Sabado. Kalalabas ko lang ng kwarto dahil pupunta na ako sa kompanya ngayon.
Kasabay ko rin na aalis sina ate Raika, ate Cheska, kuya MJ, at kuya Matthew dahil kukunin na nila ang mga damit na pinatahi namin para sa booth. Tapos na sana kami kaya lang nung triny naming buhatin yung booth kahapon kaya lang, natanggal yung isang kahoy, pero mabuti nalang iyong natanggal ay yung nasa likod kaya ala-sais palang ng umaga ay nasa school na kami para maayos iyon at macheck na kung hindi naba talaga matatanggal yung iba para sure na talaga.
"Oh, sa'n ka pupunta?" Tanong ni ate Shirae ng makababa ako. "Sasama ka sa apat?" Umiling ako. "Sa kompanya ako pupunta ate." Sagot ko, nasa sala kasi silang lahat at may ginagawang malaking banner.
Wala si JK, siguro nagpunta sa condo ni Lisa. Nabanggit din kasi namin sakanya na nakatira kaming lahat sa iisang bahay kaya ayan, tatanungin niya raw kung papayagan siya na dito tumira sa'min dahil nandito naman ako at si JK.
Alam ng parents niya na boyfriend niya si JK pero hindi ito alam nila mama. Pati rin ata ang mga magulang ni JK ay hindi rin alam.
Pero malalaman na nila mamaya dahil sasabihin ko.
"Anyway, sumabay kana sa'min, Chewy. Idadaan ka namin." Sabi ni ate Raika.
Tumango nalang ako at itinext sila mama na papunta na ako kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa sina JK at Lisa.
"Pumayag?" Masayang tumango si Lisa. "Aalis ka?"
Tumango ako na ikinanguso niya. "Aww, akala ko makakapagbonding tayong dalawa buong maghapon."
"Andyan naman si JK may bukas pa naman." Sagot ko. "Let's go."
"Ingat." Sumunod na ako kila ate Raika palabas.
"May problema ba sa kompanya niyo at kailangan mog pumunta?" Tinaasan ako ng kilay ni ate Raika. Nanggugulat naman 'to. "Wala, ate. Bibisitahin ko lang sila."
Lalong umarko ang kilay nito, nagmukha tuloy siya yung witch doon sa Snow White and the Seven Dwarfs. "You don't know how to lie, Chewy."
"Ate, I'm not lying. Kung may problema man, malulutas agad 'yan dahil nandyan sila tita para tumulong." Sagot ka. "Hindi ka pala marunong magsinungaling, Chewy?" Tumango ako.
Hindi kuya, pero natututo na dahil dito.
"Sige nga, mukha bang kabayo si Matthew?" Napa-preno ng wala sa oras si kuya Matthew dahil sa tanong ni kuya MJ, agad niya itong sinamaan ng tingin. "Hindi ah."
"Mukhang badjao ba si MJ?" Sinamaan din siya ng tingin ni kuya MJ. "Hindi rin."
"Mukhang tanga ba 'yang dalawa?" Inis na tanong ni ate Raika. "Maka-tanga ka naman."
Nagpatuloy sa pagdrive si kuya Matthew na tinatanong parin ako. Pati rin pala si kuya MJ. Matapos ang ilang minuto ay huminto narin si kuya Matthew.
"Gusto mo bang daanan ka namin pauwi?" Umiling ako habang bumababa. "Magt-taxi nalang ako pauwi."
"No way, taxi? Baka may gawin pa sayo yung driver."
"Ate, hindi naman lahat ganoon." Sabi ni ate Cheska sakanya.
"Basta, text kanalang." Tumango ako at isinara ang pinto.
Naglakad na ako papasok, dire-diretso rin akong naglakad papunta sa elevator habang sinusuklian ang mga bati nila sa'kin.
"Good afternoon, Ms. Kim." Bati sa akin nung sekretarya ni papa. "Busy po sila?"
"Nope, Ms. Kim, they are waiting for you." Tumango ako, she pressed the intercom and informed my parents na nandito na ako bago niya ako hinatid patungo sa opisina nila.