KABANATA 29

2.3K 152 92
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                   † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 29 †
        • Hindi Tayo Para Sa Isa't Isa •

(Sophia's POV)

"Kamusta ka na?"
Napatingin ako sa pinangalingan ng boses

"Maayos," sagot ko saka ako ngumiti sa kan'ya.

"Maayos gayung tumutulo ang luha mo?" Napaiwas ako ng tingin

"Sophia, tapos na tayong dalawa."

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pag-gapang ng luha sa pisnge ko ng maalala ko ang sinabi ni Raphael.

Mag-dadalawang lingo na simula ng mang-yari ang gabing 'yon ngunit bakit..

Bakit sariwa pa din sa isip ko ang mga nangyari at higit sa lahat bakit ramdam na ramdam ko pa din ang sakit sa dibdib ko sa t'wing maalala ko s'ya?

Simula ng araw na 'yon ay hindi ko na nakita si Raphael, wala akong balita sa kan'ya maliban na lang sa balitang bumalik na s'ya sa Palacio Del Gobernador at bumalik na s'ya sa posisyon n'ya bilang Gobernador-Heneral.

Napangiti ako ng mapait.
Bumalik na sa dati ang lahat.
Nasunod na ang Mga bagay na dapat mangyari bago pa man ako dumating pero bakit...

Bakit parang ako lang ang hindi makahinga matapos ang lahat ng mga nangyari? Bakit parang ako lang ang naiwan sa gantong klaseng sitwasyon at nagdurusa ng gan'to?

Nakatingin lang ako sa malayo nang maramdaman kong hawakan ni Miguel ang kamay ko.

"Itatakas kita."
Agad akong napatingin sa kan'ya.

Tila Ilang segundo akong nagkaroon ng pag-asa sa sinabi n'ya pero sa isang iglap lang ay agad din itong naglaho

"Hindi ko binitawan ang kamay ng pinaka importanteng tao para sa 'kin para lang sayangin ang lahat, Miguel." Tinabig ko ang kamay n'ya

"Kahit hindi ka masaya?"

"Importante pa ba ang kaligayahan ko?" tanong ko habang nangingilid ang luha ko.

"Alam kong hibang ako pero hindi ko akalain na mas hibang pa pala ang aking ama. Paano n'ya nagawang asawahin ang isang dalagang mas bata pa sa anak n'yang babae? Isa 'yong kahibangan!"

"Kung gayun ay kahibangan din ang pag-takas, Miguel!"

"Ikakasal na si ate katarina at ang Gobernador-Heneral."

Tila binuhusan ako ng isang timbang yelo sa narinig ko pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Kung gayun ay masaya ako para sa kanila," sambit ko pagkaway napaiwas ako ng tingin.

napaigtad na lang ako ng bigla n'yang hawakan ang pisnge ko. "Paano mo nagagawang magsinungaling gayung tinatraydor ka ng sarili mong mga luha?" Ngumiti s'ya sa 'kin ng mapait saka n'ya pinunasan ang pisnge ko.

"Miguel.." Nanginginig kong sambit, hindi ko na napigilan at yinakap ko s'ya.

"patawad sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo Sophia, aaminin ko, Hindi ko gusto ang Gobernador-Heneral ngunit mas nanaiisin ko pang mapunta ka sa kan'ya kesa sa sarili kong ama." Napayoko ako dahil sa sinabi n'ya.

"Ang Heneral.." muli akong humarap sa kan'ya

"Ayokong magsinungaling sa kan'ya at iwan s'ya, pero paano ko gagawin 'yon gayung ako ang dahilan ng lahat ng ito at kapag hindi ko pa s'ya binitawan ay baka pati ang buhay at posisyon n'ya ay manganib ng dahil sa 'kin?"

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon