SIGTY 8

91 11 1
                                    

Bumaba na ako pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Maaga akong gumising para mafinalize na ang naisipan namin na booth na gagawin namin.

And yes, it's a wedding booth. Katulad lang din nung ginagawa ng ibang schools na wedding booth, ang pinagkaiba lang is yung gown na ipapasuot namin sa babae is filipiñiana at sa lalake naman ay barong, which I really think is great kasi I never heard a school did this kaya excited at kinakabahan ako at the same time.

Mags-six-thirty na nung nakababa ako. Agad naman akong nakarinig ng may nagluluto. Sino kaya yung unang nagising?

Naupo ako sa mesa at ipinatong ang folder kung saan ko nilagay lahat nang mga naisulat namin sa mga nakuha naming ideas kahapon na nanggaling sa maliit ko na notebook. Inilipat namin ito ni JK sa bond papers pagkatapos namin kumain ng hapunan sa kwarto ko. Pero ako ang tumapos ng kalahati dahil may kailangan parin naman siyang tapusin bukod dito.

"Oh, good morning, Chewy." Nag-angat ako ng tingin at nakita si kuya Shawn na nakasuot ng apron. "Good morning." Bati ko at ngumiti. Ang aga niya gumising. Siya na ata ang makakatalo sa akin. "May gusto ka pa bang idagdag sa almusal na niluluto ko?"

"Ano na po ba ang naluto niyo?" Tanong ko. "The usual, eggs, and hotdogs."

"May spam po ba tayo?" Tanong ko ulit. Tumango ito. "Meron naman, iyon lang ba?" Tumango ako. Napatingin naman siya sa mga nagkalat na bond papers sa mesa. "Akala ko natapos niyo na 'yan ni JK?"

"Natapos na po pero finafinalize nalang." Sagot ko. Tumango naman ito at bumalik ulit sa kusina.

Binasa ko ulit ang mga nakasulat sa bond papers. Magaling magdrawing si Chaesi kaya sakaniya ko nalang ipapasketch ang gagawin naming filipiñiana at barong. Yung mga decorations naman ay mapupunta sa iba naming mga kaklase dahil kami yung gagawa ng mga susuotin. At si ate Alexa naman yung gagawa ng boquet.

At doon naman sa booth na mismo na kakailanganin pa nang mga kahoy, ay tulung-tulong kami para fair kaming lahat.

"Lagyan natin ng twist." Muntik na akong mapatalon sa kinau-upuan ko nang may bumulong sa akin. Lumingon ako kay JK at doon ko napagtanto kung gaano kalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Napatigil ako at ganoon din siya.

dug dug dug dug

'Wag ka munang tumibok ng ganyan, heart. Ayokong mabisto sa ganitong paraan.

"Chewy--" Doon lang kami bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni kuya Shawn. Napalayo kami sa isa't-isa at tumingin sakaniya na nanlalaki ang mga mata. "Good morning."

Pumeke ito ng ubo. "Good morning din, JK. Kanina kapa ba gising?" Tanong niya na halatang iniiba ang topic. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at ibinalik ang tingin sa mga bond papers. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi dahil sa nangyari.

"Ngayon lang."

"Tulungan niyo muna ako maghain." Sabi niya at tumalikod agad. Nakahinga ako ng maluwag. "Anong twist?" Tanong ko at tinignan siya. Nakapamulsa na siya. "Diba ihahagis nung babae yung boquet kapag tapos ng kasal." Tumango ako. "Ang makakasalo nun ay yung susunod na ikakasal, hahanapin natin yung taong gusto niya at ipapakasal silang dalawa."

"Eh paano kapag walang sumalo?" Tanong ko. "Imposible, si ate Alexa ang gagawa ng boquet diba, I'm sure pagagandahin niya 'yan ng todo-todo."

Napatango ako. Sabagay. "Don't write it. Para masurprise sila. Para maka-amin na ang iba kong mga kuya sa iba mo pang mga ate."

Nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. "Ha?! Ibig-sabihin--" Agad niyang inilagay ang index finger sa labi niya. Tumahimik naman ako. "Yep, tara na, maghain tayo. Baka mag-aladragon na naman si kuya Shawn."

Natawa naman ako sa sinabi niya at ibinalik na sa loob ng folder ang mga bond papers.

"JK! ANG SABI KO 'SHAN' ANG PANGALAN KO! HINDI 'SHAWN'!!" Sabay kaming natawa habang naglalakad papasok sa kusina. Kinuha ko ang lalagyanan ng mga kutsara at tinidor at dinala ito sa dining area. Inilatag ko muna ang mga placemat bago ito nilagay. Bumalik din si JK na may dalang tray kung saan nakalagay ang mga plato at kasunod niya si kuya Shawn sa likod niya na may dala ring tray, doon naman nakalagay ang mga niluto niya.

"Sakto pala ang pagkagigising ko." Dumating si ate Cheska, nakasunod naman si kuya Matthew sa likod niya. "Good morning, bunso."

Binati ko rin ito at naupo. Nagsibabaan narin yung iba maliban nalang kay kuya Ace, ate Alexa, ate Raika, ate Shirae, at ate Saeny.

Katabi kong kumakain si ate Mina na tahimik lang. Lagi naman siyang tahimik kaya sanay na kami. "Oo nga pala, anong first period niyo?" Tanong ni kuya Tyron bago sinubuan si ate Darienne. "Oh my God! Did I just saw Tyron--Aray! Raika!"

"Natural lang 'yan kasi nililigawan niya si Darienne." Sabi ni ate Raika at naupo sa tabi ni ate Cheska. "May dalaw ata si ate eh." Bulong ni Chaesi. "Halata naman." Bulong ko rin pabalik.

"Magkakasama kami nina Mina at Chewy." Sagot ni ate Cheska. "Tapos silang anim magkakasama."

"Oh, kasama pala nung lima sina JK, Skyler, Tyron, at kuya Ace. Kasama naman namin yung tatlo." Sagot ni kuya MJ. Nagpatuloy naman kami sa pagkain namin habang pinaguusapan ang mga mangyayari mamaya pagpasok namin.

Matapos ay bumalik na kami sa mga kwarto namin para ayusin ang mga gamit namin. Hindi ko na ipinasok sa bag ko ang folder dahil baka tawagin na naman kami ni ma'am mamaya at itanong sa amin kung ano na ang mga napag-usapan namin.

Katabi ko ngayon si ate Darienne na nagr-review sa subject nila dahil may quiz daw sila ngayon. Mabuti nalang kami, next week pa. Andun naman si kuya MJ kung sakaling mahirap kaya confident ako na makakapasa ako.

Pagkadating ay agad ring nagpaalam yung sampo sa amin. Sinignalan pa ako ni JK na 'wag kong sasabihin sa iba yung tungkol sa napag-usapan namin kanina. Tumango nalang ako. Ngumiti siya bago sumunod sa iba.

Naglakad narin kami papunta sa first subject namin Wala narin naman akong ilang na nararamdaman sakanila at alam ko, ganoon din sila ate dahil medyo nagiging close na kaming lahat.

Pagkadating ay diretso upo narin naman kami agad kasi kami-kami lang ang nag-uusap dito. Since wala pang teacher ay binuklat ko ang folder at binasa ulit ang mga nakasulat sa bond paper.

Mags-start na ako mag-assign officially mamaya para makapagsimula na kami.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now