When my daughter turned one month, bumalik na kami sa pagiging homeschooled namin ni Marco.
Kaunting lessons na lang din naman at tapos na kami sa pagiging second year college. Hindi naging sagabal ang pagbabantay namin sa aking anak sa tuwing klase na namin dahil madalas itong tulog buong tanghali.
Sila ate at kuya naman ay minsan na lang bumisita rito, ang huling alam ko tungkol sakanila ay sinusubukan na nilang ihandle ang kanilang mga kompanya kahit hindi pa sila totally graduate.
Ang sabi nila ate, gusto na raw nila makabisado kung ano yung mga gagawin nila, para kapag nakagraduate na sila, wala na sila pang magiging problema at magiging hands-on na agad sila sa kompany.
They have a point naman, mamumulat agad sila ate sa mga nangyayari sa kompanya lalo kapag ikaw na ang nakaupo sa pwesto ng CEO.
Habang kami naman ni Marco ay mags-stop muna. I'm gonna focus on taking care of my daughter habang siya naman ay sa kompanya nila. He knows what he's going to do dahil nung isinama siya rito ay namulat na siya sa kanyang mga gagawin.
At ang aking pinsan naman ay ganoon din ang gagawin, after finishing college ay babalik din ito sa Seoul para palitan na sa pwesto si Tito. Malapit lang naman ang South Korea at Pilipinas eh kaya hindi na iyon problema sakanya kung gusto niyang umuwi, she can go home anytime she wants tutal may private jet naman ang pamilya niya.
"Mabuti at natututo na gumapang ang apo ko." Sambit ni Mama habang pinapanood ang aking anak na gumagapang sa carpet sa sala. Malapit ng mag-anim na buwan ang aking anak at heto siya, nagsisimula nang gumapang sa buong bahay.
"Hobby niya na 'yan, Mama. Kapag hindi ko inilalabas sa crib, iiyak kasi hindi nakakagapang." Sagot ko.
"Nakakapaglakad naba siya?" Umiling ako. "Hindi pa, Papa, hindi niya pa kaya."
"Nako, sana naman ay huwag itong maging makulit katulad mo." Sabi ni Mama. "Hindi ako makulit ah."
"Asus, napakakulit mo, araw-araw, tumatakbo ka sa buong bahay, napaka-energetic mo at nag-aalala ako sa aking apo, baka matulad sayo." Umiiling na sagot ni Mama. "Ma, parang sinasabi mo ayaw mong may mana ang anak ko sa'kin."
"Hindi sa ganoon pero parang ganoon na nga." Nagtawanan kaming tatlo habang pinapanood parin ang kanilang apo na mahahalata mong gusto nang gumapang palabas ng bahay.
Hindi rin nagtagal sa bahay sila Mama at umuwi rin, may binisita lang kasi sila na kamag-anak ni Mama sa Washington D.C, dumaan narin sila rito para mangamusta.
Sa nagdaan na dalawang buwan, minsan nalang umuwi rito si Marco sa Nevada, madalas ay nasa New York siya at nasa Penthouse nila pero lagi ako nitong tinatawagan at kinakamusta kung maayos lang ba ang aming lagay.
Wala naman akong reklamo dahil hindi na siya nakakauwi, may sarili siyang buhay at hindi lang iyon iikot para sa'min ng anak ko. He has responsibilities and so does I.
"Happy six months old, my angel." Bati ko sa aking anak habang kinukuha ito palabas sa kanyang crib. "You're six months away from turning one-year old, baby. Ang bilis ng panahon." Pinagdikit ko ang aming mga ilong at ikiniskis ang aking ilong sa kanyang ilong na ikinatawa niya.
"Let's have your breakfast na, hmm? And then we're gonna have a small walk in Lake Tahoe." Kwento ko rito habang bumaba kami sa hagdan.
Hindi naman kami magsiswimming at kung gusto man ng anak ko, hindi ako papayag dahil masyadong malamig doon. Marco and I tried swimming there before I turned a month pregnant with her at hindi ako nagtagal ng limang minutong nakababad doon dahil sa sobrang lamig!