KABANATA 23

3.1K 188 283
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 23 †
•Abaniko •

(Sophia's POV)

"Tila kay lalim ng iniisip mo, Señiorita." Mula sa bintana ay nadako ang tingin ko kay Isabel.

"Naiinis ako isabel! Simula nu'ng nangyari sa Unibersidad ng Sto.Tomas ay hindi n'ya na ako pinansin! Paano ako hihingi ng tawad kung dalawang araw n'ya na akong hindi pinapansin! Sa tuwing magkakasalubong kami dito ay tila lang ako hangin sa kan'ya. Like, hello? I'm existing and I'm trying my best for him to be notice me!" Nauurat kong sambit kay Isabel ngunit nagtaka ako ng ngumiti lamang ito.

"Marahil ay nagseselos ang Heneral, Señiorita."

"Eh? Selos? Bakit naman s'ya mag-seselos eh, head-over-heels nga ako sa kan'ya! Saka 'di ba? ako nga dapat ang nagseselos dahil kung kani-kaninong palad ang hinahalikan n'ya! Isa pa, mas muka s'yang galit kesa nagseselos!" Napatingin ako ulit sa bintana at nangalumbaba.
nakakainis s'ya!

"Señiorita, sino ang hindi magseselos kapag nakita mo ang kasintahan mong hawak hawak ng dalawang matikas na ginoo ang kan'yang braso?" Napaisip ako sa sinabi n'ya.

"Kung gayun, bakit ayaw n'ya ako kausapin para maayos ang problema namin at makahingi ako ng tawad?"

"Kilala n'yo naman ang ugali ng Gobernador-Heneral, Señiorita."

Sabagay, hindi nga pala s'ya marunong magpakita ng nararamdaman n'ya. So, anong gusto n'ya? ako ang humabol?
Ano s'ya dalagang pilipina?

Hays, na-iistress ako sa lumang taong 'yon. Ang hirap n'ya basahin. Nakakaloka!

"So, anong gagawin ko Isabel? kung pagpapapansin lang naman ay nagawa ko na lahat, halos tumambling na nga ako sa harapan nya, kulang na lang ay mag-sirko pa ako."

"Uhm, paano kaya kung gawan n'yo s'ya ng tula o di kaya ay pagselosin n'yo pa s'ya, o di naman kaya ay 'wag n'yo s'yang pansinin."

Napatingin ako kay Isabel at pagkaway napa-arko ang sulok ng labi ko.

Mas may magandang idea akong naisip. "Uhm, paano kung gawin ko ang lahat ng 'yon, isabel?"

"Haha! Napaka pilya pero perpektong idea, Señiorita." Tss. Napa-smirk ako.

Oras na para sa pang malupitan at pang malakasan kong plano.

HAHAHAHAHAHA! charot!





"Dalawang araw pa lamang ng huli tayong magkita, Ano't nais mo ng makita ang gwapo kong mukha?" Sambit ni Gabrielle sabay ngisi.

I wonder kung saan ba s'ya nagpapa vulcanized at sobrang hangin n'ya. anyway, kakilanganin ko ang tulong n'ya kaya kailangan kong mag-tiis sa kahambugan n'ya.

Tama!
Hihingiin ko ang tulong ni Gabrielle para gumawa ng tula at sa ganung paraan ay magseselos ang Heneral at sa oras na ma-provoke na s'ya ay kakausapin n'ya ako saka ko ibibigay ang tula upang sabihin na izzaa prank! Charot! I mean, in that way magkakausap na kami.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Napahalakhak ako sa naisip ko.

napaigtad ako ng biglang hawakan ni Gabrielle ang noo ko.

"Mukang na apektuhan na ang isip mo dahil sa problema mo sa pag-ibig.
Hindi kapa din ba pinapansin ng aking kapatid?"

"Excuse me?! Pwede Alisin mo 'yang madumi mong kamay?" Kunot noo kong sambit sa kan'ya.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon