SIGTY 5

127 13 4
                                    

"GOOD MORNING TO YOU ALL!!!!" Muntik ng mahulog sa upuan sina ate Cheska at ate Saeny mula sa pagkaka-upo nila dahil sa biglang pagsigaw ni kuya Shawn.

Mabuti nalang at nagawakan agad ni ate Shirae dahil pinaggigitnaan siya ng dalawa habang ang ibang mga ate naman ay tinawanan sila.

Syempre, kasama ako sa tumawa. Eh yang dalawa ang pinaka clumsy sa amin eh.

"Ang aga-aga ang haharot niyo." Narinig namin ang mga yapak ng mga paa nila na papunta na rito sa hapag.

"Lagi naman silang ganyan, so ano pang bago?"

"Bilisan niyo para makapagluto na tayo, baka tulog pa yung-good morning!" Binati kami ni kuya MJ.

"Good morning." Sabay-sabay din naming bati. Nang dumating yung iba ay binati rin nila kami.

"Kaya pala kanina pa ako may naamoy na masarap." Sambit ni kuya Tyron. "Syempre, at ako yun." Proud namang sabi ni kuya Skyler, dahilan para mapangiwi sila kuya.

"Masarap kaba?" Tanong ni JK sakaniya habang inaayos ang medyo basa niya pang buhok.

Teka lang, biglang uminit dito sa kusina.

"Gwapo ni JK." Tinaasan ko ng kilay si ate Darienne. Ngumisi naman ito sa akin. "Bakit? Gwapo naman talaga siya ah."

"Oo, gusto mo ba ko matikman?" Mapang-akit na sabi ni kuya Skyler. Binatukan naman siya ni kuya MJ. "Ano ba! Lagi kang nambabatok!"

"Tumigil ka nga! May mga babae oh! Umaandar na naman kamanyakan mo! Si Mina nabulunan pa!" Sermon ni kuya MJ sakanya.

Ha? Nabulunan si ate Mina?!

Sabay-sabay kaming napalingon kay ate Mina na umiinom na ng tubig ngayon. Pati ba naman pag nabubulunan siya hindi namin naririnig? Ibang klase!

"Hala! Sorry, Mina!"

"Alam mo naman 'yang lalakeng 'yan. Walang pinipiling lugar." Sabi ni kuya Ace at naunang maupo.

"Landi kapa ha." Inilingan siya nila kuya at naupo na rin.

"Ang aga niyo palang nagigising." Sambit ni kuya Shawn. "Nagkaroon kasi nang mga hiya 'tong mga 'to kaya maagang nagising." Nakangiting sagot ni ate Shirae. "Maliban nalang kay Chewy na maaga talagang nagigising, pati na rin si Mina, pero kadalasan hindi."

"Ayan! Matuto na rin kayong mahiya! May mga babae na tayong kasama!" Patuloy na sermon sakanila ni kuya MJ. "Oo, ta's ikaw, matuto ka na ring 'wag mambatok." Sabi ni kuya Skyler. "Ang sakit kaya!"

Kinuha naman ni kuya MJ yung tinidor niya at itinutok sakaniya. "Sige, saksakin nalang kita?"

"'Wag na pala, mas okay na yung batok." Sarkastikong sabi ni kuya Skyler.

Nagsimula na rin silang kumain.

Pagkatapos, ay nagpresinta sila na maghuhas dahil kami na ang nagluto, agad din kaming umakyat sa mga kwarto namin para mag-ayos.

Lalake kasi sila kaya kahit hindi na sila magsuklay o ano pa man na ginagawa namin bago umalis ng bahay, mapa school, mall, o kahit ano pa man ang pupuntahan, okay lang sakanila kasi pwedeng daliri nila ang gawin nilang suklay.

Eh kami? Maya't maya chinecheck yung sarili sa salamin.

"Chewy." Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. "Why, ate?"

"Pahiram ng Physics book. Ayaw ako pahiramin nung iba, baka raw mawala ko."

"Mawawala mo talaga, kunin mo nalang sa locker." Sagot ko.

Sinamaan ako nito ng tingin. "Chewy naman eh! Alam mo namang nakakatakot Physics teacher namin!"

Natawa ako sa inasal niya. "Oh." Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang Physics book ko at inabot sakaniya. Napangiti naman siya ng malapad at kinuha ito.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now