SIGTY 2

131 15 2
                                    

"Before I let you all dismiss early as I have something to attend, we need to assign the officers first."

Teka, officers?! Bakit may ganito?! Bakit sa ibang subjects wala?!

"Bakit may ganto?" Bulong ko kay ate Shirae. "Huh? May ganito naman talaga, na-elect ka nga as Muse sa una nating klase ah."

TEKA?! MUSE?! AKO?! NA-ELECT AKO?! NANG HINDI KO NALALAMAN?!

"Ha?! Teka, wala namang ganun ah."

"Meron, lutang ka kasi, buti nga 'di napansin ng prof natin na lutang ka, kami nga ni Mina ang nagtaas nung kamay mo sa tuwing botohan eh." Sagot niya.

Kasalanan ko bang ganon kalakas parin ang epekto ni JK saken--"Tapos si JK yung Escort."

"HA--" Mabuti nalang, at natakpan ni ate ang bibig ko kung hindi nakuha ko ang atensyon nilang lahat dahil sa pagsigaw ko.

BAKIT SIYA PA?! MAIINTINDIHAN KO PA KUNG SI KUYA SKYLER O KAYA SI KUYA MJ, PERO BAKIT SIYA?! THAT'S IT! MAGD-DROP OUT NALANG AKO!

"Magt-tagalog na ako para hindi dumugo ang mga ilong niyo." Natatawang sabi ni Ma'am sa amin. Um-oo naman kami agad.

Kanina pa kasi siya English nang English eh. Sasabog na nga ata ang mga utak ng mga kaklase ko dahil diyan. Pati ilong nila dudugo na rin ata.

Hindi naman sa ayaw ko mag English. Sadyang may pagkakataon lang talaga na minsan sumasakit ang ulo ko riyan.

Pero mas masakit parin sa ulo ang Math. Syempre, walang papatalo dun. Siya kasi lagi ang panalo kapag pasakitan nang ulo ang topic.

"The nomination for the President is now open. Who would you like to vote for? Please raise your hand and state the name of the person you want to nominate."

Teka, akala ko ba magt-tagalog na siya?

"Akala ko ba magt-tagalog na si Ma'am, bakit nag English pa siya?" Palihim akong natawa sa rinig kong bulong ni kuya Tyron. Alien nga talaga.

"Mr. Tyron Manalo, would you mind sharing with us what you have in your mind?" Patay.

Pero taray ni Ma'am, napansin niya si kuya Tyron. Ano kaya magiging dahilan ni kuya Tyron dito?

Napatingin naman lahat sakanya, maliban sakin at kay ate Darienne. Eh katabi niyan si JK eh! Imbis na siya ang titigan ko, si JK pa ang tititigan ko!

"Bakit po, ma'am?" Tanong ulit nito, nakangiti ata 'to eh.

"Gusto mo bang i-share sa amin ang pinag-uusapan niyo ni Mr. Jeon?"

"Nadamay pa ko." Bulong naman nito. Palihim akong natawa dahil dito.

"A-Ano ma'am, hehe.."

"We are waiting, Mr., hindi pa nagsisimula ang voting sa President."

"MA'AMANGSABIKOSOBRANGGANDANIDARIENNESARMIENTO."

Ha?

"Ano raw?"

"Ha?"

"Hatdog."

"Loko loko! Ayusin mo nga!"

Samu't-saring reaksyon ang natanggap ni kuya Tyron. Nakita ko naman ang pagsulyap ni ate Darienne sakaniya, hindi niya rin naintindihan yung sinabi niya eh. Lahat naman kami hindi naintinidhan.

Pati nga si Ma'am ay napakunot ang noo eh. "Pardon?"

"Ang sabi po ni kuya--Aray!"

"Ako na, aagawan mo pa ako ng spotlight." Sabi ni kuya Tyron kay JK. Binatukan ata eh. "Hoy, imbis na sabihin na, nag-away pa muna kayo." Sita ni kuya MJ sakanila.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now