Pagkatapos ng klase ay naunang lumabas si JK. Napatingin naman si kuya MJ sa'kin. "Anong nangyari sa lalaking 'yan?" Tanong agad nito.
Nagkibit-balikat ako. Ewan ko ba sakanya. Kanina lang, inaasar-asar pa 'ko tapos ngayon, 'kala mo kung sinong jowa ko na nagseselos sa'min ni Marco.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip ko.
SIYA?! MAGSESELOS?! ANG ASSUMING MO, CHEWY! AS IF MAGSESELOS 'YAN! EH KINAMUMUHIAN KA NIYAN EH!
"Namiss ka namin!" Yumakap sina ate sakanya. Natawa naman si Marco at niyakap silang dalawa pabalik. "Nagkita kami ni Chaesi nung Biyernes, hindi niya sinabi?"
"Nakalimutan niya ata." Sagot ni ate Cheska. "Oo nga pala. MJ, si Marco." Pagpapakilala ni ate Shirae kay kuya MJ. "MJ nalang, nagsisilbing tagabantay ng siyam na babaeng sobrang makukulit." Nginitian niya ito at inilahad ang kanyang kamay. Natawa si Marco at tinanggap ito.
"Marco, kaibigan nila since third year sa Highschool. Mas nauna nga lang kaming magkakilala ni Chewy." Sabi niya.
"Sabay ka sa'min maglunch mamaya, Marco. Magkaklase naman kayo ni Chewy next subject, diba." Tumango ako kay ate Shirae. "Kaklase niyo rin si JK, tanungin mo nga ang ungas na iyon kung anong meron at umalis agad."
Baka may dalaw, kuya MJ.
"So kaibigan niyo rin pala ang asawa ni Chewy?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata nina ate Cheska at ate Shirae.
"Ha?! Alam mo na?!" Tumango si Marco. "I'll explain later nalang mal-late na tayo. Kita nalang tayong lahat sa cafeteria, bye!" Sabi ko at hinila na si Marco palabas.
"Care to explain, Elori? Sabi mo kanina na sasabihin mo sa'kin mamaya." Tanong niya. "Arranged kaming dalawa sa isa't-isa, kahit bago pa kami ipanganak."
"Our company faced bankruptcy kaya tinulungan nila kami."
Tumango siya. "So how about that MJ?"
"May lima pa kaming kaibigan na lalaki, kaibigan din nila yung dalawa at magkakasama na silang pito bago kami pinatira sa iisang bahay." Sagot ko. "Magkaibigan ang mga parents namin kaya napagdesisyunan nilang lahat na tumira kami sa iisang bahay para sa safety ng bawat isa sa'min, lalo sa'ming mga babae."
"Malay mo magmerge ang mga kompany namin lalo na't nanliligaw yung iba sakanila sa ibang mga ate."
"Since when?"
"Nung pasukan." Tumango siya. "Anyway, dinner tayo mamaya? My treat." Anyaya niya.
"Sure, kung hindi tayo tatambakan ng mga gawain." Natawa siya. "Susunduin kita mamaya sa last class mo."
Sayang, hindi kami magkaklase last subject, pero okay lang din naman, magkaklase naman kami sa iba pang subjects. Pati sa susunod na mga araw.
Pagkadating sa room ay kitang-kita ko kung paano nalukot ulit ang ekspresyon ni JK nang makita niyang pumasok ako kasabay si Marco.
Dumaan kaya ako sa simbahan mamaya para huminga ng holy water? O kaya isama namin siya tapos ibababa namin siya sa simbahan para mabuhusan siya ng holy water.
Hindi ko alam kung anong nangyayari rito sa lalaking 'to. Bigla-biglang nag-iiba yung mood. Daig niya pa kaming mga babae na nagiging ganito lang kapag nagkakaroon na kami.
Pagkatapos ng second subject ay nagpaalam na sa'kin si Marco dahil hindi na kami magkaklase, pero kaklase niya ata si ate Chaesi ngayon kasi Arts ang next subject sa schedule niya.
Alam ko kasi Arts din ang third subject ni ate Chaesi since kinukuha niya ang art materials niya sa locker area pag third subject na kapag Monday.
Naunang lumabas ulit si JK kaya lalo akong nagtaka. Ano bang meron sa lalaking 'to?