SIGTY 20

101 11 2
                                    

Wedding day.

It was one of the best days for girls like me. Wearing the perfect gown you've been dreaming of. Walking towards the aisle with your parents beside you as they walk you to the man you'll spend your whole life with.

But for me? It wasn't. It was supposed to be the best wedding for me dahil isa ito sa mga araw na hinihintay kong dumating sa aking buhay.

"JK." Tawag ko sakanya nang makapasok kami sa bahay kung saan na kami titirang dalawa. "JK."

"Shut the fuck up." Inis na sabi nito at umakyat sa taas.

I sighed as I sat down on the couch. Tinanggal ko ang heels na suot ko simula pa kaninang umaga.

Just like what tita said, sila mama, sina ate at kuya, at ang mga parents nila ang naging bisita namin. Though there are some businessmen and women that kept complaining why they didn't received any invitation because our marriage was publicily announced, hindi iyon pinansin ni tita.

Alam kong naka-abot na ang news sa Seoul na kasal na kaming dalawa. Hindi na ako magugulat kung biglang sumugod si Lisa rito.

Ang sakit ng mga paa ko dahil sa heels ko na ilang oras ko nang suot, lalo naman itong wedding gown ko na hindi ko man lang napagplanuhan kung paano ang magiging design.

Sa ibang bansa kami ikinasal. Sa America. Iyon ang gusto ni JK dahil legal ang divorce roon. Pumayag si tita dahil ibig-sabihin nun ay wala nang magagawa si JK kundi ang um-oo rito.

Mas naunang umuwi sila ate at kuya, gusto ko nga sanang sumama pauwi kaya lang binabantayan kasi nina tito at tita ang kilos namin.

Napatayo ako ng may bumusina sa labas. Nakita ko ang van na ginagamit namin papasok. "Bakit hindi kapa lumabas at pagbuksan sila?" Napalingon ako sa likod ko.

"Wala akong tsinelas na suot." Sagot ko. Ayoko magheels. Kailangan ng mga paa ko na mapahinga. "Tsinelas lang? Bakit? Ikakamatay mo ba agad kapag naglakad ka ng naka-paa?" Naglakad na siya palabas.

He hates me. Like what I expected.

Umupo nalang ulit ako sa couch at hinintay silang makapasok. "Chewy." Nginitian ako ni ate Saeny, niyakap agad ako nito.

"Ang laki rin pala nung bahay." Komento ni ate Cheska habang inililibot ang tingin. Pumasok narin ang iba, dala-dala naman nina ate Alexa at ate Raika ang mga bagahe ko kung saan naroon ang mga gamit ko.

"Nandito na lahat." Sabi ni ate Shirae. Pumasok din si JK na hila-hila ang isa niyang bagahe. Hindi niya pinansin sila ate at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod naman sina kuya Skyler at kuya Tyron sakanya, dala-dala ang iba niyang bagahe. Napatingin sila sa'kin at nginitian ako ng tipid. Tumango lang ako.

"Basta, andito lang kami, Chewy. Pwede naman kaming bumisita rito lagi." Sabi ni ate Mina sa'kin. "Okay lang ako, I'll just call if may problema."

"Alam na ni Lisa, Chewy." Napatingin ako kay kuya MJ. "Alam niya na."

"Alam ko rin na alam niya, kuya." Kalmado kong sagot. "Naghahanda na rin ako dahil alam kong susugod yun dito pagkalapag na pagkalapag ng eroplano na sinakyan niya."

"Naiinis ako kay tita sa totoo lang." Sabi ni ate Raika. "Pwede naman kasing hindi na kayo ipakasal."

"Hindi rin, ate." Sagot ko. "Kailangan."

"Bakit kailangan, Chewy? Alam naming mahal na mahal mo si JK at naniniwala ako na hindi mo kinuha ang oportunidad na mapasayo siya."

"Pero bakit kailangan?"

"Dahil bago pa kami ipanganak, ipapakasal na kami sa isa't-isa. Iyon ang habilin ng aking lolo't lola bago sila namayapa, ganoon din ang lolo't lola niya." Napa-awang ang mga bibig nila dahil sa sagot ko.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now