SIGTY 19

91 12 3
                                    

"Chewy? Smile, honey. Everything's going to be okay." Hinawakan ni mama ang pisngi ko at hinimas ito.

"Paano ako ngingiti king ganito ang mga nangyayari, ma?" Tanong ko. "Dapat hindi ako nagpadalos-dalos sa sagot ko eh."

She sighed. "Kakausapin namin ang kapatid ng dad mo lalo na si Lisa tungkol dito. She'll understand you."

Umiling ako.

How could she understand me when I gave my word to her?! Lalo kay JK!

"Malay mo, makipagbreak si JK kay Lisa dahil natututunan kana niyang mahalin."

Lalo akong umiling para alisin ang boses ni tita sa isip ko. No, he could never love me. I saw how much he loves Lisa!

"We're here." Naunang bumaba ang driver at pinagbuksan kami ng pinto.

Maraming sumalubong na mga reporters sa'min na gustong-gusto kaming maka-usap pero dahil marami ring nagbabantay sa labas ay hindi nila ito hinayaan makalapit sa'min habang kami naman ay dire-diretsong naglakad papasok.

"Chewy!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Sila ate, andito na pala sila.

"Hi tita, hi tito." Sabay-sabay nilang bati sa parents ko nang makarating sila sa tapat namin. "You all look stunning." Komento ni papa. "Syempre, tito. Mana kay mama 'to." Proud na sabi ni ate Alexa at nag flip hair pa.

"Where are your parents?" Tanong ni mama. "Nasa may medyo harapan oo sila, nandoon narin po ang mga parents nila MJ." Sagot ni ate Shirae.

"I heard na magkakasundo na raw kayong lahat. At nanliligaw na raw si Tyron kay Darienne."

"Nako, tita, dumagdag nga si Matthew at Ace eh, nililigawan narin ni kuya Ace si ate Alexa at si kuya Matthew naman ay nililigawan si ate Cheska." Sagot ni ate Chaesi.

"Dalaga na talaga kayo." Ngumiti sila mama sakanila bago nagpaalam.

"Chewy, ang ganda ganda mo!" Komento ni ate Saeny sa'kim. "Oo nga pala, sabi ni JK at Lisa umuwi ka raw agad."

Tumango ako. "May pinuntahan kasi ako." Sagot ko. "Excited na nga ako sa announcement nung parents ni JK mamaya eh, mahalaga raw yun."

Agad na napunta ang tingin ko kay ate Saeny. Agad akong ginapangan ng kaba. Mukhang napansin ito ni ate Darienne kaya tinabihan ako. "May alam kaba, Chewy?"

"Huh? A-Ah wala eh." Sagot ko. "Are you lying?" Agad na tanong ni ate Raika.

"Hindi ah, hindi nga ako marunong magsinungaling." Eh nagsisinungaling kana nga eh.

Magsasalita na sana siya ng magsalita ulit si ate Shirae. "'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, ate Raika. Hindi ata maganda pakiramdam niyan eh, simula pa ata nung foundation day."

Hindi naman na talaga maganda yung pakiramdam ko, mga ate! Simula nung blinackmail ako ni tita!

Kinakabahan ako dahil alam kong mag-aaway kami ni Lisa kapag dumating siya mamaya, magagalit din si JK sa'kin at kakamuhian talaga ako ng dalawa.

"Oo nga." Dagdag ni ate Darienne at pasimpleng hinaplos ang aking braso.

"Mga manliligaw niyo oh!" Tinuro ni ate Chaesi ang mga nasa likuran namin. Sabay-sabay naman kaming napalingon.

Muntik ng malaglag ang mga panga namin ng makita namin sila. Wait, yung kay ate Alexa nalaglag talaga.

Nang magkatinginan kami ni JK ay agad akong umiwas. Tumakbo nalang kaya ako? O kaya umalis nalang ako para hindi matuloy ang kasal at magtago. Pero siguradong hahanapin din nila ako kaya wala rin, sayang lang effort ko.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now