SIGTY 32

244 17 8
                                    

"Buntis ako, JK! Ikaw ang ama ng dinadala ko!"

Kitang-kita ko kung paano unti-unting tumulo ang mga luha ng pinsan ko dahil sa narinig niya, parehas silang tatlo na gulat parin sa mga salitang binitawan ko.

Seryoso ba siya? Siya? Gulat? Didn't he expect this to happen?

"Buntis ako." Pag-uulit ko na ikinasama na ng tingin niya.

"You're lying." Tumalim ang tingin niya sa'kin. It was like his eyes suddenly turned into sharp knives. "Lying?!" Natawa ako ng mapakla dahil doon. "Seryoso kaba talaga? Do you think I'm freaking lying, JK?! You didn't used any condom!"

"I fucking used a condom! 'Wag kang gumawa ng kwento!" Sigaw niya pabalik bago nilapitan ang pinsan ko na gulat na gulat parin. "Don't listen to her, she's lying--"

"You already admitted that you two did it!" Lumayo ang pinsan ko sakanya. "Siya ang mahal mo!"

"Tangina! Ikaw nga ang mahal ko!" Umiling ang pinsan ko. He cursed under his breath because of frustration bago ito tumingin sa'kin. "This is all your fucking fault!" Mabilis siyang naglakad papalapit sa'kin. Akmang hihilahin niya na ako papalapit sakanya pero agad akong nahila ni Marco.

"'Wag na 'wag mong sasaktan si Chewy, JK. Buntis siya." May diing sabi ni Marco sakanya.

"Nagsisinungaling siya!" Lalong tumalim ang tingin niya sa'kin. "How can you say that I'm the father of your fucking baby, huh?!"

"Sa tingin mo, JK? Sinong gumalaw sa'kin, ha?!" Sigaw ko pabalik sakanya. "Ikaw, diba?! Ikaw lang!"

"Or maybe Marco did! He probably touched you while you were sleeping dahil ikaw narin ang nagsabi na nasa condo ka ni Marco nung isang linggong hindi ka pumasok! And now that you're pregnant, you keep telling that that fucking child is m--" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang suntukin siya ni Marco.

"Marco!" Agad ko itong hinawakan sa kanyang braso para pigilan. Nanlilisik ang mga mata ni Marco na nakay JK lamang ang tingin.

"Gago ka pala eh! Kahit mahal ko siya, wala sa isipan ko na galawin siya para lang mapunta siya sa'kin! Nirerespeto ko siya, gago!"

"Marco, stop please!" Pagmamakaawa ko sakanya, agad naman niyang pinakalma ang kanyang sarili pero masama at matalim parin ang tingin kay JK.

"What the hell is happening in here?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita sila ate at kuya na mabilis na pumasok sa silid ko. Bakit pa nila kami sinundan?!

Malaking problema 'to!

"Anong nangyayari?!" Tanong ulit ni kuya MJ nang hindi kami sumagot, nagpalipat-lipat na ang kanilang mga tingin sa'min.

Pumakawala ng hikbi ang pinsan ko habang nauupo sa kama ko. "S-She's pregnant." Lalo itong naiyak. Agad na lumapit si JK sakanya at dinaluhan ito. Malakas ang iyak ng aking pinsan at rinig na rinig iyon kahit na nakatakip ang dalawang palad sa kanyang mukha.

"Pregnant?! Sino?!" Gulat na tanong ni ate Alexa, hindi inaasahan ang isasagot ng aking pinsan. "Lisa, sino?" Muling tanong nito.

"S-Si C-Chewy." Sagot nito, dahilan para malipat ang tingin nilang lahat sa'kin. Bakas ang matinding gulat sa mga mukha nila ate at hindi makapaniwala sa narinig.

"A-Ano?"

"Buntis ka?" Tanong ni ate Shirae. Unti-unti akong tumango. "Sinong ama?" Tanong ni ate Raika na nakakuyom na ang mga kamao niya. Hindi ako sumagot at yumuko na lamang.

"Tangina, Chewy! Sinong ama?!"

"Si JK." Si Marco na mismo ang sumagot, gusto ko sana siyang sabihan na sana hindi niya nalang sinabi pero malalaman at malalaman din naman nila ang katotohanan, walang silbi ang pagtatago ko. "Hindi ako ang ama." Giit ni JK.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now