SIGTY 27

131 12 1
                                    

Unti-unting akong dumilat nang maramdaman kong hindi masyadong komportable ang pinaghihigaan ko. "Gising na siya!"

Luminga-linga ako sa paligid at nakita sila ate. Nasa sasakyan na kami. Kitang-kita ko sa mga mata nila na nag-alala sila ng sobra.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni ate Saeny. Tumango ako. They sighed in relief. Tinulungan nila akong maka-upo ng maayos. Tinanggap ko naman ang inabot na bottled water ni Chaesi sa'kin at ininom ito.

"We saw what happened." Sabi ni ate Shirae. "We freaked out nung bigla kang nawalan ng malay, hindi ka naman tuluyang natumba sa semento kasi nasalo ka naman ni Marco."

Hala! Ngayon ko lang sila naalala! Asan na sila?!

"A-Asan na tayo?" Tanong ko. "Still here in EK, mag-aalas nuwebe na nga." Sagot ni ate Darienne na ikinalaki ng mga mata ko. "Bakit hindi pa tayo umaalis?"

"Sa tingin mo ba makakaalis tayo agad dahil pagkatapos na pagkatapos kang maihiga ni Marco rito ay hinila siya ni JK sa labas at doon sila nagsuntukan." Napasinghap ako sa mga nalaman ko. "That's why he was acting strange since last week."

"Nahulog na pala sayo." Umiling ako, hindi parin ako naniniwala. Mahal na mahal niya si Lisa! Lahat kami nakita kung paano niya tignan si Lisa! Lalo ako! "No, he's just lying."

"Wala sa itsura niya na nagsisinungaling siya." Sabi ni ate Raika. "No! Mahal niya si Lisa! Imposible!"

"Ikaw na ang mahal niya, Chewy. Ikaw at hindi si Lisa. Umamin na siya." Napa-iling ako ulit. Hindi pwede! M-Mag-aaway ulit kami ni Lisa! Mas malala ang pag-aawayan namin! Kahit anong mangyari ay hindi ko siya papaniwalaan!

"Then why not give him a chance also? Hayaan mong ligawan ka niya tutal hahayaan mong ligawan ka ni Marco sa kadahilanang hindi pala kayo magpinsan."

"Iba yung kay Marco at hindi ako papayag sa gusto niya." Sabi ko kila ate na halatang walang plano na sumang-ayon sa gusto ko. "Mahal niya si Lisa, si Lisa at si Lisa lang."

"Ikaw na nga ang mahal."

"Nagsisinungaling lang siya."

"Alam mo, kausapin mo nalang siya. Nahihiya kami sayo eh." Sabi ni ate Raika. "Oo nga, ikaw 'tong nasa isang love triangle eh."

"Anong triangle? Square! Kasama ang pinsan niya." Sabi ni ate Chaesi.

"Basta kami, team JK." Sabi ni ate Raika. "Anong kami? Kayo lang naman nina ate Alexa, Cheska at Shirae ang team JK. Kami team Marco." Sabi ni ate Saeny.

Walang hiya! Pati ba naman dito ganito rin sila?! 'Wag mong sabihin pinagpustahan pa nila 'to!

Mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?!

"Bigyan mo ng chance ang dalawa para mapatunayan nilang mahal ka talaga nila. Hayaan mong patunayaan nila ang mga sarili nila sayo. Marco is already eager to court you matapos niyang sabihin sa'min na hindi talaga kayo magpinsan nung sinubukan naming pigilan ang dalawa."

"But JK looks eager than him." Sabi ni ate Alexa. "Mas eager si Marco, bleh!"

"JK parin!"

"Alam niyo, ewan ko sainyo, sainyo nalang ang dalawang 'yan. Baka himatayin pa ako ulit kung hindi pa tayo aalis dito." Pigil ko sakanila. Gusto ko nang umuwi, gusto kong ipahinga ang sarili ko, lalo na ang puso ko na parang may balak pa atang huminto sa pagtibok. "Tawagin mo na sila, kalmado na naman siguro ang dalawa." Utos ni ate Alexa kay ate Mina ate Chaesi.

"Bakit? Sobrang tagal ba nilang nagsuntukan?"

"Mga isang oras lang naman."

"ISANG ORAS?!"

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now