Inis na inis ako pagkauwi namin, pumanhik din agad ako sa aking kwarto at doon inilabas ang sama ng loob na nararamdaman ko kay Kuya Skyler.
Tangina, bakit ba nagkakaganito ako?! May girlfriend na ako pero bakit naiinis ako kapag wala sa'kin ang atensyon niya?! Nasanay akong nasa akin lamang ang kanyang atensyon at ayokong may kahati ako roon! It feels like, she's not paying any attention to what I'm doing!
Nahilamos ko ang aking mukha at sumalampak sa kama, hindi ko alintana ang pagkagusot ng aking uniporme. Marami naman akong extra kaya kahit sirain ko pa ito, at kaibigan ko naman na si ate Saeny kaya pwede ako makahingi sa eskwelahan ng isa pang polo kung masira ko man lahat kung magtutuloy-tuloy ang nangyari.
Fuck, what are you thinking, JK?! You have a girlfriend for fuck's sake! Bakit kaba naiinis?! Normal lang sakanya na tumingin din sa iba dahil wala namang kayo! Pero tangina, hindi ko kaya! Gusto ko nasa akin lamang ang mga mata niya, gusto ko kapag ngumingiti at tumatawa siya, ako ang dahilan!
Masyado akong nasanay! I got attached to it already!
Napadilat ako nang may marinig akong tumili ng napakatinis. May magnanakaw na nakapasok? Imposible naman 'yon dahil may alarm ang bahay. Narinig ko ang pagkabukas ng pinto ng iba kong mga kaibigan, pati ang mga paa nilang nag-uunahan pababa para matignan kung anong nangyayari.
Sino iyong tumili? Imposibleng si Chewy dahil hindi naman iyon totally magugulatin, nagugulat siya oo, pero hindi siya tumitili katulad ng ganito. Marahil ay isa kina Ate Alexa, Ate Cheska, o Ate Saeny ang tumili.
Pero alam ko nabanggit nila na dideretso narin sila sa kanilang mga kwarto kapag nakauwi na kami matapos kumain ah.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may kumatok, nayayamot akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa aking pintuan at pinagbuksan ang kung sino mang nasa labas.
Si Kuya MJ iyon, nakita ko ang paglabas ni Darienne sa kanyang silid at tumakbo papunta sa hadgdan. "Bakit, Kuya?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sakanya.
"Kakain tayo."
Ha? Kakakain lang ah.
"Teka, bakit?"
"Nagutom si Alexa, siya iyong tumili, nagtatalsikan daw ang mga mantika kaya hindi napigilan tumili kaya ayun, nasunog ang niluluto, nagutom din kami kaya nagluto si Kuya Shawn." Kwento nito.
Anong klaseng tiyan ang meron si Ate Alexa? Ang dami niyang kinain kanina ah! Hindi kaya riyan niya binubuhos ang sama ng loob niya kay Kuya Ace kasi hindi parin umaamin sakanya? Baka nga.
Tsaka natakam din ako bigla, makakain na nga rin. Doon ko nalang din siguro ibubuhos ang sama ng loob ko kay Kuya Skyler para kapag nag-usap kami, wala silang mahahalata.
Bumaba rin kami ni kuya MJ, naroon na sila sa hapag at isa lamang ang kulang, si Chewy. Tulog naba siya? Alam ko maaga siya natutulog pero hindi ako sigurado kung tulog na.
"Lakas ng loob magluto pero tatakbuhan din pala." Pagpaparinig ni Kuya Ace pagkatapos lunukin ang kinakain, mabilis siyang sinamaan ng tingin ni Ate Alexa na handa na siyang sunggaban kapag nagsalita pa ito.
Damn, ang wild. Paano kaya mapapaamo ni Kuya Ace ang babaeng ito? "Okay lang, atlis ako naglakas ng loob, eh ikaw?" Napa-ooh ang mga kaibigan namin habang ako ay ngumisi lamang. Hindi sumagot si Kuya Ace at pinanatiling suplado ang ekspresyon pero alam ko, sa loob-loob niyan, pinagpaplanuhan niya na kung paano niya papaamuhin 'yan.
Ang wild eh, si Ate Raika naman lalo. Unang tingin mo kay Ate Raika, mukhang maamo eh pero tinatago lang pala ang katarayan niya sa loob at mailalabas mo iyon kapag may ginawa kang hindi niya nagustuhan.