SIGTY 29

178 13 7
                                    

"Elori?" Kumatok siya sa pinto. "Tapos kana?"

"Ah, oo! Tapos na!" Sigaw ko at mabilis na isinara ang zipper ng bag ko. Actually, kanina pa 'ko tapos. Ayoko lang lumabas kasi hanggang ngayon, binabagabag parin ako tungkol sa nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, kung paano ko haharapin si Marco, at kung paano ko haharapin ang pinsan ko. Balak ko nga sanang magpanggap na may sakit ako kaya lang maiisip nun na ginagawa ko lang ito dahil ayoko siyang makita, maski si Marco at si Lisa.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Nakita ko 'tong nakatayo sa mismong tapat ng pinto ng kwarto ko. "Let's go." Kinuha niya bigla ang bag ko mula sa kamay ko bago ito hinawakan. I looked at both our hands when he suddenly intertwined both our fingers.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko.

M-Mahal niya ba talaga ako?

Binitawan niya lang ito nung binuksan ang pinto ng kotse niya para makasakay ako. Tahimik lang akong pumasok. Isinara niya na ang pinto at umikot sa kabila.

"You're too quiet, anong problema?" Tanong niya at nagsimula nang magdrive.

Ikaw ang problema ko, peste ka. Nagtanong kapa, hindi ba obvious?

"Hey."

"Wala." Maikling sagot ko at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Napatingin lang ulit ako sakanya nang bigla niyang kinuha ang kaliwang kamay ko na namamahinga sa bag ko.

"You can't lie. Tell me." Umiling lang ako. Hindi na siya nagsalita, bagkus ay itinuon nalang ang atensyon sa pagdadrive.

Pagkaparada niya ng kotse ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang cellphone ko.

From: Marco
Where are you?

I typed for a reply. Pagkasend nito ay bumaba narin ako. "Sinong nagtext?" Rinig kong tanong niya. "Marco." Simpleng sagot ko habang binabasa ang reply niya.

From: Marco
Nasa gate ako.

Inilagay ko sa bag ko ang cellphone ko. "Let's go." Sabi niya at bigla akong hinapit papalapit sakanya sa bewang ko.

"Anong meron sakanila?"

"Mag-asawa sila diba."

"Eh kahapon nga hindi pumasok si JK, kasama niya nga si Lisa kahapon."

"Malay mo nakipagbreak."

Hindi ba nila alam na naririnig namin sila? Matatawag paba 'yang bulung-bulungan kung yung pinagtsitsimisan niyo ay naririnig din naman kayo? Nosy people.

Nang mamataan ko si Marco na nakasandal sa may gate at na sa'kin ang tingin ay agad kong naalala ang nangyari kagabi. Ramdam ko na nag-init ang mga pisngi ko pero laking pasasalamat ko at may blush-on ako sa pisngi kaya hindi mapapansin.

"Hey." He stood up straight. Ngumiti ako sakanya. "Good morning."

Binati ko rin ito. "About what happened last night--"

"Do you really have to mention it in front of me?" Biglang putol ni JK sakanya. "Man, porket asawa ka niya ibig-sabihin lamang kana, parehas tayong nanliligaw sakanya kaya know your limitations." Kalmadong sabi ni Marco sakanya.

Kalmado nga si Marco, ito namang isa hindi nakakalimutan niya ata yung salitang kalmado kapag nandito si Marco eh.

Tsaka ano, know your limitations? Eh ikaw nga rin nakalimutan mo ang limitasyon mo bilang manliligaw ko eh. May manliligaw ba na hahalikan ka kahit hindi pa kayo.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now