KABANATA 25

3.1K 195 151
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 25 †
• Ikaw at Ako •

(Sophia's POV )

"Maari ko bang hingin ang 'yong kamay?

Eh?

What?

HUH?!

halos mamuti lahat ng mata ko ng marealized kong naka luhod si Raphael sa harapan ko habang lahat ng tao ay nakatitig sa 'min.

Wait, wait!

'diba parang kanina lang ay magkatapat sila ni louisa at magsisimula na ang kotilyon so Paanong tumingala lang ako at nag-emote ng unti ay nandito na agad s'ya sa harapan ko at nakaluhod?!

Seryoso?! Anong kabaliwan na naman 'to?!

Nakatitig pa din ako sa kan'ya habang seryoso s'yang nakatingala sa 'kin ng lumapit si Jullian sa kan'ya.

"Heneral, naghihintay si Señiorita Louisa," Sambit nito sa mababang tono pagkaway tumingin s'ya kay louisa na nooy nakayoko habang nakatayo sa gitna.

Agad akong Napaiwas ng tingin.
Oo, gusto kong makapareha si Raphael pero hindi sa puntong may kailangan pang mapahiyang Binibini dahil lang sa 'kin.

Huminga ako ng malalim at humarap kay Raphael.

"Wala ako sa lugar upang tangapin ang iyong alok Gobernador-Heneral, mabuti pa'y tumayo na kayo jaan at Bumalik na kayo sa inyong kapareha," Sambit ko habang matiim na nakatitig sa kan'ya

Kung akala n'ya ay mdadaan n'ya ako sa paluhod luhod n'ya ay manigas s'ya! sino ba s'ya sa tingin n'ya? Hari ba s'ya ng espanya? Diyos ba s'ya? Na kahit anong gustuhin n'ya ay makukuha n'ya? Na kahit kailan n'ya ako gustong iwasan at pansinin ay magagawa n'ya? Ano bang akala n'ya sa 'kin? Walang puso? Walang nararamdaman? Na ganun ganun lang ang lahat? Isa pa, may ibang tao pa ang nadadamay ng dahil sa kan'ya!

Napahawak ako sa saya ko nang makita ko s'yang tumayo at lumapit sa 'kin.

"Alam mo ba kung anong sinuko ko at nawala sa 'kin noong oras na humakbang ako at lumuhod sa harapan mo, Sophia?"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi n'ya.
Nang tumingala ako upang tignan s'ya ay agad akong napabawi ng tingin.

Ang mga mata n'ya.
Nakita ko na ang ganung mata n'ya noong umamin s'ya sa 'kin noon.

Pero..

Kaming dalawa lang noon samantalang Maraming mata ang nakatingin sa amin ngayon!

Napalunok ako.
Bakit ba lagi na lang s'yang gumagawa ng mga bagay na alam n'yang makakasira sa reputasyon n'ya?

Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam ang gagawin. Oras na tangapin ko ang kamay n'ya, lahat ng tao rito ay iba ang iisipin ngayon.

Hindi ito ang gusto ko pero bakit umabot kami sa puntong ito?

"Sophia..." Sambit n'ya pagkaway inilahad n'ya ang kamay n'ya sa harapan ko.

Nang tumingin akong muli sa kan'ya ay may kung ano akong naramdaman.
Bakit parang sa isang iglap ay natunaw lahat ng sama ng loob at pangamba ko ng magtama ang aming mga mata?

Paano?

Mabilis ang pintig ng pusong inangat ko ang kamay ko patungo sa kamay n'ya ngunit bago pa mangyari 'yon ay may espadang humarang sa pagitan naming dalawa.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon