SIGTY 25

122 11 1
                                    

"You want an acceptable reason? Fine." I looked at him.

"Tangina, nagseselos ako!"

"Tangina, nagseselos ako!"

"Tangina, nagseselos ako!"

"Tangina, nagseselos ako!"

Those words continued to echoed through my head.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya habang nanlalaki ang mga mata ko. N-Nagseselos siya? "A-Ano?"

"Nagseselos ako." Sagot niya muli, na nagpabilis nang tibok ng puso ko lalo. "Kaya tangina, layuan mo siya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

He even slammed his door shut real hard.

Naiwan akong tulala sa labas at hindi parin makapaniwala sa kanyang sinabi. Eh hindi naman kasi kapani-paniwala!

Nagseselos?! Siya?! Nagseselos siya?!

Bakit siya nagseselos?! I mean nothing to him!

Lalo lang akong naguguluhan sa inaasta niya! Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog diretso.

Ang plano kong matulog kaagad pagpasok ko ay hindi na nangyari dahil sa sinabi niya.

Ibig-sabihin, tama nga yung sinabi ni Marco na nagseselos nga siya. Pero ang tanong, bakit siya nagseselos?! Wala naman siyang nararamdaman sa'kin ah! Mahal niya ang pinsan ko pero bakit sinabi niyang nagseselos siya?! Siya nga mismo ang nagsabi sa'kin na kahit kelan, hinding-hindi niya ako
mamahalin.

Pinapaasa niya ba ako?

Kinabukasan ay maaga rin naman akong nagising, laking pasasalamat ko ay nakatulog din ako agad kahit na hindi parin maalis sa sistema ko ang mga salitang binitawan niya kagabi.

Nakakagulat ang mga iyon at ayokong paniwalaan pero ang walang-hiyang puso ko na 'to, grabe kung makatibok 'kala mo nagsasabi ng totoo yung tao. Tanga, pinapaasa lang ako niyan kasi wala ang pinsan ko, gagamitin pa ata akong panakip-butas, tch.

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay bumaba na ako para magluto ng breakfast. Mabuti nalang at wala pa siya kaya agad akong nagluto ng eggs at ham.

Feeling ko hindi ko ata kakayanin na harapin si JK ngayon. Ewan ko ba, nahihiya ako ng hindi ko alam, in fact, dapat nga hindi ako makaramdam ng hiya dahil siya itong nagiging weird dito sa bahay.

Ang plano ko na pagkatapos kong magluto ay maghahain na ako at kumain agad para hindi niya ako maabutan ay hindi natuloy.

Hindi nakikisama ang tadhana sa'kin dahil pagkatalikod ko ay nakita ko siyang nakasandal sa may counter habang nakatingin ng mariin sa'kin. Grabe, kung kahapon halos mawala ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya ngayon halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat nang makita siya.

Napalunok ako ng biglaan at pilit na ngumiti. Naglakad na ako papalapit sa mesa at inilagay doon ang mga niluto ko. "G-Good morning." Utal na bati ko at naupo.

"There's no good in my morning kung hindi mo rin iiwasan yung lalaking 'yon." Iritado niyang sagot bago naupo sa harapan ko.

Akward nalang akong tumango sakanya at nagsimula naring kumain. Lalo lang lumaki ang awkwardness dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng kubyertos na ginagamit namin.

Nauna akong matapos kaya mabilis din akong umakyat pabalik sa kwarto ko.

Dito palang hindi ko na kinakaya yung katahimikan na bumabalot sa'min kanina pa'no pa kaya kung papunta na kami sa school?

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now