Halos dalawang Linggo rin akong nasa hospital. Gusto sana nina Mama at Papa na sila ang magbantay sa'kin hanggang sa madischarge ako pero hindi nila pwedeng iwan ang kompanya sa Pilipinas.
Natrauma na sila sa nangyari noong nakaraang taon kaya pinaubaya na nila kay Marco ang pagbabantay. Hindi rin pinalampas ng kanyang parents ang pagbisita rito.
Sobrang tuwang-tuwa si Tita nang makita ang anak ko, akala ko nga tatanungin niya ako kung pwede niya itong ampunin.
"Aww, you're awake na." Maingat ko itong inilabas sa kanyang crib at binuhat. "Good morning, baby." Hinalik-halikan ko ang mga nanumula nitong pisngi.
"You look so ethereal early in the morning." Ngumiti ako at hinele-hele ito. "Let's go and see what Tito Marco's up to, hmm?"
Kumuha muna ako ng isang bote ng gatas para sakanya bago lumabas. Dilat na dilat ang kanyang magagandang mata habang sumisipsip.
Nagpunta kami sa kusina kung saan ko iniwan si Marco na nagluluto. "Oh, gising na nga ang prinsesa." Binitawan nito ang spatula na hawak at naglakad papunta sa'min.
"Good morning, princess." Bati nito at hinalikan ang kanyang noo. Nag-angat ito ng tingin sa'kin at hinuli ang aking mga mata.
"Bakit? Gusto mo rin? Na-iingit ka?" Ngumingising tanong nito. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Assuming." Humalakhak siya at nagpatuloy sa pagluto ng pancake. "I can do that to you, pero kailangan ko muna ng permiso mo."
"Manahimik ka, Marco. Ayokong gumawa ng kung ano-ano sa harap ng anak ko." Tinawanan lamang ako nito.
"What? Ayaw mo bang ipakita sakanya na ako na ang magiging ama niya at hindi iyong isa?" Nanunuya nitong tanong habang pinapatay ang stove. Inirapan ko na lang ito.
"Wala namang kaso sa'kin kung hahayaan mo kong maging ama niya, basta't hayaan mo lang ako na pakasalan ka para madala niyo ang apelyido ko." Nang-aasar na sabi nito habang inilalapag sa harap ko ang plato na may tatlong pancake at lunod na lunod sa syrup na may butter sa taas.
"Kung hindi ko lang karga-karga ang anak ko, masasampolan ka talaga sa'kin." Sinamaan ko ito ng tingin. Ngumisi lamang ito at nagsimulang sirain ang shape ng pancake at humiwa ng isang piraso at isinubo ito sa'kin.
"Wow, ang sweet."
Mabilis akong nabulunan nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya Skyler, agad na nagsalin si Marco ng tubig sa baso at ipinainom iyon sa'kin.
"Grabe, 'di niyo kami in-inform na kayo na pala." Lumingon ako sa likod at nakita silang lahat. Pinanood nila kami?!
"Walang kami." Sagot ko nang makabawi.
"OH MY GOD, IS THAT MY NIECE?!" Sigaw ni Ate Alexa at mabilis na nagtungo sa'kin. "OH MY GOD, SHE'S SO PRETTY!"
"'Wag mo takutin." Sabi ni Kuya Ace sakanya pero hindi niya ito pinansin at kinuha na ang anak ko mula sa'kin.
"KAMUKHA MO TALAGA ANG MAMA MO!!" Rinig na rinig mo ang pagkagalak sa kanyang boses.
"Ate, baka umiyak, kakagising niya lang." Paalala ko habang inaabot ang gatas niya. "Aww, I'm sorry, baby, your pretty Ninang is just too excited to see you." Humagikgik ito.
"Anakan mo na nga rin 'yan, kuya. Baka magulat nalang si Chewy pagkagising niya, wala na 'yang anak niya sa crib." Nagtawanan kami sa sinabi ni Kuya MJ.
"Ayaw niya pa." Sagot ni Kuya Ace at naupo sa stool na katabi ko.
"Ako pa? Ikaw nga 'tong may ayaw pa." Inirapan ni Ate Alexa si Kuya Ace na nagkibit-balikat lamang. Dinumog narin ng iba pang mga ate ang anak ko at pinalibutan na.