Halos tatlong linggo na ang nakalipas simula nung mapagplanuhan namin ang tungkol sa booth na gagawin namin sa foundation day.
Nakakaraos naman na kami at dahil tulung-tulong kami, naiayos na namin ang mga kahoy at mga dekorasyon.
Tinanong pa nga ni kuya Ace nang maka-ilang ulit si ma'am kung hindi daw ba talaga pwede gamitin yung room para sa booth namin. Nastress pa nga si ma'am sakaniya nung huling tanong niya which is a week ago.
"Nakita mo na?" Tanong ni JK sa akin. Bumalik kasi kami sa bahay dahil nakalimutan nila yung tela na kakailanganin para sa damit na isusuot namin sa ikakasal.
"Yep, yung sa lalaki nalang." Sagot ko at inilagay sa paperbag ang tela para sa filipiñiana. Magsusukat na kasi sila lalo na't tapos na sa pags-sketch si Chaesi. Tinulunga din naman siya ni JK kaya madaling natapos.
"Okay na, nakita ko na." Iniligay ko ito sa isa pang paperbag na hawak ko.
Lumabas na kami sa kwarto ni ate Shirae at bumaba na. Wala kaming mga klase ngayon dahil busy din yung mga teachers at iba pang mga estudyante sa pag-aayos ng kanilang mga booth. Project din daw kasi 'to nung iba katulad sa amin kaya pagandahan talaga dapat.
Bumili narin kami ng red carpet para mapaganda lalo ang booth. Para agaw atensiyon agad.
"Tangina." Napatingin ako kay JK na biglang nagmura, may katext siya. "Bakit?"
"Daan daw tayo sa McDo." Itinabi niya ang cellphone niya. "Tangina, itreat daw natin yung buong seksyon kasi sila yung mas madaming nagawa kesa sa atin."
Natawa nalang ako. "Okay lang, 'yan. Mataas naman ang makukuha nating grade eh." Tinapik ko ang balikat niya at sumakay na sa van.
Sumunod din naman siya agad at pumasok sa driver's seat. Pina-andar niya rin kaagad ang makina.
Binuksan ko ang folder at kinuha ang mga papel na nandoon, chineck ko na yung iba naming mganagaw na para malaman agad namin kung ano nalang ang gagawin.
Medyo patapos na kami sa decorations, mags-start na kami magpintura sa Sabado para kapag ip-pwesto na namin sa quadrangle, ilalagay nalang yung mga de-sabit na decorations.
"Ilang percent na ang mga nagagawa natin?" Tanong niya, nakapokus parin ang mga mata niya sa daan.
"I think, around 60% na." Sagot ko at isinara ang folder. "Tangina, nakalimutan ko."
"Yung?"
"Wala nga palang drivethru 'tong McDo na pinakamalapit sa school." Tinawanan ko ulit siya. "Chill, JK. Makakabawi karin naman sakanila."
Ipinarada niya ang van at pinatay agad ang makina nang makarating kami. Bumaba na siya kaya sumunod na rin ako. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ng mga babae na kumakain sa loob ng makita si JK.
Napasimangot ako. Hoy, mga ate! Akin 'yan!
Pumasok na kami sa loob at inagaw agad ni JK ang atensiyon kahit wala pa naman siyang ginagawa. Pumila na agad kami. Pati nga yung nasa harapan namin, tumitingin din sa likod para lang masulyapan si JK. Tch.
"Bawas allowance 'to." Tinawanan ko ulit siya. "Hati naman tayo kaya pareho lang tayong magdudusa." Sabi ko.
41 kasi kaming lahat eh. Edi 41 na chicken ang bibilin namin? "Chicken fillet nalang bilhin natin, mas mura pa yun." Sabi nito sa akin. Tumango nalang ako.
"Hi, ma'am. Hi, s-sir, what's your order?" Pati ba naman itong si ateng cashier?
Nginitian siya ng tipid ni JK at sinabi na rin kaagad ang mga order nami .
"That would be 7, 592 pesos." Kinuha ko naman ang wallet ko at kinuha ang credit card ko. Naunang magbigay si JK at binayaran niya agad ang kalahati. "Restroom lang ako." Paalam niya bago umalis sa tabi ko. Ibinigay ko naman ang credit card ko sakaniya.
"Ma'am?"
"Yes?"
"Wala pong laman." Bulong niya na ikinalaki agad naman ng mga mata ko. Walang laman?! Kelan pa?! Laging nilalagyan 'yan nila Mama ah!
"Um, magbabayad nalang ako ng cash." Sagot ko at binuksan ulit ang wallet ko at kumuha ng ilang libo roon. Ibinalik niya ang credit card ko at tinanggap ang cash.
Imposible! Nung isang araw lang, lagpas 50k pa ang laman nito! Anong nangyari?!
"Here's your change." Mabilis kong ibinalik ito sa loob ng wallet ko ang sukli nang makita ko si JK na naglalakad na pabalik dito.
Dumating narin ang mga in-order namin. Sa sobrang dami, tinulungan narin kami nung ibang crews na madala ito sa van.
Dahil nga sa sobrang dami ng binili namin, sinakop nito ang dalawang linya ng mga upuan. Meron pa nga dito sa hita ko, pero yung saming dalawa.
Laman ng isipan ko ang nangyari kanina doon sa credit card ko. Bakit biglang nawalan ng laman yun? Sigurado naman ako na laging chinecheck nila Mama yun!
"Okay ka lang?" Napatingin ako sakaniya, ngumiti aki at tumango. "Lalim ng iniisip mo, 'di na kita mahabol." Natatawa niyang sabi.
Ngumiti nalang ako ulit kahit na ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Maya-maya pa ay dumating narin kami, naka-abang narin sila kuya't ate sa amin.
Pagkaparada niya ay nagsipuntahan din sila agad sa amin. Bumaba na ako at kinuha ang paperbag na may laman ng pagkain naming dalawa at yung dalawang cokefloat.
"Bahala na kayo mamigay niyan sa iba, basta kami, andito na yung sa amin." Hinawakan niya ang kamay ko na ikinabigla ko. Agad niya akong hinila palayo.
Jusko, JK! Aatakihin ata ako!
Pero hindi pa kami nakakalayo ay tumigil ito at lumingon sa likod. Pati ako ay napatingin sa likod. Nakatitig parin silang lahat sa amin lalo na sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Yung sa mga kaklase lang natin yung libre, yung sainyo hindi." Ngumiti siya sakanila bago ako hinila ulit palayo.
JK, ano 'to?!
Nakadating kami sa classroom na magkahawak parin ang kamay. Wait, siya lang pala ang may hawak sa kamay ko. "Bumili kami ng pagkain para sainuo, andun pa sa iba, kinukuha pa rin nila." Sabi niya at binitawan ang kamay ko para ilapag sa mesa ang mga hawak ko.
"Salamat!" Sabay-sabay nilang sabi. Ngumiti ako at tinanguan sila. Dumating narin sila ate at kuya na halatang hirap na hirap dahil madami-dami rin ang mga paperbag. Nagsilapitan naman ang iba naming mga kaklase namin sakanila para tulungan sila.
Naupo ako sa upuan ko at inilabas ang burger na binili ko at nagsimula nang kumain. Ganoon din ang ginawa nung iba.
"Sino nga pala ang susukatan natin mamaya?" Tanong ni Chaesi. Naupo si JK sa tabi ko at nagsimula narin kumain.
Napatigil sila sa pagkain at napatitig sa aming dalawa. Nang mapansin ng isa naming kaklase ay nagsalita ito. "Si Alexa at Ace nalang kaya?"
"Ayaw ni kuya Ace sa mga ganyan pero laging sinusukatan para sa mga parties." Sagot ni kuya Matthew.
"Guys, let's think simple!" Sigaw ni ate Shirae. "Ayan na naman tayo sa simple na 'yan."
"Oo nga, think simple." Ngumisi si kuya MJ at tumingin sa aming dalawa ni JK. Kaya napatingin din yung iba. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago nagtanong.
"Alam kong gwapo ako kaya tama na sa pagtitig, baka mamaya malaman ko nalang na naf-fall na kayo sakin." Ngumisi si JK sakanila. "Si Chewy, 'di nakatitig sayo pero nafall siya."
"Chaesi!" Sinimangutan ko siya.
"Ah, nagets ko na!" Sigaw nung iba naming mga kaklase. "Nagets mo?" Tanong ni JK sa akin. Umiling ako at kumain ulit.
"Ang ibig-sabihib, kayong dalawa ang susukatan namin."
Nang dahil sa sagot ni ate Shirae, nabulunan ako.