Epilogue

191 12 0
                                    

Tagatak na ang aking pawis habang inaayos ang dekorasyon sa backyard ng aming bahay, pagsikat palang ng araw ay gising na ako at aligaga na sa pag-aayos ng backyard. Katulong ko naman ang mga maid na kasama namin dito sa bahay pero ayoko namang iasa lahat ng gawain sakanila, kaya ko rin naman iyon gawin kaya tutulungan ko sila.

It's my daughter's first birthday today and I want it to be really memorable for her, kahit kaunti lamang ang kanyang bisita, hindi katulad ng aking plano kapag ako ay nagkaanak na gusto ko ay engrande ang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Tanging ang mga kaibigan ko lang ang bisita, kasama sina Lisa, Marco, at ang mga magulang namin. Ang parents nila Ate ay hindi mkakapunta pero ipinadala na nila ang regalo nila para sa aking anak, ganoon din ang parents nila Kuya.

Speaking of them, hindi pa sila dumarating since they're still two hours away. Sila Mama naman ay kasama ang parents nina Lisa at Marco na nasa New York, susunod daw sila maya-maya.

Habang ang aking prinsesa naman ay gising na at nanonood ng kanyang paboritong cartoon na palabas, she's on her crib in the living room, bantay siya roon ng isang maid dahil baka ay umiyak ito dahil nagugutom.

"Done." Ngumiti ako habang bumaba sa hagdan na aking inakyatan.

I designed the whole backyard with a pink theme. Pagpasok mo sa backyard ay puro pink ang makikita mo pero hindi ito masakit tignan sa mata dahil I didn't use any dark colors of pink. I used the lighter ones dahil maganda iyon sa paningin, it's aesthetically pleasing. A big banner is hanging on the side, under that is a long table kung saan namin ilalagay ang kanyang birthday cake, the customized cupcakes that I ordered last month which will be delivered in a couple of minutes, and some balloon stand. Sa bawat gilid ng mahabang lamesa na iyon ay may maliit na mesa kung saan ko ilalagay ang mga regalo na kanyang natanggap. And in front of the long table is a baby pink colored high chair.

Nagkalat din ang pink balloons sa lapag at mayroon din sa pool. Hindi na ako nagrenta pa ng birthday chairs and just bought pink picnic blankets, floor pillows, and a dozen of rectangular tables. May mga string lights din ako na sinabit simula kagabi pa.

Later on kapag hapon na, our maids will be throwing pink roses on the ground, starting from our staircase and to the door where the backyard is at. Marunong nang maglakad ang anak ko pero kadalasan ay kinakailangan niya parin ng aalalay sakanya because she usually falls down. Nagulat nga rin ako ng makita itong humakbang nalang bigla. I think she's going to grow up as a determined young lady.

Her determination these days how to walk without holding onto my head nor on some things is fascinating. Natutuwa ako sa aking anak because she knows she can do well by herself if she keeps practicing. Parang ako lang.

Laking pasasalamat ko at nakikita ko na ang kanyang ugali at masasabi kong sa'kin ito nagmana. But you can see a slight of her father's habit on her but that's okay, siya naman talaga ang ama at wala namang makakaalam na iba bukod kila Ate na anak niya ito.

Pagkatapos masiguradong okay na ang lahat ay pumasok narin kami sa bahay upang magpahinga, ala-singko pa naman ang start ng kanyang party kaya mahaba-haba rin ang aking pahinga.

Dumiretso ako sa aming kwarto at naligo na, ayokong mag-amoy pawis ang aking anak, mahilig pa naman iyon mangyakap, kahit na palagi niya akong nakikita, mawala lamang ako saglit dahil may ginawa, pagbalik ko ay yayakap na iyan sa'kin na 'kala mo ay isang dekada ako nawala. I'm not complaining at her though, ayokong lumaki siya na malayo ang kanyang loob sa'kin.

"Mommy!" Humawak ang aking anak sa kanyang crib at tinulungang makatayo ang sarili. "Did you miss me?" Tanong ko habang buhat-buhat na ito. "Sandali lang ako nawala." Humagikgik ako habang nauupo na.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now