SIGTY 12

94 14 7
                                    

"Anong sinabi ni ma'am sayo? Ba't ka niya pinatawag?" Tanong ni ate Shirae sa akin pagkapasok ko ng room. Sobrang busy na kasi kami sa paggawa nang may pumunta rito at sinabing pinapatawag ako ni ma'am.

"Um, bukas, pupunta daw si ma'am dito, may test na magaganap." Sagot ko na ikinatigil nilang lahat na 'kala mo may sumabog na malapit lang sa amin.

Nakakagulat naman kasi yung sinabi ko, diba? Sino bang hindi magugulat dito? Eh ako nga rin nagulat eh.

Nanlaki naman ang mga mata nila. Tipong katulad na nung owl. "TEST?!"

"TANGINA! AYOKO BUMAGSAK! MAHAL KO PA ANG BUHAY KO!"

"LORD, IKAW NA PO ANG BAHALA SA MAGIGING SCORE KO! HUHULAAN KO LANG PO IYON!"

"Hindi recorded ang test pero kailangan daw natin 'to itake dahil pagkatapos ng foundation day, ay puro test ang sasalubong sa atin kinabukasan." Sabi ko. "30+ pages yung test dahil hindi naman lahat tayo ay pare-pareho nang course."

Lalo silang napasinghap. "30 plus?! Ano tayo?! Si Einstein?!"

Umakto namang nahilo bigla si kuya Tyron. "Magpaparehab nalang ako kesa magtest."

'Yan nga rin naiisip ko kanina eh.

"'Yan! Mas maganda 'yan!" Pumalakpak si kuya Ace at malawak na ang ngiti nang sinabi iyon ni kuya Tyron.

"Pwede niyo namang hulaan kung gusto niyo. Hindi naman recorded pero magiging reviewer natin 'to." Dagdag ko pa.

"Yun naman pala! Hindi ko nalang sasagutan." Sabi bigla ni kuya Tyron. "Gago ka talaga."

"Hindi naman daw recorded ah, bakit pa tayo magpapakahirap na sagutan yun? Sasayangin lang natin yung oras natin diyan, sabihin nalang natin kay ma'am na hindi natin lahat sasagutan yung test na ibibigay niya bukas, instead tatapusin nalang natin yung paggawa ng booth. Mahihirapan din siya sa pagc-check kasi marami tayo, atsaka hindi lang naman tayo ang hawak niya, maglalagay pa siya ng correct answers tapos ipapaliwanag niya pa ang ganito ganiyan kaya 'wag nalang."

Napasinghap kaming lahat sa sinagot ni kuya Tyron lalo na si kuya Skyler. Pati nga ang paidlip na na si kuya Ace ay napadilat at napatingin sakaniya.

Halos lahat kami gulat na gulat sa sinabi niya. Eh nakakagulat naman talaga!

"Ngayon ko lang narinig na may sinabi 'tong ugok na 'to nang maayos at sobrang may sense." Sabi ni kuya Matthew.

"May point pero mas maganda kung sasagutan natin at itry natin kung may alam ba tayo sa mga gantong questions na 'to, o kaya hatiin natin yung klase. Yung kalahati magsasagot, yung kalahati gagawa." Dagdag ni ate Alexa. Nagsitinginan din kami sakaniya. "Ang w-weird niyo naman! Anong meron sa nga utak ninyo at hindi nagloloko ngayon?!"

Maganda rin ang suhestisyon ni ate Alexa. "Pwede naman nating gawin yun. I'm sure maiintindihan tayo ni ma'am, since may punto ang sinabi nila." Sabi ni JK.

"Matatapos natin ng maaga yung booth."

"Dadaan nalang ako sa faculty room bukas para sabihin kay ma'am ang tungkol dito." Sabi ko. Pagkatapos nun ay tumunog na ang bell.

"Girls, mauna na kami, may pupuntahan kami." Paalam sa amin ni kuya MK. Hindi kasi kami agad makaka-uwi, tinutulungan namin yung iba na ligpitin yung kalat at itabi yung mga nagawa namin sa gilid ng room sa may dulo

"Sige, ingat!" Tumango lang sila at lumabas na. Agad din kaming nagsikilos para maka-uwi narin. Yung iba kasi naming mga kaklase, malalayo pa ang bahay kaya nagmamadali sila lagi umuwi dahil baka wala na silang masakyan.

Pero teka, anong sasakyan nila kuya?

Baka naman sinundo sila ng isa sa mga parents nila tapos sinabay yung iba.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now