SIGTY 40

200 9 1
                                    

Wala ako sa mood sa buong klase, nagtataka narin ang aking mga kaibigan sa aking inaasta, lalo na yung mga babae.

Putangina! Who the fuck is that motherfucking asahole?! First love ng asawa ko? Damn! How am I supposed to calm down kung halatang-halata ang closeness nilang dalawa!

"Jusko, JK! Are you okay?" Gulat na tanong ni Ate Cheska sa'kin, sapo-sapo na ang kanyang dibdib dahil sa gulat.

Fuck, kumalma ka, JK!

"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Kuya Matthew sa'kin na nasa tabi ko na. Laking pasasalamat ko nalang at kaklase ko itong dalawa kaya may aawat sa'kin, pero ayoko namang sabihin sakanila kung bakit ako naiinis.

Kasalanan ito nung ugok na 'yon! Putangina niya!

"Sorry, Ate. Wala lang ako sa mood." Malamig kong sabi at iniwas ang tingin sakanila. Marahil ay nasipa ko ang kanyang upuan dahil nakaupo siya sa aking harap.

"Hoy, okay ka lang ba? Kanina ka pa raw wala sa mood sabi ni MJ." Tanong muli ni Kuya Matthew pero hindi ko na ito sinagot, bagkus ay sinensyasan ko nalang siya na hayaan na ako mag-isa.

"Kanina pa 'yan." Kwento ni Kuya MJ sa iba. Lunch na at nasa cafeteria kami maliban lang sa aking asawa at doon sa walanghiyang first love niya! Tangina, baka kinidnap niya na si Chewy! Mapapatay ko talaga ang lalaking iyon!

"Asan naba si Chewy? Kanina pa siya wala." Tanong ni Kuya Tyron.

Nandoon kasama yung gago niyang first love, tsk. Mas lamang ako sa lalaking iyon! Pake ko kung first love niya yun! Mas may karapatan ako sakanya dahil ako ang mahal niya at ako ang asawa niya!

"Ah ka—"

"Chewy!" Napalingon kami lahat sa kinawayan ni Chaesi, lalong nasira ang aking ekspresyon nang makita ang dalawa na sobrang dikit! At ang gago ay nakaakbay pa sa aking asawa! Tangina!

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ng gago sa asawa ko na nakaupo. "Your treat?" Tinanguan siya nito. "My usual lunch here, kung meron pa."

"Kung wala, ako nalang?"

Muntik nang malaglag ang aking panga dahil sa isinagot ng gagong 'to! Pasalamat talaga siya at nakapagpigil pa ako kung hindi, baka binagok ko na ang ulo niya rito sa mesa namin! Kanina niya pa pinapainit ang ulo ko.

"Best friend." Tsk, best friend? More like first love.

"Bestfriend ba talaga?" Pang-aasar ni Ate Alexa. "Nako, kahit kasal kana pala, meron paring aaligid sayo."

Nakuha ni Kuya Tyron ang aking atensyon, hindi nito napansin ang aking paglingon dahil nakapokus na ang tingin nito sa kanyang nililigawan na sinusubuan niya na ng pagkain.

Damn! He's fucking right! Kasal na kami pero may gago parin na sumulpot nalang bigla at may balak pang agawin ang asawa ko mula sa'kin.

"Ano, JK." Nagdalawang-isip agad ako kung hihinto ba ako nang marinig ko ang boses ng aking asawa. Ngayong wala ang asungot na 'yon, tsaka niya ako pinansin, tangina talaga.

Pero sa huli, ay huminto rin naman ako.

"Kay Marco ako sasabay."

Napangisi ako ng mapait, of course. I figured it out already. Halata naman na sakanya ka sasabay eh.

"Malamang, andiyan ang first love mo, diba." Lumabas din ako agad at hindi na pa hinintay ang kanyang sagot.

Humanda talaga ang lalaking iyon sa'kin! Kapag kaming dalawa ang nagkasama, talagang ipapakita ko sakanya kung bakit kailangan niyang dumistansya sa asawa ko.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now