"Dahil sa hindi tayo nagtest kahapon, tignan niyo ang kinalabasan! Patapos na tayo!" Napahiyaw sa saya ang iba naming nga kaklase dahil sa sinigaw ni kuya Tyron. "You guys should thank me for that!"
"Ano bang gusto mong kapalit?" Tanong ni kuya Skyler habang nagpupunas ng pawis. Napa-iwas agad ako ng tingin dahil may naalalanlang ako riyan.
"Kahit ano."
"Okay naba si Darienne? Yun lang kaya namin eh." Tanong ni ate Shirae. "Syempre, okay na okay." Sagot ni kuya Tyron at kinindatan ito.
Umiling nalang si ate Darienne sakaniya. Okay na ang dalawa. Alam ng lahat na nag-away 'yan dahil hindi nagpapansinan pero hindi nila alam ang dahilan maliban sa akin. At kay JK at kuya Skyler din ata.
Buti nga at okay na sila eh.
Tinignan ko ulit ang ginagawa namin. Is-set-up nalang 'to sa quadrangle next week at doon na namin pwedeng maisabit ang iba pang mga decorations na hindi pa namin masabit ngayon dahil baka masira.
Yung mga damit naman ay patapos narin. Yung boquet ay malapit narin, naka-ilang ulit din kasi si ate Alexa dahil gusto niya talaga maganda ang kakalabasan nito.
"Pano yung mga damit? Kelan natin makukuha?" Tanong ko. "Baka sa Linggo, sabi ni Raika mas gaganda raw kung lalagyan ng onting crystals kaya inaayos pa nung nananahi eh." Sagot ni kuya MJ.
Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
Lumabas ako at sinagot ito. "Ma?"
"Honey, JK's parents called us." Sagot nito. "Bakit daw po?"
"Pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal niyo." Natanga ako saglit sa narinig ko.
I sighed heavily, at mukhang narinig niya ito. "Ipapadala ng parents niya ang kotse ni JK diyan para yan ang gamitin niyo papunta kung nasaan kami ngayon." Dagdag nito. "S-Sige po."
"I'll end the call now." I sighed again. Dapat pala sinabi kona agad na ayaw kong magpakasal sakaniya.
Eh hindi ko rin naman kasi alam na may girlfriend pala siya. Pero mas lalo lang akong masasaktan. He already told me that he has a girlfriend, magt-transfer dito ang girlfriend niya at maaaring maging kaklase namin siya.
"Sinabi na ng parents mo?" Tumingin ako sa likod ko at nakita siya. Tumango lang ako.
"Mauuna ako, it-text ko nalang sayo kung sa'n ako nakaparada para wala silang mapansin." Akala ko ang sasabihin niya ay 'wag akong pumunta o kaya siya ang hindi pupunta.
Tumango lang ulit ako bilang sagot. Tinanguan niya rin ako at pumasok na.
Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sakaniya sa loob. Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumunog narin ang bell, hudyat na uwian na.
Tumayo siya at isinukbit ang bag niya sa balikat niya. "Sa'n ka pupunta?" Tanong ni kuya Skyler.
"Mauuna na ako, makikipagkita ako kila mama eh." Sagot nito. "Okay na kayo?" Nagkibit-balikat lang ito.
"Walang uuwi sa Seoul, JK ha." Sabi ni kuya MJ sakanya. Tumango lang ito. He glanced at me before he went out. Nakita ito ni ate Darienne kaya tumingin sa akin, umiwas din naman ako ng tingin kaagad at nagligpit na.
Naglalakad na kami palabas ng magvibrate ang cellphone ko. Si JK.
"Um, susunduin daw ako nila mama ngayon, ate. Mauna na kayo." Sabi ko kay ate Saeny. "Ha? Na naman?"
Tumango ako. "Pasabi nalang kila ate." Tumango naman siya at sumunod na sa iba. Nang makalayo sila, ay naglakad na din ako sa direksyon kung saan niya pinarada ang kotse niya.