KABANATA 33

2.6K 188 62
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 33 †
• wakas •

(Sophia's POV)

"Omg, Sophia!"
Napalingon ako sa babaeng ngayon ay nakatulala sa harapan ko.

"Girl, baka tumulo laway mo," natatawa kong saad.

"Shocks bes! We've been friends for so many years pero ngayon ko lang narealized na may ganda ka pala talaga," sambit nito habang titig na titig sa muka ko

"Hahaha! Loka! Insekyura ka kasi kaya di mo matangap."
Nahinto ako sa pag-ngiti ng marealized kong nakatitig lang s'ya sa habang nakangiti at maiyak-iyak

"What's with the face, Jel?" Natatawa kong tanong

"Ha? Wala! i mean... 'di ko lang mapigilang maging masaya para sa'yo dahil finally ito ka na! successful kana talaga! Imagine, sobrang dami mong pinagdaanan sa showbiz industry para lang marating 'tong status mo. I'm just really proud of you, bessy," nakangiti nitong tugon

Napangiti ako sa sinabi n'ya pero at some point hindi ko alam kung bakit may kung anong kirot ang umusbong sa dibdib ko.

"Jel.." untag ko sa kan'ya, "I must be happy now, right?" Tinitigan ko s'ya ng seryoso bago ako muling nagsalita. "Then why do i feel empty?" napaiwas ako ng tingin.

"Sophia, it's already been 2 years. Do you still–"

"We are running late for awards night. Shall we go?" Sambit ko upang pigilan ang sasabihin n'ya.

Ngumiti lang s'ya sa 'kin kahit bakas ang pag-aalala sa muka n'ya. "I wish for your happiness tonight, bes."

"Are you now some sort of fairy or what? haha! Don't worry, i will surely become happy tonight 'cause i'm going to take home the Best Actress Award," sambit ko saka ako kumindat

"I hope so, bes. Anyways, lalabas lang ako para ma-prepare 'yung car. Balik ako if ok na, okay?" Tumango lang ako sa sinabi n'ya.

Nang wala na s'ya ay dinukot ko ang gusot gusot na papel na nasa bulsa ko.
Pinagmamasdan ko ang halos burado ng muka ng lalaking nakaguhit dito.

"Its been 2 years, Can i be happy for real even just for tonight?" Napangiti ako ng mapait.

"I hope so.."

- Awards Night -

Nang makarating kami sa venue ay halos mawindang ako sa dami ng Media.

Well, this is the 40th PMAC 2022 Awards Night. What should i expect?

Pagkababa ko pa lang ng kotse ay katakot takot na flash ng mga camera ang sumambulat sa'min.

Kung hindi lang dahil kay Jel na kasama ko rin sa movie na ngayon ay kasabay ko bumaba ng kotse ay hindi ako magtatagal sa red carpet.

Pinilit kong humarap sa kabi-kabilaang mga camera na nasa harapan namin at ngumiti kahit na ba gusto ko ng pumasok at umupo sa isang tabi.

Nakatayo pa din kami sa red carpet ng biglang nahinto ang lahat sa pag-kuha ng litrato at natahimik ang buong paligid.

Nang lumingon ako sa entrance ay may kung anong kaba ang umusbong sa dibdib ko nang makakita ako ng puting kabayong papalapit sa'min habang sakay sakay ang isang lalaking nakauniporme ng pang-Heneral. (Spanish era)

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon