SIGTY 16

74 12 1
                                    

"GIRLFRIEND?!" Gulat na gulat na sigaw nila ate at napatayo na. Tumango naman si JK.

Ngumiti si ma'am sa'min. "I'll leave now." Paalam niya at lumabas.

Tumayo rin si JK at mabilis na nagtungo sa pinsan ko na malawak na ang ngiti.

Umiwas ako ng tingin ng magyakapan sila.

Tanggap ko na eh, tanggap ko na. Pero iba na 'to! Pinsan ko 'yan! Pinsan ko yung girlfriend niya! Akala ko kung sino lang dito sa University pero 'di ko akalain na pinsan ko pala ang girlfriend niya!

"Hi, kuya." Narinig kong bati niya kila kuya MJ. "Na-surprise ba kayo?"

"Sinong hindi mas-surprise eh itong loko-loko mong boyfriend hindi nagsasabi." Sagot ni kuya Tyron. Mukhang ka-close niya sila kuya ah. Kaya ba sinabi sa'kin ni kuya Tyron na wala lang ang mga ginagawa ni JK sa'kin? Kasi alam niya yung totoo?

Pero kung alam niya, bakit inaasar niya si JK sa'kin? Walang kaibigan na matino na aasarin ka sa iba kung may karelasyon kana.

Hindi nakaligtas sa akin ang paniningkit ng mga mata ni ate Darienne nung niyakap niya si kuya Tyron pagkatapos kay kuya Shawn. "Selos mode." Bulong ni ate Raika at nginisian ito.

Ang iba naman naming mga kaklase ay awkward na nagsitayuan at nagpunta sa likod para ayusin ang kung anong gusto nilang ayusin.

Ang iba naman ay nagdaldalan nalang.

"Oo nga pala, let me introduce the girls to you." Nako naman kuya MJ, iniiwasan ko nga na hindi ako makita eh.

Pero kung iiwas ako, mahahalata niya ako.

Punyetang buhay 'to, punyetang tadhana 'to! Pinaglalaruan talaga kami!

Napatingin na sa dako namin si Lisa, nanlaki agad ang mga mata niya ng magkasalalubong kami ng tingin.

"Chewy? Oh my God!" Napatakbo ito sa direksyon ko. Ngumiti ako ng pilit at sinalubong siya ng yakap.

"MAGKAKILALA KAYO?!" Sabay-sabay nilang tanong, nanlalaki na rin ang kanilang mga mata, including JK.

"I missed you!" Tili niya. "I missed you too, hindi ka nagsabi na lilipat ka rito." Sabi ko.

Napakapeke mo naman, Chewy. Eh hindi mo rin naman inaasahan na siya pala itong girlfriend ni JK. Pambihiring buhay 'to.

"Inayos kasi nila dad yung mga papeles ko, hindi kita agad napansin pagpasok ko."

Malamang, na kay JK ang tingin mo.

"Mawalang-galang na, pwede bang malaman kung anong meron sainyong dalawa? Curious na curious kami oh." Napatingin kaming dalawa sakanila.

"Magpinsan kami." Sagot niya.

"WHAT THE HELL?!" Gulat na gulat na sigaw nila ulit.

"Um, sila yung mga kaibigan ko." Sabi ko at inilihis ang topic dahil balak nga kaming ipakilala ni kuya MJ sakanya. "Si ate Alexa, si ate Raika, si ate Cheska, si ate Saeny, siya ang anak ng may-ari ng school, si ate Shirae, si ate Mina, si ate Darienne, at si Chaesi." Pagpapakilala ko habang tinuturo sila isa-isa.

"At paano kayo nagkakilala ni Tyron? Wala bang namumuo sainyo?" Agad na tanong ni ate Darienne na ikinatawa niya.

"Sumasama sila minsan kay JK kapag pumupunta siya sa Seoul para bisitahin ako." Sagot niya. "Girlfriend kaba ni kuya?"

"Malapit na." Sagot niya agad.

"You didn't tell me na magpinsan kayo." Lumapit si JK sa'min. "Akala ko kasi mahahalata mo agad kasi parehong 'Kim' ang apelido namin. Besides, nabanggit mo na President at Vice President kayo rito." Ngumiti siya kay JK.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now