SIGTY 23

127 12 1
                                    

"ANDITO NA KAMI!!"

Naitulak ko si JK palayo habang nanlalaki parin ang mga mata. What the heck just happened?!

D-Did we just kissed?! As in lumapat talaga ang labi namin sa isa't-isa?!

Oh my gosh! This is bad! This is really really bad! Bakit kasi hindi mo siya tinulak?! Bakit ba nagpadala ka sa bugso ng damdamin mo?! "Chewy? JK? Asan kayo?" Rinig kong sigaw ni kuya Shawn.

Umiwas ako ng tingin kay JK at lumabas ng kusina.

Mapapatay na ako ng pinsan ko kapag nalaman niya ito! Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?! "Oh, Chewy--okay ka lang? Bakit namumula 'yang buong mukha mo?" Sinalubong ako ni ate Mina.

"S-Sa kusina." Sagot ko. "M-Masyadong mainit kaya lumabas muna ako, sakto, andito na kayo." Ngumiti ako sakanila. "Anyway, chicken at pizza lang ang binili namin katulad nung sinabi niyo." Nakita ko ang hawak nilang paperbag na may tatak na Shakeys sa gitna at dalawang box ng pizza.

"Oh, JK, sa'n ka galing?" Bakit sumunod 'to agad?! Maa-issue pa naman 'tong mga 'to!

"Kusina." Maikling sagot nito, dahilan para magkatinginan silang lahat bago kami tignan ulit. "Kusina?"

"N-Nagluto kasi kami nung spaghetti." Sagot ko nalang. "Sobrang dami ba ng sauce na natikman mo kaya umakyat lahat sa mukha mo?" Tanong ni ate Raika at umaarko na ang kilay. Humagalpak naman ng tawa ang ibang ate.

Agad na namula ulit ang mukha ko ng todo-todo nang maalala ko ang nangyari. Kamatis na ata ako.

"Yep, sobrang daming sauce." Napatingin ako kay JK, ngumisi ito sa'kin. "Kuya Sky, kuya Tyron, tulungan niyo 'kong maghain." Sabi niya at naglakad pabalik sa kusina.

Ano bang klaseng espiritu ang sumapi rito kay JK?!

"Good mood ang gago." Sabi ni kuya Skyler at nailing. "Anong nangyari? Ba't good mood?" Tanong ni ate Alexa, nagkibit-balikat lang ako.

Good mood pa siya sa lagay na 'yan?! Hindi niya ba naiisip na mali yung nangyari kanina kasi ako ang mapapatay ng pinsan ko at hindi siya?!

Sumunod na ang dalawa sakanya. "Bumili rin pala kami ng snacks, Friday naman ngayon kaya pwede kaming dito makitulog." Sabi ni ate Shirae.

"Ngayon ko lang napansin na maayos na ang sala." Komento ni ate Chaesi at naupo sa couch. "Inayos ni JK kanina pagkatapos namin kumain."

"Eh ikaw? Anong naitulong mo?"

"Wala, naghiwa lang ako ng hotdogs nung magluluto na." Sagot ko. "Siya nagligpit ng sala at siya rin nagluto."

Unti-unti namang kumurba ang mga labi nila ate at tumingin sa'kin ng nakakaloko. "Lahat?"

"As in lahat?" Ulit na tanong nila at lumaki na lalo ang ngisi. "Alam niyo, ang i-issue niyo." Tinalikuran ko na sila.

Naloloka na nga ako kay JK, dadagdag pa ata sila ate. Nagawa pa nila na asarin ako kahit ganito na ang sitwasyon, ako lang ata ang kinakabahan sa aming lahat eh. Sila kalmado lang.

"Ang defensive mo, wala namang sinasabi." Bulong ni Chaesi sa'kin habang nagsasandok ng spaghetti.

Inirapan ko siya. "'Di ako defensive, sadyang ma-iisue lang talaga kayo." Bulong ko pabalik.

"Oo nga pala, JK, kelan ang balik ni Lisa rito?" Tanong ni kuya Matthew bago sinubuan si ate Cheska.

"Mawalang-galang na, tsaka na kayo maglandian kapag tapos na ang hapunan." Paninita ni kuya Ace sa dalawa. "Parang kayo ni Alexa hindi ganyan."

"Hindi naman talaga." Sinamaan siya ng tingin ni ate Alexa. "Bakit ba ito ang pinili mo?" Tanong ni kuya MJ. "Ask my heart. Kusang tumibok sakanya."

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now