Foundation day. Andito na kaming lahat sa quadrangle. Kakalagay lang namin ng red carpet na binili namin sa daanan, nasa loob narin ang mga isusuot namin doon para sa mga ikakasal.
Mabuti nalang at yung pwesto namin ay malapit sa tambayan namin dito kaya pwedeng-pwedeng magpictorial ang bride at groom bago o pagkatapos ng kasal nila kuno.
Mas gumanda lalo ang boquet sa tulong ni Lisa.
Atsaka bilib din ako sa sarili ko, nakakaya ko pang ngumiti ng hindi peke sakanilang lahat, eh ang totoo, sa loob-loob ko hindi na ako mapakali dahil palapit na ng palapit ang business party na sinasabi ni tita.
Siguradong-sigurado ako na mag-aaway kaming tatlo, at baka mawalan pa ng tiwala sa'kin si JK, lalo si Lisa. Iisipin niyang aagawin ko si JK sakanya.
"Hey, okay ka lang?" Bumalik ako sa sarili ko ng tumabi sa'kin si Lisa. "Huh? Ah, oo." Sagot ko.
"Are you sure? Simula pa kanina para kang wala sa sarili mo." Dagdag niya. I sighed and gave her a small smile. "Naalala mo yung napag-usapan natin nung umuwi kami sa Seoul last year?"
"Oo naman." Natatawa nitong sagot. "Kahit isang taon na ang nakalipas hindi ko parin makakalimutan yun."
"You never told me his name."
I told her about JK. Mabuti nalang talaga at hindi ko binaggit ang pangalan niya kung hindi, mag-aaway kami. Pero hindi rin ako sigurado kasi nung time na yun, hindi ko naman alam na girlfriend pala niya si Lisa.
Pero ngayon, gusto kong sabihin sakanya na si JK ang lalaking iyon, dahil pagkatapos nito, dideretso ako sa kompanya nila JK mismo at kakausapin ko si tita.
Hindi kaya ng konsensya ko na makitang nag-aaway silang dalawa at ako ang dahilan.
Ayokong matuloy ang kasal na 'to. Hindi ko kayang makita na iiwasan nila ako't kakamuhian.
"Actually, you know his name." Her eyebrows furrowrd at that. "Huh?"
"Kilala mo yung lalaking tinutukoy ko." Sagot ko. Napatingin siya sa mga paa namin, tila nag-iisip kung sino ang tinutukoy ko.
She's remember every details that I told her about him at halos lahat ng iyon ay na kay JK.
A few seconds later, tumingin ulit siya sakin na nanlalaki ang mga mata.
"Si JK?" Tumango ako. "Yeah."
"You have feelings for him?" Tanong ulit nito kaya tumango naman ako ulit. "If you're thinking na aagawin ko siya sayo, no. I could never do that."
"Mas gusto ko lang makita kayong dalawa na masaya kesa namang ako lang yung masaya kapag nasa piling ko na siya." Napangiti ako ng mapait.
"Ikaw nalang ang magmahal sakanya para sa'kin, ha." Ngumiti ako sakanya. Agad niya akong niyakap.
"Hindi ka nga talaga okay." Bulong nito. "Magiging okay din ako."
"Mukhang etong magpinsan pa ata ang ikakasal imbis na si Lisa at JK ah." Humiwalay kami sa isa't-isa nang marinig si kuya Ace.
"Sa Taiwan daw legal daw yung same sex marriage." Dagdag ni kuya Matthew. "Oh, tara na." Tumayo ako at hinila patayo si Lisa. "Sorry, JK, akin siya."
Nagsitawanan silang lahat ng lumapit sa'min si JK at hinila si Lisa palayo sa'kin. "Kahit legal ang same sex marriage ang doon, 'di parin kayo pwede kasi magpinsan kayo."
Natawa nalang ako sakanila.
"Hi, kayo po ba yung nagh-handle ng booth na 'to?" May lumapit sa'ming babae. "Yes." Sagot ko.