SIGTY 3

131 13 0
                                    

"May gwapo dun!"

'Yan agad ang lumabas sa bibig ni ate Alexa pagkadating namin sa mall. Bawat daan na nadadaanan namin, may nakikitang gwapo.

Napakatalas ng mata, tch tch.

"Asan?" Tanong ni ate Cheska. Pasimpleng itinuro ni ate Alexa yung panibagong lalake na nakita niya.

"Ay! Oo nga! Tangos ng ilong!"

"Malala kana." Komento ni ate Raika kay ate Alexa. "Ngayon ka lang na-inform?" Oh diba, proud pa siya.

"Ewan ko sayo." Tinarayan siya ni ate Raika.

"Gwapo naman talaga, 'kala mo ikaw hindi ka natatablan diyan sakanila--"

"Girls."

Natigil kami sa paglalakad at napatalikod. Teka? Andito rin sila? What a coincidence!

"Sinong gwapo?" Tanong ni kuya Skyler kay ate Alexa, close na sila agad?

"Yung lalandiin niya dapat ngayon." Sagot ni ate Raika. "It's called being friendly."

"Ayos, may makakasundo kana, Skyler!" Sabi ni kuya Tyron habang pumapalakpak, loko-loko nga. "Saan pala punta niyo?" Tanong ni ate Shirae. "Kayo ang punta namin."

"Ayan na si Darienne, kay Tyron bagsak niyan." Tinulak naman siya ni ate Cheska. "Baliw!"

"Ay sakto! Si Tyron kay Darienne rin babagsak!" Sabi bigla ni kuya Skyler kaya nakatanggap ito ng batok mula kay kuya Tyron.

"Manahimik ka!"

"Anyway." Tumikhim si kuya MJ kaya natuon sakaniya ang atensiyon namin. "My dad called me, sabi niya sabihin namin sainyo na sumama kayo samin dahil kasama niya ang parents nina Saeny at Raika."

"Ha? Bakit?" Nagkibit-balikat ito. "Yun lang sabi eh kaya sinundan namin kayo."

"Kaya lang ang bilis niyo agad mawala, daig niyo pa si The Flash." Singit ni kuya Skyler. "Uh, tara na, nasa resto na sila ni kuya Shawn." Yaya nila.

"Ilang beses ko bang uulitin na 'Shan" at hindi 'Shawn"?" Inis na tanong ni kuya Shawn kay kuya MJ. "Hanggang sa maging transgender kana." Sagot ni kuya Ace at naunang maglakad paalis.

Paano kaya kapag may natipuhan na siyang babae? Baka imbis na payagan siya manligaw, mamatay pa dahil sa takot.

Nakakatakot naman kasi aura niya, ta's lagi pa siyang seryoso.

Sumunod nalang kami, habang nagbubulong-bulungan. Tinawagan namin nina ate Raika at ate Saeny yung parents nila about dito pero ang sabi, antayin daw na makarating kami doon.

Pagkadating, ay namukhaan naman agad ng mga waiters si kuya Shawn kaya hinatid kami sa VIP room nila kung nasaan ang parents nina kuya MJ, ate Raika, at ate Saeny.

"Hi girls!" Bati ni tita. "Buti at nasundan niyo agad."

"Nako, tita! Nawala nga sila bigla, 'kala mo sila na pumalit kay The Flash eh." Natawa naman sila sa sinabi ni kuya Skyler.

Pagka-upo, ay nagsikain na kami dahil nag-order na rin daw sina tita para sa dinner namin.

All our parents are close with each other, but the 16 of us aren't, siguro nagkaka-usap lang pero hanggang doon nalang iyon. Siguro pwede namin silang maka-close dahil pare-pareho kami ay officers sa last class namin.

The dinner went fine. Puno ito ng tawanan. Si kuya Skyler nga pasimuno kung ba't umingay lalo eh.

"About what we all need to talk." Tumikhim si tito, ama ni ate Saeny.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now