SIGTY 1

553 19 10
                                    

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin matapos akong makapag-bihis. Sakto lang yung uniform sa'kin. Isinuot ko ang blazer ko pagkatapos. It's first day of school.

"Chewy Kim! Bumaba kana! Mal-late na tayo!" Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Nakalimutan ko na na naghihintay ang mga kaibigan ko sa baba.

Mabilis kong kinuha ang phone at bag ko at bumaba.

Nakapameywang na silang walo sa akin nang makababa ako, nagtataasan narin ang mga kilay nila, kulang nalang magkaron sila ng competition kung sino yung kayang pataasin yung kilay nila na tipong abot hanggang tuktok ng Mt. Everest.

"Ang tagal mo sa taas, sinong kausap mo?" Ate Alexa.

"May jowa kana no?" Ate Raika.

"Bakit hindi ka nagsasabi ha?" Ate Cheska.

"Pakilala mo sa'min, bunso. Hindi kami magagalit." Ate Saeny.

"Bunso, hindi ka namin pinalaking magtago ng sikreto sa'min." Ate Shirae.

"Bunso, anong ginawa namin para magtago ka ng sikreto?" Ate Mina.

"Bunso, bakit?" Ate Darienne.

"Hindi kaba pinapakain nila ate para mag-jowa kana agad?" Chaesi.

Nalaglag ang panga ko sa bawat tanong na hinahagis nila sa akin. What the! Mga OA na 'tong mga 'to eh!

Tinarayan ko sila sa inis na aking naramdaman. "Mga ate naman! Mukha ba akong may jowa?! Yung mga gusto ngang manligaw sakin hindi na natutuloy dahil sainyo palang, basted na agad!" Sagot ko.

Totoo naman eh, lalo kay ate Raika. Hinahamon ba naman mag-suntukan. Pati pala si ate Alexa, sobrang taas nang standards niyan eh, kung gaano kataas ang Mt. Everest, ganoon din kataas ang standards niyan.

"Hehe, sorry bunso, 'di kasi kami nasanay na ikaw yung pinakamatagal, ikaw lagi yung una eh." Katwiran ni ate Alexa at nag peace-sign. Oo nga no! Nagkapalit kaming dalawa ngayon! Si ate Alexa lagi ang nahuhuli samin magbihis eh.

"Sabagay, tara na!" Yaya ko sakanila at naunang lumabas. Nagsisunod naman sila sa akin. Pumasok na ako sa van namin at naupo sa pinakadulo. Sumunod na rin ang iba na may pinagk kwentuhan na ngayon.

"Aba--Akala ko ba ikaw ang magd-drive ngayon?" Tanong ni ate Raika kay ate Alexa na ngayon ay naka-upo sa shotgun seat. Inabot siguro ni ate Alexa ang susi kay ate Raika.

"Tinatamad ako." Sagot nito at ngumiti sakanya. Sinamaan siya ng tingin ni ate Raika bago umikot papunta sa driver's seat.

"Hoy mga walang hiya, asan na sweldo ko? Driver niyo na ko simula third year ha!" Sigaw nito sa amin bago pina-andar ang van.

"Sweldo ka ritan, kasalanan ba namin na ikaw lagi nagd-drive?" Sagot ni ate Cheska. "Siraulo! Kasalanan ko rin bang ayaw niyong nagd-drive kaya nal-late tayo lagi?!"

Kabadong tumawa si ate Cheska at nag-iiwas na ng tingin kay ate Raika. Ay nako, ate, dapat 'di kana lang sumagot. Alam mo namang makakain ka ng buo niyan.

Lahat naman kami ay kaya nang mag-drive, pero kami nina ate Darienne at Chasie ay hindi pa pinapayagan nila ate, sila nalang lagi ang nagd-drive. Bata pa raw kami eh.

Bata paba yung 22 years old?

Anyway, mabilis din kaming nakarating sa eskwela dahil na rin sa mabilis at maayos na pagd-drive ni ate Raika. She's really good at driving. Mas sanay nga lang siya sa mga motor.

Pagkababa, ay sumalubong sa amin ang mga mata ng mga ka schoolmates namin. Pinapanood ang bawat pag-galaw namin.

"Ano una niyong klase?" Tanong ni ate Saeny sa amin ng makapasok na kami sa loob. "Chemistry kami ni Chewy." Sagot ni ate Shirae at yumakap sa braso ko. "Ay, ako rin!" Sabi agad ni ate Mina.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now