SIGTY 6

121 12 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at Sabado na ngayon. Nagr-ready na kami para maka-alis papunta sa mall para makabili na kami ng mga pangdesign sa mga kwarto namin.

Okay lang naman if tanghaliin kami ng gising, Linggo naman bukas eh.

Mabuti nalang, at hindi pinakita ni ate Chaesi ang kuha niyang mga litrato samin ni JK nung isang araw kila ate. Gagawin ko nalang siguri lahat ng gusto niya 'wag niya lang iyon ipakita.

Sinimulan ko ng suklayin ang aking buhok pagkatapos ko itong mablower ng bumukas bigla ang pinto. "Ano 'to?" Tanong ni ate Darienne habang pinapakita sa akin ang cellphone niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

PINAKITA NI ATE CHAESI SAKANIYA?! NAKO NAMAN! "Kayo naba?! Ba't 'di ka nagsasabi?!"

"Hindi ah!" Sagot ko agad. "Eh, bakit magkahawak pa kayo nang kamay?! Nagtatago kana ng sikreto ah!"

"Hindi nga! Inaasar kasi namin sina ate Chaesi at kuys Skyler kaya tumkabo kami palayo kasi baka mawala kami sa mundong 'to nang wala sa oras." Kwento ko. "Eh, bakit magkahawak pa kayo ng kamay?! Ta's eto pa! Nakahawak pa siya sa bewang mo!"

Pati yun nakuhanan niya ng picture?! "Holding hands while running pa ang peg niyo!"

"Kasi mabilis siya tumkabo diba, kaya hinawakan niya kamay ko para makalayo kami agad sakanila."

"Eh ba't sa kamay mo pa? Pwede namang sa pulso mo." Nagkibit-balikat nalang ako. Bakit? Ako ba si JK? Hanggang ngayon nga yung tanong na yun nasa isipan ko eh.

Wala atang balak umalis.

"Mamaya may something na pala talaga kayo. Ay nako, Chewy Kim."

"Ate, walang namamagitan sa amin, okay." Nginitian ko siya para makumbinsi ko.

"Hmp! Basta! Bilisan mo na dahil yung kalahati ng nakatira dito sa bahay ay nasa baba na." Sabi nito at naupo sa kama ko. Minadali ko na ang pagsusuklay sa aking buhok hanggang sa matapos ako.

"'Yan na susuotin mo?" Tanong nito. Parehas kasi kaming naka high-waisted shorts at kulay asul na damit, ang pinagkaiba, crop-top sakaniya, sa akin t-shirt.

"Ano kaba, okay na 'to. Sigurado ako na mas malala yung kay ate Alexa." Sabi ko at isinukbit sa aking balikat ang bag ko.

"Sabagay, tara na." Hinila niya na ako pababa sa sala.

"Sabi sainyo eh, hindi pa bababa 'yan si Alexa." Proud na sabi ni ate Raika habang prenteng naka-upo. "Malamang, isang himala kapag bumaba siya agad." Dagdag ni ate Shirae at halata sa boses ang pagka-inip.

"Aakyatin ko na nga." Tumayo si ate Cheska at umakyat agad. "Ihahanda na namin yung kotse." Sabi ni kuya MJ at lumabas na. Sumunod naman yung iba sakaniya maliban kay kuya Skyler at kuya Tyron na nagiba ng direksiyon.

Naiwan kami sa sala habang hinihintay yung dalawa.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na rin sila. Sinasabi ko na nga ba na mas malala pa yung suot ni ate Alexa kesa sa amin.

"Mawalang-glang na, sa mall ang punta natin, okay na yung pantaas at pambaba pero ba't kapa nagboots?" Tanong ni ate Raika.

Naka puting crop top na sando kasi ito, tapos naka leather shorts, dagdag mo pa yung bitbit niyang leather jacket at pinartner niya sa black boots niya.

"Syempre." Sagot nito at nagflip hair. Siya pa nga unang lumabas eh. Napa-iling nalang si ate Raika sakaniya at sumunod na. Nakasabay pa nga namin sina kuya Skyler at kuya Tyron sa paglabas eh. Nagkaroon daw sila ng mini pictorial sa may pool.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now