SIGTY 4

108 13 3
                                    

"ALEXA, WALANG-HIYA KA! NASAAN ANG MGA UNIFORM KO?!" Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ni ate Raika sa buong bahay. Napangiwi naman kami nina ate Darienne at Chaesi dahil kami ang pinakamalapit sakanya.

Nasa may hagdan kasi kaming tatlo, binababa namin ngayon ang tatlong maleta ni ate Darienne dahil kakatapos lang nila ako tulungan maibaba muna ang sakin.

Nag-aayos na yun panigurado ng mga gamit niya. Si Ate Alexa naman kasi, laging binibwisit si ate Raika. "Ano na naman bang pumasok sa kokote ni ate Alexa?" Tanong ni Chaesi pagkababa namin pagkatapos naming umakyat ulit para kunin ang mga maleta niya.

Dalawang maleta lang ang dala niya habang kami ni ate Darienne ay tatlo. "Alam mo naman yun." Sagot ni ate Darienne. "Tsaka bakit tatlo maleta niyo?"

"Ano kaba, may walk-in closet din daw tayo doon, feeling ko mas malaki kesa satin dito." Pero teka nga, bakit dalawa lang sakanya? Alam ko tatlo yan eh. "Teka, diba tatlo maleta mo, Chaesi? Bukambibig mo nga yan kanina." Tanong ko sakanya.

"Ha? Anong tatlo--OO NGA PALA!" Nagmadali siya sa pag-akyat kaya natawa kami ni ate Darienne.

Sinabay narin namin sa paghila ng mga maleta namin ang dalawa niyang maleta papunta sa sala para doon magpatuloy sa pagh-hintay sa mga ate namin.

"ANO BANG PINAGKAIBA NG UNIFORM NATIN EH MAGKAKAPREHAS LANG NAMAN? LOKO-LOKO KA! MAY PERA KA! BUMILI KA NG SAYO!" Sigaw ni ate Raika. Narinig namin ang pang-asar na tawa ni ate Alexa pero ang isinagot niya ay hindi na.

Dumating na rin si Chaesi habang hinihingal. "Hay, salamat." Sabi nito at naupo sa tabi namin. Nagpatuloy kami sa pagh-hintay sa iba pang mga ate.

"SAENY!!!" Ngayon naman, ay umalingaw-ngaw ang boses ni ate Cheska. Isa rin 'to si ate Saeny eh. Narinig naman namin ang mga yabag ng mga paa nila sa taas. Tanging sina ate Shirae at ate Mina lang ang mga tahimik.

Expected ko na rin naman na si ate Mina ay tahimik dahil kami ang tahimik dito lagi, si ate Shirae, nag-iingay din naman yan pero hindi ganun katulad sa ibang mga ate.

"Chaesi, pwede patulong?" Napatingin kami sa hagdan at nakita si ate Mina. "Sige, ate." Tumayo siya at sumunod sa taas. "Ganda ni ate Mina! Mas nagmukha siyang swan! Simpleng high-waisted na maong short at puting t-shirt lang ang suot niya pero ang ganda ganda niya! sakto pang naka high ponytail ang buhok niya!"

"Ikaw din naman, ate Darienne ah. Ang cute mo nga lalo sa suot mo eh." Komento ko rin. Ngumiti ito at kinurot ang magkabilang-pisngi ko. "Mas maganda ka, bunso. Ikaw nga 'tong laging may secret admirers eh."

Parehas lang naman kami ni ate Mina ng suot, naka high-waisted short din pero naka pulang crop-top ako.

"Darienne, Chewy, pinapasabi ni ate Shirae na pakitulungan daw yung iba sa pag-baba ng mga gamit nila, para maiayos na raw sa sasakyan. Yung isang van daw ang gagamitin natin." Sabi sa amin ni ate Mina pagkababa nilang dalawa ni Chaesi.

Umakyat naman na kami sa taas ni ate Darienne at saktong kalalabas lang nila sa mga kwarto nila.

Naka high-waisted na palda sina ate Cheska at ate Saeny, ang pinagkaiba lang ay nakasuot ng sando si ate Saeny, at si ate Cheska naman ay naka off-shoulder. Si ate Shirae naman ay naka high-waisted na short din katulad samin ni ate Mina pero denim naman yung sakanya, at naka off-shoulder din siya. Si ate Raika ay naka high-waisted denim short din at naka crop-top katulad ko pero ang pinagkaiba ay kulay asul sakaniya. At si ate Alexa naman ay naka dress na fit na fit sakaniya, hindi katulad kay ate Darienne. "Ate Alexa, gagala kaba?"

Ngumisi lang siya at isinuot ang shades niya. "Mang-aakit lang ako." Sabi nito.

Agad naman itong nakatanggap ng batok mula kay ate Shirae. "Hoy, mawalang-galang ate Alexa Lopez, kaka-start lang ng klase baka nakakalimutan mo."

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now