"Chewy." Agad akong sinalubong ng yakap ni Lisa pagkarating nila rito sa condo ni Marco.
Nakapagbooked narin si Marco ng flight namin papunta sa America at bukas agad iyon ng alas-dose ng tanghali katulad ng aking gusto. Nakapag-impake narin kami ng mga gamit namin bago niya tinawagan ang pinsan ko at sinabing susunduin ito.
"Marco said you really are pregnant." Tumango ako bilang sagot. "Nagpunta si JK dito kanina--"
"Yes, and he freaking slapped you and I can't freaking believed he did that!" Putol niya sa'kin. "Believe me, Chewy. He loves you, hindi ako, ayaw niya lang aminin sa sarili niya."
Umiling ako at ngumiti ng mapait, I'm done believing that he does love me. Pinaasa niya lang ako, at ang masaklap ay nabuntis niya ako at ayaw niyang akuin ang responsibilidad.
"Ikaw parin ang mahal niya."
Umiling ito. "Halata ko na simula nung bumalik ako rito. Ikaw na talaga na ang mahal niya. The way he held you, the way he looks at you, the way he talks sa tuwing nandyan na si Marco, his actions says he does love you."
"No, Lisa. He will never love me." Sabi ko. "You guys can marry each other now. Napirmahan ko na ang mga divorce papers at kami na ni Marco ang magdadala nito sa korte bukas bago kami pumuntang America."
Umiling siya at mabilis na naluha. "This is all my fault! Kung hindi lang ako nagpadala sa emosyon ko noon, hindi mangyayari 'to! Hindi ka sana aalis!"
"May kasalanan din ako. Hindi ko agad sinabi yung totoo. Pare-pareho lang tayong may kasalanan at pagkakamali na nagawa pero may matutunan tayo sa mga maling ginawa natin." I smiled at her. "Marry him for me."
"Ayoko, hindi niya ako mahal. Ako lang huhukay ng sarili kong libingan."
"Mahal ka nga niya."
"Hindi nga sabi! Ikaw ang mahal niya at hindi ako!" Naiyak siya lalo. "Sobrang sakit para sa'kin dahil habang may relasyon kami ay unti-unti na pala siyang nahuhulog sayo, kahit sobrang sakit ay pinili kong makipagbreak sakanya dahil kung magbubulagbulagan ako, mas lalo akong masasaktan lalo na kapag narealize niya na nga ang mahal niya."
"Mas maganda masaktan ako ngayon kesa namang hintayin ko pa na dumating ang araw na yun." Dagdag niya.
"Stop pushing this thing, Lisa. Ikaw nga ang mahal niya." Sabi ko ulit. "Marry him for me."
"Ayoko--"
"Marry him o hindi na ako babalik." Putol ko agad sakanya.
Sinamaan niya ako ng tingin habang humihikbi. "Madaya ka! Nakakainis ka! Pati ako binablackmail mo narin!" Natawa ako sa sinabi niya. "Then marry him if you want me to come back."
Napahikbi ito ulit bago tumango na mahahalatang mong pilit naman talaga. "Iniwan ko lang kayong dalawa saglit, pagbalik ko parang iiwan na si Lisa ng mga magulang niya." Sabay kaming napalingon sa pinto at nakita si Marco na may bitbit na mga paperbags na may tatak na McDo.
"Walang hiya ka!" Inis na sigaw ni Lisa kay Marco na nagkibit-balikat na lamang habang inilalagay sa center table ang dala niya.
"Oo nga pala, saan kayo sa America? Gusto ko ring bisitahin kayo." Tanong ni Lisa habang kinakain na chicken ala-king na pina-order niya kay Marco. "Siya na raw bahala." Sagot ko at ininguso si Marco.
"Paano ang pag-aaral niyo?"
"Pwede namang umulit eh, siguro kapag malaki na ang anak ko tsaka na ako mag-aaral ulit, tatapusin ko nalang muna ang 2nd year college bago magfocus sa pag-aalaga sakanya." Naiisip ko palang kung paano ako gigising sa umaga at mukha ng anghel ko ang bubungad sa'kin ay lumalambot na ang puso ko. "Paano sila kuya? Ang mga kaibigan mo?"