KABANATA 19

3.3K 235 107
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 19 †
•Ang Misteryosong Istranghero •

( Sophia's POV )

"R-raphael?"
Hindi makapaniwala kong sambit.

kumabog ng husto ang puso ko nang makita ko s'yang Bumaba sa kabayo at lumapit sa 'kin.

"H-heneral, B-bakit..bakit nandito ka?" Tanong ko habang matamang nakatitig sa kan'yang muka. Pahakbang na sana ako sa kan'ya nang makita kong ngumisi s'ya.

"Mukang ikaw nga si Sophia," sambit n'ya pagkaway umarkong muli ang sulok ng labi n'ya.

Muka ngang ikaw nga si Sophia?
Anong ibig n'yang sabihin?

Habang matiim ko s'yang tinititigan ay doon ko lang na-realized na may mali.

"Hindi ikaw si Raphael," tila hindi makapaniwala kong sambit.

"Tumpak," sambit nito sabay ngisi dahilan upang makita ko ang pangil n'ya.

Tumpak?
Pero paanong ang mata, ang ilong, ang bibig, Ang buong muka n'ya ay parehong pareho ng kay Raphael?!

"Sabihin mo, s-sino ka?"

"Sa tingin ko ay wala ka sa tamang posisyon upang magtanong, Binibini." Tugon n'ya pagkaway hinaplos n'ya ang pisnge ko gamit ang likod ng palad n'ya na agad ko namang tinabig.

"Anong ibig mong sabihin? Nasaan ba ang Gobernador-Heneral? Nasaan ako? At higit sa lahat Sino ka b-" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla n'yang takpan ang muka ko ng tela.

Tanging muka n'ya na lang na kawangis na kawangis ni Raphael ang
Huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.





"Ugh."

Napabalikwas ako ng bangon nang matamaan ng sinag ng araw ang aking muka.

"Ugh. Shet." Napahawak ako sa sintido ko na parang binibiak sa sakit.

Langyang hang over na 'to.
Sobrang sakit ng ulo ko!

Iniinda ko pa din ang sakit ng ulo ko nang mapansin ko ang kwartong kinaroroonan ko.

Wait, Bakit gan'to ang style ng kwartong 'to? Don't tell me bumalik na naman ako sa Spanish era?

Patayo na sana ako nang makaramdam ako ng kakaiba. "Waaaah!" Tili ko ng marealized kong wala akong suot na kahit na ano.

"Gising ka na pala, Binibini."
Automatiko akong napatingin sa nagsalita.

"Waaaaaah! Sino ka?! bakit ka nandito?!" Tili ko ulit sabay balot ng kumot sa katawan ko.

Nakatingin lang ako sa kan'ya nang marealized ko kung sino s'ya."R-raphael?!"

"Raphael?" Iritadong ulit n'ya. "Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko nais na marinig ang pangalan ng isang 'yon ng ganto ka-aga," kunot noo n'ya pang sambit.

"Anong pinagsasabi mo? 'wag mo sabihing nawala lang ako ng ilang linggo nakalimutan mo na rin kung sino ka?! O 'di naman kaya nagpapangap ka? Huh! Kung inaalala mo ang nangyari ng gabing nag-tapat ako sa'yo 'wag kang mag-alala dahil naka move-on na ako. As in no more feeling left! So, let's be professional here, ok?!" Tuloy tuloy kong saad habang mahigpit na nakahawak sa kumot na nakatabing sa katawan ko.

"Hahahahahaha!" Halakhak nito na parang sira.

Eh? Anong problema n'ya?

Nakatitig lang ako sa kan'ya nang makita ko s'yang tumayo. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko nang humakbang s'ya palapit sa 'kin. Napasinghap pa ako ng isang iglap lang ay sobrang lapit na ng muka n'ya sa muka ko dahilan para mapahiga ako.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon