KABANATA 13

3.3K 230 93
                                    

      ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
       ~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                 † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 13 †
       • Ang kagulohan sa Kaarawan•

( Sophia's POV )

"Heneral?"

Ilang segundo muna s'yang tumitig sa mata ko bago nadako ang tingin n'ya sa itaas na parte ng muka ko.

Gusto ko ng magmura sa limamput limang lengawahe pero english, tagalog at annyeong lang ang alam ko.

ACCKK! Bakit sa lahat ng tao bakit s'ya pa ang unang nakakita sa 'kin lord?! Ayaw n'yo na ba sa 'kin at pinaparusahan n'yo ako ng gantooo?

Gusto ko mang takpan ang kilay ko gamit ang kamay ko ay masyado ng huli dahil titig na titig na s'ya dito.

"Sophia.." Sambit n'ya sa pangalan ko habang matiim na nakatitig sa kilay ko na para bang ngayon lang s'ya nakakita ng ganung klase ng kilay sa buong buhay n'ya.

Mygosh! Sobrang nakakahiya 'to! Gusto ko na lang bumaon 10 ft below the ground sa kinatatayuan ko.

Teka, ano ng gagawin ko ngayon?
Suntukin ko na lang kaya ang Heneral para mawalan s'ya ng malay at makatakas ako? Ack! Boba! Pwede bang himatayin na lang ako? Waaah! I kennat talagaaaaaaa!

"Magandang araw Gobernador-Heneral, Ikinagagalak kong makita kayo dito," sambit ng pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Napalunok ako ng ilang beses nang marinig ko ang boses ni Katarina.

"Magandang araw din Gobernador-Heneral. Masaya ako at nakarating kayo, ngunit sino ang Binibining nasa iyong harapan?" Tanong naman ng Alperes.

Feeling ko kumawala nang tuluyan  ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Napalunok ako ulit ng Muling tumitig sa 'kin ang Heneral. Akmang magsasalita na sana s'ya nang hawakan ko s'ya ng mahigpit sa magkabilaan n'yang sleeve at tinitigan s'ya na parang hihikbi na ako ano mang oras.

Gosh! Maawa ka sa'kin. 'Wag mo 'ko pagkanulo! Nakatitig pa din ako sa kan'ya ng biglang umarko ang sulok ng labi n'ya.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng pag-asa na meron ako. Acck! Wala s'yang kwenta! I-uuncrush ko na talaga s'ya! Napaka walang puso n'ya!

Napayoko na lang ako habang dahan dahang niluluwagan ang kapit sa kan'ya dahil sa kawalan ng pag-asa.

Akmang bibitaw na ako nang mabilis pa sa isang kisap matang kinabig n'ya ako papalapit sa kan'ya at mabilis na sinubsob sa dibdib n'ya.

Badum*
Badum*

Wait, a-anong nangyayari?

"Alperes, madali ka at dalhin mo sa kami sa isang bakanteng silid," punong otorisado nitong Sambit pagkatapos ay isnaklob n'ya sa ulo ko ang suot n'yang coat.

"Masusunod Heneral, sumunod na lamang kayo," walang tutol na tugon naman ng Alperes.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lalo n'ya pa akong hinapit sa kan'ya at hawakan ng mahigpit sa balikat ko

Badum*
Badum*

Mygosh! Ano bang nangyayari?

Habang marahan n'ya akong iginagaya Patungo sa kawarto na pupuntahan namin, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Ang amoy n'ya na nakulob sa loob ng coat ang isa pang nagpadagdag ng kabog ng dibdib ko.

Shet. Is this really happening?
Nangyayari ba talaga 'to?!  

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon