parte nito para sa aking anak.

Sa ikalawang palapag ng bahay ay may isa pang living area roon na ang katapat ay ang malaking veranda na kung saan matatagpuan ang hindi kalakihan na infinity-edge pool. May total of seven rooms ang ikalawang palapag ng bahay. Isang kwarto para kay Marco, isang kwarto para sa'kin, at isang kwarto para sa anak ko na playroom niya na rin. Ang natitirang apat na kwarto ay ginawa naming guestroom.

Madalas akong nakatambay sa veranda dahil sa magandang tanawin ng bundok at ng lawa. Hindi naman ako nabobored dahil may mga libro akong binabasa kapag tapos na ang klase ko.

Parehas kaming homeschooled ni Marco, hindi naging problema sa'min ang pagsagot sa iniiwan na assignment ng aming teacher dahil nagtutulungan kami sa pagsagot. Kahit nga nung nagtest kami, nagkopyahan pa kami.

"Marco!" Patuloy ako sa pag-iyak habang nakaupo parin sa sofa sa veranda, hapon na at ito ako, nanghihingi ng makakain dahil gutom na si baby.

"Ang tagal mo." Sumisinghot na sabi ko sakanya, naupo siya sa tabi ko at pinunasan ang aking mga luha. "Kung hindi ka lang talaga buntis..." Napa-iling nalang ito. Ilang buwan narin ba akong pinagtitiisan ng lalaking 'to?

"Ayan na po ang kakainin ninyo, mahal na reyna." Sabi nito at inilahad sa'kin ang bowl na punong-puno ng mga prutas na may mayonnaise. Agad akong napangiti at naramdaman ang pagkatakam.

"Thank you." I smiled cutely at him before picking up a piece of an apple. Tumango lamang si Marco na may ngiti sa labi.

Mag-aapat na buwan na kami rito sa bahay habang ako naman ay magsisiyan na buwan ng buntis. Hirap na akong maglakad dahil sobrang laki na ng aking tiyan at dito nalang sa veranda tumatambay, kahit nga ang kumain ng agahan, tanghalian, meryenda, at hapunan ay dito na palagi eh.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now