KABANATA 31

2.7K 158 67
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 31 †
• Pagsuko •

(Sophia's POV)

"Simula sa oras na 'to, Wala ng mananakit sa'yo, sophia."

Nanatili akong hindi gumagalaw habang iniisip na para bang panaginip ang mga nangyayari.

Nang tangalin n'ya ang palad n'ya sa mga mata ko ay natulala na lang ako.

"R-ra....Ra-" bago ko pa mabangit ang pangalan n'ya ay nayakap n'ya na ako nang mahigpit.

"Isa akong hangal. Sukdulang pinaabot ko pa ang lahat sa puntong 'to bago pa ako magising."

"Raphael?" Sa wakas ay nasabi ko.
Nang ngumiti s'ya sa'kin ay tuluyan na akong naluha. "Raphael!" nayakap ko na s'ya ng mahigpit... "Raphael, patawarin mo ako."

"Sophia, wala kang kasalanan. Kung meron mang kailangang humingi ng tawad dito, hindi ikaw 'yon, kung hindi ang mga tao-" CLAP CLAP!

pareho kaming natigilan nang may
pumalakpak mula sa likuran namin.

Tila napatda ako nang makita ko si Tinyente Mendez kasama ang mga gwardya sibil na nakatayo na sa aming likuran.

"Mukang huli na ata kami upang sagipin ang buhay ni Don Cervantes," nakangisi nitong sambit.

"Kung kaya mong ibalik ang ulo n'ya sa katawan n'ya ay maaring hindi kapa huli," balik saad ni Raphael na s'yang namang nagpahalakhak sa Tinyente

"Ang akala namin ay oras na nakasuot kana ng damit pangkasal ay hindi na na magbabago ang isip mong magtaksil ngunit hindi namin akalain na mas lalo pa palang sisidhi ang pagnanais mong mag-alsa, Sa araw pa mismo ng 'yung kasal at sa harap pa mismo ng iyong mapapangasawa na s'yang nag-aantay sa altar."

"Ipagpaumanhin mo Tinyente dahil hindi pa man napag-pplanuhan ang pagkakasal namin ay buo na ang desisyon kong mag-alsa."

"Sabihin mo, hindi mo na ba iniibig si Señioirita Katarina at nagawa mo s'yang talikuran sa mismo pang araw ng inyong kasal?" tumawa ng bahagya si Raphael sa sinabi ni Tinyente

"Inibig? Mali ka kung iniisip mong inibig ko si Katarina dahil kahit kailan, kahit minsan, ni sa guni-guni o kahit pa sa paniginip ay hindi pumasok sa isipan ko na ibigin ang babaeng 'yon."

"At dahil ba 'yon sa binibining nasa likuran mo, Gobernador-Heneral?"
Naramdaman ko na lang na humigpit ang hawak sa 'kin ni Raphael.

"Ang akala ko kahit kailan ay hindi ko makikita ang kahinaan ng isang taong kagaya mo ngunit hindi ko akalain na isang istrangherang binibini lang pala ang magpapatiklop sa kagaya mo, Heneral."

"Nakakadismaya." Pahabol na saad pa nito saka ito ngumisi

"Mabuti pa ay tumabi ka na lamang kung ayaw mong sumunod kay Don Cervantes, Tinyente Mendez."

"Mukang hindi mo nauunawaan ang sitwasyon, Heneral. Ang binibining nasa likuran mo na pinag-pangap mong kapatid ay walang reverencia at pinagtangkaan pa ang buhay ng Prayle at ngayon naman ay naging sanhi ng kamatayan ni Don Cervantes. Ang akala mo ba ay palalagpasin ng mga ka-anib ni Don Cervantes lalo na ng visitador ang mga bagay na ito lalo pa't hindi ka tumupad sa usapan ninyo?" Nakakunot nitong sambit ngunit agad din itong ngumiti

[Reverencia- tawag sa pag-galang sa mga pari]

[Visitador- isang opisyal ng pamahalaan ng espanya na pinapadala upang siyasatin ang pamamahala ng Gobernador-Heneral]

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon