KABANATA 26

3.3K 180 142
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 26 †
• Te Amo •

(Sophia's POV)

"Sophia, iniibig kita."

"Sophia, iniibig kita."

"Sophia, iniibig kita."

Kyaaaaaaaaaaaah!
mula sa pagkakahiga ay napaupo ako at nayakap ko ng bonga ang unan ko.

Sa sobrang kilig ko kagabi ay hindi man lang ako nakatulog magdamag! mabuti na lamang at hindi s'ya dito natulog sa silid ko pero..

Pero ano kayang feeling kung magkatabi kami ngayon dito?

Kyaaaaaaaah!
Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako! Potek! Ang aga aga! Ang landi landi mo, Sophia! Teka, sa tingin ko ay mga alas-otso na ng umaga. Gising na kaya s'ya?

Tumayo ako at nag-ayos ng unti bago tumungo sa pinto. nang buksan ko ito ay tila naistatwa ako.

"Magandang umaga, aking Binibini,"
Sambit n'ya ng magtama ang mata naming dalawa pagbukas ko pa lang ng pinto.

"R-raphael?"
Nakanganga kong sambit.
Nang pagmasdan ko s'ya ay muntikan ng tumulo ang laway ko.

"Waaaaah!" Mabilis pa sa alas-kwatrong naisara ko ang pinto. Napatakip ako ng kamay sa muka.

Gosh! Kagabi ay hindi ko masyado naaninag ang kabuuan ng katawan n'ya dahil madilim pero ngayon...

Inangat ko ang kamay ko saka ako nagbilang.

Isa, dalawa, tatlo, anim?
No, walo! Waaah! He has that F*cking 8 pack abs for Pete's sake! Bakery ba s'ya? Bakit ang dami n'yang pandesal? Tapos..tapos..Omg! 'yung Vline n'ya sa ibaba is...waaaaah! teka, Normal ba sa lalaki ang may ganung katawan?! I mean, Mygosh!

"Sophia, anong problema?"

Acck! Napakagat ako ng kuko ko nang marinig ko ang boses n'ya sa labas.

Sabihin ko bang na-overwhelmed ako sa katawan n'ya at aa sobrang flustered ay hindi ako nakasagot?

"Sophia, ayos ka lang ba?" Ulit n'ya habang kinakalampag ang pintuan ng silid ko.

Shocks! Sa tingin ko ay hindi pa humuhupa ang pamumula ng muka ko. Paano ko s'ya lalabasin?!

Pumunta ako sa kama ko saka ko yinakap ang unan ko para kumalma pero lalo lang kumabog ng husto ang puso ko. Ackk! This is insane!

"Sophia, galit ka ba?"

Waaah! Hindi ako galit! I'm just shookt! Bakit ba nanjan pa din s'ya sa labas? Pero ackk! Bakit ba ayaw ko s'yang labasin?!

"Sophia, kapag hindi kapa lumabas ay sisirain ko tong pinto," Sambit n'ya na nagpa-angat ng ulo ko

Eh? Sira ba s'ya?! Bakit n'ya sisiraan ang pinto eh parte 'yon ng bahay na pinamana sa kan'ya ng magulang nila!

"Magbibilang ako ng tatlo, kapag hindi ka pa lumabas ay sisirain ko talaga ang pinto."

Whut?

"Isa't kalahati."

Waah! Bakit isa't kalahati agad?!

"Dalawa."
Pagkasabi n'ya nu'n ay may kung anong kumalabog sa labas kaya napatayo ako agad.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon