SIGTY 9

89 13 2
                                    

Nakatambay kaming lahat sa cafeteria namin ngayon dahil vacant time namin ngayon. Pagkatapos nito, last subject na namin.

Katabi ko si JK dahil pagkadating namin dito ay agad namin itong inayos. Katabi niya naman si kuya Tyron na sinusubuan si ate Darienne na katabi niya. Sa tapat nila ay sina ate Raika at Chaesi na pinapanood sila na hindi maipaliwanag ang mga itsura.

Sa tapat naman namin ay sina ate Mina at kuya Skyler. May binabasa si ate Mina sa libro niya habang si kuya Skyler ay may binabasa rin sa phone niya, pero nahuhuli ko siyang tinitignan si ate Mina.

Posible kayang may gusto siya kay ate Mina?

Nasa kabilang table naman ang iba at may pinag-uusapan. Tungkol ata sa quiz nila dahil sa magkaklase sila nung last subject bago magvacant time namin.

"Pwede ko namang tulungan si Chaesi sa pagsketch nang mga isusuot natin sa mga ikakasal." Oo nga pala, marunong nga rin pala siya magdrawing. "Ikaw ang bahala." Sagot ko sakaniya. Tumango naman siya. "So ang mangyayari mamaya, sasabihin na natin sakanila kung saan sila naka-assign, officially."

Tumango ako. "Sa Sabado, pwede na rin tayong bumili ng mga kakailanganin natin." Dagdag ko. "Yep, kakayanin 'to."

"Tara na, tapos na vacant time natin." Nagsitayuan na ang iba na nasa kabilang table nang magsalita si kuya MJ. "Mabuti naman at tapos na, nakakasawa nang panoorin 'tong dalawang 'to." Reklamo ni ate Raika.

"Alam mo, Raika. Maghanap ka riyan oh, madaming may gusto sayo rito sa school." Sabi ni kuya Skyler sakaniya habang ginugulo ang buhok niya. "Bakit kaya hindi ikaw ang maghanap para sa akin tutal ikaw ang nagsuggest?" Tinaasan siya ng kilay ni ate Raika.

Sinuklay naman ni kuya Skyler paatras ang buhok niya dahilan para mapatitig ako sakaniya.

Ang h-hot.

Napalunok ako bigla. Jusko, yung leeg niya. Yung panga niya. Yung adams apple niya--

"Focus your sight on me." Napatingin ako kay JK na seryosong nakatingin din sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiwas ng tingin.

Pero teka, bakit ganoon yung sinabi niya?!

Hala, ano ba'to?! Ramdam kong nag-iinit na ang mga pisngi ko kaya pasimple kong pinaypayan ang sarili ko gamit ang folder na hawak ko.

"'Wag na, baka maging bakla pa sila kasi nainsecure sila sa maganda kong mukha't katawan." Proud na sabi nito at ngumisi. "Napaka-feelingero mo naman." Sabi ni ate Raika at nauna nang maglakad. Tinawanan naman siya ni kuya Skyler at isinukbit ang bag niya sa balikat niya.

Sumunod narin kami sa iba pero ang laman ng utak ko ang sinabi niya kanina.

Nakagat ko ulit ang pang-ibabang labi ko dahil sa mga naiisip ko. "Hoy, ano nangyari sayo?" Tanong ni Chaesi sakin. "Ha?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Lutang ka, magkwento ka mamaya ah." Sabi nito at nginitian ako. Tumango nalang ako.

Nakasabay din namin sa hallway ang iba pa naming mga kaklase na naghaharutan katulad nila ate at kuya. Pagpasok sa room ay dumiretso rin kaagad sila sa mga upuan nila habang kami ni JK ay sa harapan dumiretso.

Naiilang ako, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya. Tapos siya, mukhang wala lang 'yon sakaniya.

"Ngayon ko lang napansin, guys." Tumayo si kuya Matthew kaya napunta ang atensiyon naming lahat sakaniya. "Si kuya Ace at si Alexa yung Secretary at Assisstant secretary, imbis na sila magsulat ng mga pinagsususulat niyo, kayo pa ang nagsusulat." Natawa kaming lahat.

Sumimangot lang lalo si kuya Ace habang si ate Alexa naman ay sinamaan siya ng tingin. "Anyway. Napunta naman ang atensiyon nila sa akin. "Sasabihin na namin sainyo na--"

"NA KAYO NA NI JK?!" Putol ni kuya Tyron sa akin. "Gago, hindi." Mabilis na sagot ni JK. "Eh ano? Nililigawan mo na siya?" Tanong ni Chaesi.

"Ano ba, hindi!" Sagot ko. "Sasabihin na namin sainyo kung ano ang mga in-assign namin sainyo na mga gagawin niyo."

Grinupo na namin silang lahat. Dahil itong mga maarte naming mga kaibigan gusto sama-sama kami, magkakasama tuloy kaming 16.

Yung unang grupo, sila ang bibili na mga materials na kailangan namin sa pagd-design ng wedding booth, yung pangalawang grupo naman, sila ang bibili ng mga pintura na kakailanganin namin, yung pangatlong grupo naman ang bibili ng mga kahoy na kakailanganin namin para maitayo ang booth namin dahil nasa quadrangle kami nun.

At kaming 16 naman ay ang gagawa ng mga isusuot namin sa mga ikakasal.

Si ate Alexa naman ang gagawa ng boquet katulad nung naisip ko kanina. At tama nga ang hula ni JK kanina na papagandahin ni ate Alexa ang boquet dahil pagkasabi na pagkasabi namin na siya ang gagawa nito ay agad na nagningning ang mga mata nito at nagtanong na agad kung pwede raw ba pagsamahin yung mga magagandang bulaklak na naisiip niya sa gagawin niya.

Si Chaesi naman ang mags-sketch katulad nang napag-usapan namin ni JK kanina pero kapag may extra time si JK ay tutulungan niya ito.

Sina ate Raika, ate Cheska, ate Saeny, at Shirae naman ang maghahanap ng tela na gagamitin namin para magawa ang filipiñiana at sina kuya Shawn, kuya Ace, kuya Matthew, at kuya MJ ang maghahanap ng tela para magawa ang barong.

Sina ate Mina ate ate Darienne naman ang maghahanap ng tela na bibilin nila ate sa susunod na araw at ganoon din sina kuya Skyler at kuya Tyron.

Habang kami naman ni JK ay tutulungan din sila, pero syempre, kami rin ang maglilista kung ano na ang mga natapos nila para makita namin if matatapos ba namin 'to ng maaga o sakto o hindi.

"Any objections?" Tanong ni JK pagkatapos namin sabihin ang tungkol dito sakanila. Nagtaas naman ng kamay si kuya Tyron. "Oh, ano?"

"Bakit kayong dalawa walang gagawin? Ang hirap kaya nung sa amin!" Reklamo ni kuya Tyron.

"Oo nga." Dagdag ni kuya Skyler. "Eh kung magpalit kaya tayo ng pwesto ngayon no, baka sakaling matapos natin 'to agad bukas kapag kayo ang naging President at Vice president." Inis na sabi ni JK sakanilang dalawa.

Nginitian nila kaming dalawa. Mga alien na talaga silang dalawa. "Joke lang, busy ako kay Darienne." Sagot ni kuya Tyron. "Ako rin, busy."

"Mga siraulo." Bulong ni JK na ikinatawa ko. "Anyway, no more objections?" Tanong ko. Nang walang sumagot ay alam na namin na okay na sakanila ang mga in-assign namin sakanila. "Kung may time pa kayo mamaya, pwede na rin kayong bumili ng mga kakailanganin natin, mas maganda kung u-unti-untiin natin para kapag nagmeet-up tayong lahat sa Sabado, may magagawa na tayo." Sabi ko, nagsitanguan naman silang lahat. As if on cue, the bell rang.

Itinabi namin ulit ang mga papel sa loob ng folder. Nagpaalam narin kami sakanila at lumabas kasabay kila ate at kuya.

"Kain tayo sa labas." Suhestisiyon ni kuya Matthew pagkapasok namin sa loob ng van. Katabi ko si JK ngayon na kinuha ulit ang folder mula sa akin.

"Sige, pagkadating natin sa bahay, ilabas niyo yung lamesa, tapos yung kalan, tapos yung--"

"Gago, hindi yung literal." Putol agad ni kuya Matthew kay kuya Ace na halatang seryoso sa sinabi niya kaya natawa kami. "Saan naman?"

"Sa Max nalang tayo." Sagot ni ate Shirae. Nagsitanguan naman kami bilang pagsang-ayon kaya pina-andar na ni kuya Shawn ang van.

Nagsimula nang maging maingay ang van dahil kina kuya Skyler, kuya Tyron, ate Saeny, at ate Darienne. Our happy pills.

"Guys, alam niyo ba--" Lumakas ang tawanan namin nang matumba si kuya Skyler sa lapag dahil sa biglaang preno ni kuya Shawn. "Tangina, ang sakit."

"Tanga-tanga mo naman." Tinulungan naman ni kuya Tyron tumayo ito habang tumatawa. Bigla kasi itong tumayo at tila may ipapakita sa amin nung prumeno si kuya Shawn.

"Sorry, may pusang tumawid eh." Ngumisi si kuya Shawn bago nagsimulang magdrive ulit. Halatang sinadya ang biglaang pagpreno eh.

Patuloy parin ako sa pagtawa pero natigil din nang marinig ko siyang tumikhim kaya napunta sakaniya ang atensiyon ko. "Bakit?" Natatawang tanong ko sakaniya. Ano meron ba't ang seryoso niya?

Hindi ko nga siya narinig tumawa man lang nung natumba si kuya Skyler eh. Isa nga 'yan sa mga nauunang tumawa kapag may kalokohan si kuya Skyler eh. O kaya si kuya Tyron.

"I said, focus your sight on me."

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now