SIGTY 37

148 15 0
                                    

"Say 'mommy'." Marahan kong sabi habang nakikipagtitigan sa aking anak na nakaupo sa aking kandungan.

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga lounge chairs sa tapat ng pool, hapon na at papalubog na ang araw at heto kami ng anak ko, kakatapos lang magbabad sa pool ng dalawang oras.

"Mo-mmy."

"Mya-mmy." Natawa agad ako, my baby's so cute. "No, mo-mmy." Sabi ko ulit at binagalan pa.

Pero ganoon parin ang kanyang tawag sa'kin, it's understandable since she's just eight months old. Malapit narin siyang mag-one kaya gusto ko nang may matutunan siyang mga salita kahit bilang lamang iyon.

And it's fun teaching her, although mali-mali parin ang pagkabigkas niya.

"I really wonder kung anong magiging ugali mo soon, anak." Sabi ko nalang dito at hindi na ipinagpatuloy ang pagtuturo. Baka ma-stress pa siya kapag hindi ko tinigilan.

It's not that... I'm hoping that she's not gonna take up from her father, mabait namang tao ang ama niya pero ang gusto ko, sana ang ugali niya ay malayo sa'ming dalawa.

Grabe, parang sinaraan ko na rin ang aking sarili ah. Pero hindi naman sa gano'n, gusto kong maging triple pa ang pagiging mabait niya, triple pa sa'min.

Bigla itong yumakap sa'kin at tumawa, tila ay may ginawa akong nakakatawa para sakanya eh nawala nga ako saglit sa aking sarili dahil sa pag-iisip.

"Napakamasiyahin mo, anak." Sambit ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nanatili kami sa ganoong pwesto hanggang sa maramdaman ko na malapit na itong makatulog ng mahimbing.

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko para banlawan muna siya bago siya tuluyang makatulog.

Maingat ko siyang ibinaba sa kanyang crib, kinumutan ko ang kalahating parte ng katawan nito bago ko inasikaso ang aking sarili.

Kamusta na kaya sila ate roon? Madalang nalang silang tumawag. Naiintindihan ko naman na busy sila dahil pasukan na ulit pero hindi pa naman totally tapos ang first sem sakanila ah.

Sila kuya ay ganoon din pero kung ikukumpara mo kila ate, once or twice in a month namang nangangamusta sila kuya. Itong sila ate parang nakalimutan na ako.

Para silang nagka-amnesia at nakalimutan na yung bunso nila ay nasa ibang bansa. Tatanungin ko nalang sila kuya tungkol dito kapag tumawag na.

"Ma'am?" Nakarinig ako ng katok, mabilis akong naglakad papunta roon para hindi na pa gumawa ng ingay na ikagigising ng aking anak. Mahirap pa naman patulugin 'yan kapag nahihirapan siya matulog.

"Yes?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto. "Sir Marco's here."

Ha?! Nandito si Marco?!

"Alright, thanks." Sagot ko, tumango naman siya at naglakad na paalis.

Akala ko ba may meeting siya sa Switzerland?! Bakit nandito 'yan ngayon?! Ang layo-layo ng Switzerland sa Nevada! Imposibleng dumaan lang 'yan dito!

"I'll be back, baby ha, sleep tight." Yumuko ako at pinatakan ng halik ang noo ng aking anak bago lumabas.

Hindi kaya ay dumaan siya rito bago pumuntang Switzerland? Eh imposible naman dahil kukulangin siya sa oras, mas malayo ang Nevada kumpara sa New York.

Anong pumasok sa isipan nun at biglang--

"SURPRISE!!!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang lumitaw sila ate na may hawak-hawak na balloons at nakasuot ng party hat. Sapo-sapo ko pa ang aking dibdib ng biglang lumitaw din sila kuya sa gilid ko na ikinatili ko na talaga, katulad nila ate ay may suot din silang mga party hat at may mga lobo na hawak.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now