SIGTY 28

118 12 3
                                    

"Alam mo simula pa kanina, pinagpapawisan kana." Sabi ni Marco sa'kin habang pinupunasan ang noo ko na hindi man lang matuyo-tuyo simula pa nung nakita ako ni Lisa, na hawak-hawak ng boyfriend nya.

"Sinong hindi pagpapawisan ha?!" Singhal ko sakanya na ikinangiwi niya. Mamamatay na ata ako sa kaba na nararamdaman ko simula pa kanina.

Sigurado ako na sumabog na naman ang pinsan ko, hindi pumasok si JK kanina kaya sigurado ako na magkasama sila.

Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ako nagpadala sa sigaw ng puso ko, hindi sana ako kinakabahan ngayon! Edi sana mahinahon kong kausap ang pinsan ko! Edi sana malapit na kaming magkaayos! Edi sana-Argh! Bwisit!

"Chill, Elori. Hindi ka naman agad mamamatay eh."

"Wala ka naman sa pwesto ko kaya 'di mo alam ang nararamdaman ko." Inis kong sabi sakanya. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagpupunas sa pawis ko. Lunch na ngayon at pareho kaming magkaklase sa next subject kaya lang wala ang teacher namin dahil umalis ito dahil may emergency kaya narito kami sa cafeteria, nagpapalipas oras.

"Kinakausap niya naman siguro ang pinsan, malay mo nakipagbreak na." Sinamaan ko siya ng tingin. "Break?! Naririnig mo ba ang sarili mo, Marco?! Hindi sila magbebreak dahil mahal nila ang isa't-isa!'

"Kung mahal nila ang isa't-isa, bakit pa gano'n ang inaakto ni JK pagdating sayo? Look, Elori. Ikaw na ang mahal niya. Si Lisa na lang nagmamahal sakanilang dalawa."

Umiling ako. "Hindi ako naniniwala." At hinding-hindi ako maniniwala!

"Then that's good, para ako nalang ang sagutin mo." Ngumisi siya sa'kin.

"Alam mo, ewan ko sayo." Inirapan ko siya. Nagpatuloy nalang kaming sa dalawa sa pagkain. Nahuli rin kasi kami ng pagdating kanina kaya nung pagdating namin dito, patapos na sila maglunch.

Pangalawa na sa huling subject na pero wala parin kaming alam sa dalawa. Lalo lang akong ginagapangan ng kaba. Bakit ba kasi hinahayaan si JK na gawin ang mga bagay na ginagawa niya kay Lisa sa'kin?! Ang tanga-tanga mo kasi, Chewy! Ikaw din itong may kasalanan dahil hinahayaan mo na gawin niya sayo ang mga bagay na 'yon!

Bakit kasi naniniwala sa sinabi niyang mahal kana niya pero ang totoo si Lisa ang mahal niya?! Letse kasing puso na 'to! Umaasa parin sakanya! Hinayaan ko siyang gawin akong panakip-butas, bwiset! Kaya heto ako ngayon, hindi mapakali!

Gusto ko lang naman magmahal, magmahal ng taong mas mamahalin ako pero bakit kailangan na masaktan ka kapag nagmamahal ka? Kupido, nakakainis ka! Wala naman akong ginagawa sayo pero grabe kana sa'kin! Gusto ko lang naman magmahal pero bakit kailangan may sabit pa?! Biased ka rin eh!

"Ms. Kim, are you okay?" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong binanggit ang teacher namin ang pangalan ko. Napatingin si kuya MJ sa'kin na kaklase ko ngayon. "Yes, ma'am." Sagot ko.

"Are you sure? You look pale."

Tipid akong ngumiti. "I'm fine, ma'am."

"If you want to go to the clinic, just tell me." Tumango ako. Bumalik narin siya agad sa pagtuturo.

"You okay?" Tanong ni kuya MJ. Tumango ulit ako. "Stop pretending, Chewy. Halata namang hindi eh, simula pa kanina nung dumating si Lisa."

I sighed. "Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng pinsan pag nagkita kami." Kinagat ko ang labi ko sa sobrang kaba.

"Pinapakalma na 'yan ni JK." Sabi niya bago tumingin sa harap.

Muli akong huminga ng malalim bago nakinig. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay natapos na rin ang klase. Kasabay kong naglalakad ngayon si kuya MJ papunta sa last subject namin.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now