SIGTY 26

133 12 1
                                    

"JK, tumigil kana please!" Panglimang beses ko nang sinabi sakanya. Nauubos ang pasensya ko sa lalaking 'to. Lisa, I'm sorry na agad in advance pero kaunting-kaunti nalang talaga ang pasensya ko sa boyfriend mo. Marami pa namang iba riyan kung sakaling mapatay ko na talaga siya. "Kanina mo pa ako hindi pinapansin." He pouted his lips.

"Can't you see I'm busy?" Iritado kong tanong sakanya. "And can't you see I'm also busy pero binibigyan kita ng oras para masolo ako."

What the hell?! "Wala akong intensyon na solohin ka, Jk. Magreview kana lang."

"Paano ako magrereview kung ikaw ang laman ng isip ko?" Nasapo ko ang noo ko.

Mag-iisang linggo na siyang ganito. Nung Miyerkules siya pa mismo ang gumising sa'kin! Kanina nga dinalhan niya pa ako ng almusal sa kwarto ko eh baba narin naman ako nun!

And I don't even know why the hell he's acting like that! Para siyang boyfriend ko pero hindi naman talaga! Asawa ko nga siya pero nagpakasal lang naman kami para lang sa kompanya ko!

"Alam mo, bahala ka sa buhay mo." Niligpit ko ang mga gamit ko at pumanhik kaagad sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at inilock ito para hindi niya na ako distorbuhin bago nagpatuloy sa pagrereview dahil halos lahat ng subjects ko bukas ay may quiz na magyayari dahil Biyernes na nga bukas.

Pati sila ate at kuya naguguluhan narin sa inaasta niya, lalo na kapag andyan na si Marco.

And speaking of Marco, isa pa 'to!. Alam niyang mabilis na napipikon si JK kapag andyan siya, inaasar pa lalo. Loko-loko rin eh. Lalo kapag binabanggit niya na first love ko siya kahit ang totoo, ay hindi naman.

Kaya pag malapit na sila mag-away at kasama nila ako, tumatakbo nalang ako palayo.

Sakit sila sa ulo! 'Kala mo mga manliligaw ko!

"Elori, open up." Kumatok siya. "Magreview ka mag-isa!" Sigaw ko.

"I need your help, may hindi ako magets sa isang lesson natin sa Arts." Kasalanan ko bang hindi niya magets yun? Imbis na makinig kay ma'am habang tinuturo niya ito ay binibwisit ako! 'Yan napapala mo! Kapag bumagsak ka, pagtatawanan talaga kita!

"Pretty please, wifey."

JUSKO, JK! TAMA NA! PINAPAASA MO LANG AKO! At eto namang si tangang ako, gora lang! Letse!

Iritado akong tumayo at binuksan ang pinto. Ngumiti naman siya at pumasok.

"Ano ang hindi mo magets?" Tanong ko at naupo sa kama ko. "Kung bakit mo naging first love ang lalaking 'yon."

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Pinagloloko lang ata ako nito! "Kung wala ka naman palang sasabihin tungkol sa rereviewhin ngayon, umalis kana!" Hinampas ko siya ng unan. "Okay, chill!"

"Nung Biyernes ka pa! Pati si Marco! Ewan ko ba sayo! Binibigdeal mo yung sinabi niya!" Sigaw ko. "Kung hindi man ako ang asawa mo, sigurado ako bigdeal din yun sa magiging asawa mo."

"How can you say that, JK?!" Hinampas ko naman siya ng notebook ko sa inis. "Bigdeal din yun sakanya kasi bumalik na yung first love mo tapos mahal mo yung asawa mo, eh diba nga minsan first love never dies--"

"BAKIT BA NANINIWALA KA SA PINAGSASASABI NG PINSAN NAMIN NI LISA?!" Nanggagalaiti kong sigaw sakanya.

Nalaglag naman ang panga niya dahil sa natuklasan niya, halos lumuwa na nga ang eyeballs niya dahil sa gulat. "WHAT THE FUCK?! PINSAN NIYO SIYA?!"

Tumigil na ako sa paghahampas sakanya, baka masira pa notebook ko. "HINDI BA OBVIOUS?! KAYA NGA SABI NIYA MAS NAUNA KAMING MAGKAKILALA KESA KILA ATE KASI BATA PA LANG KAMING TATLO, CLOSE NA KAMI!"

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now