SIGTY 22

117 14 5
                                    

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Umaga na pala. Itinukod ko ang mga braso ko para maka-upo pero mabilis din akong napa-aray at napahiga ulit nang maalala't naramdamn ko na may sugat pala ako.

I sighed. Paano ako magluluto ng kakainin ko ngayon? Sigurado ako na nasa Seoul parin si JK kahit sinabi niya na uuwi rin siya kahapon.

Maaga nga akong nahiga pero hindi rin naman ako nakatulog agad dahil laman ng isipan ko ang nangyari. Lalo na ang pangbablackmail ulit ni tita sa'kin. Wala ba silang pakialam sa nararamdaman ng anak nila 'pag nalaman niya ang lahat?

I sighed for the second time before standing up. Inayos ko ang kama ko bago nagpunta sa bintana para itali ang kurtina na niladlad ko kagabi.

Matapos ay pumunta ako sa kama ko ay naupo ulit. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table. Nakita ko roon ang text ni ate Shirae.

From: Ate Shirae
Good morning, bunso. Plano sana namin na pumunta riyan para ipagluto ka ng breakfast kaua lang medyo tinanghali na kami ng gising dahil anong oras narin kami natapos sa paggawa ng report namin.

Magrereply na sana ako nang tumawag ito. "Ate."

"Good morning, nabasa mo naba ang text ko?"

"Opo, ate. Kaya ko namang magluto, 'wag ka mag-alala." Pagsisinungaling ko.

"Sinabihan narin namin ang mga teachers mo na hindi ka makakapasok today dahil sa nangyari, they understand naman."

"Ate, yung video.."

"Kinausap na yung babaeng nagpost, kasama ang parents mo, niya at ni ate Saeny." Sagot nito. "Mabait pa nga sila tita dahil sinuspend lang siya. Kung sila ate Alexa ang may-ari niyan, kick-out agad."

"Anyway, I gotta go, tumawag ka kung may problema ha."

"Opo, ate." Sagot ko bago pinatay ang tawag.

Kung sila ate Alexa nga ang naging may-ari niyan, kick-out siya agad at gagawin lahat ni ate Alexa para hindi na siya makapasok pa sa ibang unibersidad. Isa na sa matalik niyang kaibigan ang nasasaktan dahil sa ginawa nung babae, at alam ni ate Alexa ang dahilan kung bakit nauwi kami sa ganito kaya alam kong ipapatalsik niya talaga iyang babae.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa bedside table at tumayo. Dumiretso ako sa banyo para maligo.

Medyo natagalan ako sa pagligo dahil sa sugat ko. Hindi naman ito malalim dahil daplis lang naman pero mahaba naman ito at sa tuwing igagalaw ko ang braso ko ay napapangiwi agad ako sa sakit. Nang matapos ay agad akong nagsuot ng damit at bumaba.

Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kusina ng may maamoy akong mabango. Sinong nagluluto?

Umabsent ba yung ibang ate para samahan ako? Eh may reporting sila ngayon ah!

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok at nang makita ko kung sino ang nagluluto, agad na nanlaki ang mga mata ko.

"JK?" Andito na siya? Humarap siya sa'kin. Lalong nanlaki ang mga mata ko at agad na tumalikod nang makita siyang buo.

WHY THE HELL IS HE TOPLESS?!

Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko habang inaalala iyon.

"Pwede ka nang humarap." Okay, calm down, Chewy. Hindi niya pwedeng makita ang mukha mong namumula.

Pero bakit kasi wala siyang pang-itaas na damit?! Hindi niya ba naisip na ano mang oras ay pwede akong magising?!

I heaved a deep breath bago humarap sakanya. Nakadamit na siya, buti naman.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now