Laman parin ng isipan ko ang sinabi niya kanina. Napatili nalang ako at nagpagulong-gulong dito sa kama ko.
Kinikilig ako!
Wait! Ang ibig-sabihin ba nito, may gusto siya sa akin?
Masyado ka naman feelingera sa part na 'yan, Chewy! Pero kasi! Nagpatuloy ako sa pagtili at pagsigaw. Kinikilig talaga ako! Hindi ko na mapigilan!
"CHEWY, OKAY KA LANG BA?!" Sinundan iyon ng malakas na sunod-sundo na katok. Tumayo ako at inayos ang sarili ko bago nagtungo sa pinto para buksan ito. May nagising pa ata ako. "Anong nangyayari sayo?! May magnanakaw bang nakapasok sa kwarto mo?!" Hysterical na sigaw ni ate Shirae habang ginagala ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko.
Wala ate, si JK lang yung nakapasok, pero sa puso ko.
"Wala ate, ako lang 'yun, may naalala lang." Sagot ko. Nasapo niya ang noo niya. "Jusko! Akala ko kung anong nangyari!"
"Bakit 'di ka pa tulog?" Tanong ko at tumingin sa orasan na nasa pader at nakitang malapit na mag-alas-diyes. "Nagutom si ate Alexa kaya ayun bumaba, nagluto pero nasunog ata yung niluluto niya kasi talsik ng talsik ang mantika kaya nagtititili at tumatakbo palayo, bumaba sila MJ para icheck, nagutom din kaya tinawag kami para kumain ulit."
Grabe! Ang dami na nga nung kinain namin tapos 'di pa sila busog.
Ako rin naman gutom pa kaya naiintindihan ko, hehe.
"Ba't 'di niyo ko inaya?" Tanong ko. "Kaya nga andito ako para tawagin ka eh." Sagot nito. "Halika na, para mapag-usapan narin natin yung tungkol sa booth." Hinila niya na ako palabas ng kwarto.
Andito na pala silang lahat. "Oh, ayan, kumpleto na tayo." Sabi ni kuya Skyler. Naupo ako sa tabi ni ate Saeny at nagsimula nang kumain. "Dahil nandiyan na ang President, pwede na nating pag-usapan ang tungkol sa booth." Napatigil ako sa pagnguya at tinignan silang lahat.
"So pa'no yung decorations ng booth?" Tanong ni ate Cheska. "Filipiñiana at Barong ang susuotin ng mga ikakasal, syempre dapat ang decorations ng booth is yung pangsinaunang panahon." Sagot ko.
"Nagtataka parin ako hanggang ngayon, bakit kaya yung iba sainyo 'di ganyan?" Tanong ni kuya Tyron. "It's because we don't have the same level of IQ, duh." Umirap si ate Alexa sakaniya."Ang sabihin mo lang, walang ka talagang alam." Sabi ni ate Raika. 'Meron."
"Kung pa'no makipagflirt sa mga lalake katulad ni kuya Skyler." Singit ni Chaesi. "Hoy, 'di ako nakikipaglandian sa lalaki no."
"Tanga, hindi naman sinabi na nakikipaglandian ka sa mga lalake, masyado kang defensive, napaghahalataan ka tuloy." Sabat ni kuya Ace. Sumimangot si kuya Skyler at kumain muli.
"Oh, ikaw JK? Anong gusto mong idagdag sa naisip ni Chewy?" Tanong ni kuya Shawn sakaniya. "Kung paano niya raw yayayain si Chewy magpakasal sa wedding booth."
Napatingin ako kay kuya Tyron na umaaray na dahil sa ibinato ni JK sakaniya. "Loko-loko! Baka ikaw may plano!"
"Meron ako, pero sigurado ako na hindi lang ako ang may plano rito." Ngumisi ito at pinasadahan kami ng tingin. Nanlaki ang mga mata namin. "Magkaka-alaman na." Ngumisi si Chaesi sa akin.
"Good luck sa mga aamin." Biglang sabi ni ate Raika. "Lalo kay ate Alexa, sana makaya mo ugali niyan, mas wild pa yan sa tigre at leyon sa zoo." Natawa kaming lahat habang si ate Alexa namna ay hinampas ito. "Ang hard mo sa'kin!"
"'Di kapa sanay diyan." Natatawang sabi ni ate Cheska habang sumusubo.
"Good luck sa aamin kay kuya Ace." Ngumiti si kuya Matthew sa amin. "Sana makayanan mo ang ugali niya na puro tulog lang ang alam."