KABANATA 27

3.1K 163 73
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 27 †
• Tulay•

(Sophia's POV)

Mahal kong Señiorita,

Mag-iisang lingo na rin simula noong umalis kayo ng Gobernador-Heneral ng gabi ng kan'yang kaarawan.
Sa totoo lang, sukdulan hangang langit ang kaba sa aking dibdib ng gabing itinakas ka n'ya ngunit hindi ko din maiikailang hinagad kong maging ikaw ng mga sandaling 'yon at marahil ay hindi lang ako ang nag-iisang binibini ang nag-isip ng ganun dahil tila ba isang eksena sa nobela ang mga naganap ng gabing 'yon, kung paaanong ang isang matapang at makisig na kabalyero ay handang hamakin ang lahat upang maitakas lamang ang Binibining kan'yang iniibig.

Pfft. napahinto ako sa pagbabasa. muntikan na ako matawa mabuti'y napigilan ko.

Grabe naman kasi sa exageration ang liham nito ni Isabel pero in fairness sa sinabi n'ya, sa totoo lang ay hindi ko naisip in a romantic way ang gabing 'yon pero dahil sa binangit n'ya na ay kinikilig na ako tuloy Lols

Itinuon ko sa sulat ang aking atensyon at nagbasang muli..

Ngunit ng gabing din 'yon ay binalot ng usap-usapan ang buong pueblo dahil sa mga nangyari. Maraming umuusig sa mga ginawa ng Gobernador-Heneral para sa'yo ngunit mas maraming nagdududa sa pagkatao mo, ngunit 'wag kang mag-alala dahil pilit na inaayos ni Señiorito Gabrielle at ng Alperes ang sitwasyon

Napahinto akong muli sa pagbabasa nang mabasa ko ang pangalan ni Gabrielle.

hindi ko alam ngunit muling pumasok na naman sa isipan ko ang muka n'ya ng gabing 'yon. Lungkot? Pighati? Hindi ko alam. Napabuntong hininga ako.

Isang bagay pa pala Señiorita, ukol kay Alperes, araw-araw s'ya dumadalaw s'ya dito upang magtanong sa kalagayan mo ngunit wala akong maisagot dahil noong una'y hindi ko din alam kung saan kayo naroroon ng Gobernador-Heneral. Marahil ay Nagtataka ka kung bakit ko s'ya nabangit, nais ko lamang ipabatid na sa tingin ko ay, iniibig ka din Jullian,.

Muli akong napahinto sa ikatlong pagkakataon.

Napatingin ako sa kandungan ko kung saan mapayapang natutulog si Raphael.

Mabuti ng hindi n'ya mabasa ang nilalaman ng sulat ni Isabel kung hindi...

"Gusto mong magarote?"

napahawak ako sa sintido nang maalala ko ang nakakatakot n'yang muka habang sinasambit ang mga salitang 'yon sa kung sinong lalaking lalapit sa'kin dito.

Ang sakit sa bangs. Mygosh!

Pero, si jullian?
Gusto ako? Seryoso ba s'ya?
Uhm pero kung iisipin mabuti-arg! Ayokong maging assumera, isa pa, kaibigan lang ang tingin ko kay Jullian at higit sa lahat gusto s'ya ni Isabel!

Hays, sana'y ayos lang si Isabel.

Pinagpatuloy kung muli ang pagbabasa.

Sa totoo lang ay matagal ko ng batid ang bagay na 'yon kaya mas makabubuti kung hindi ka dapat makaramdam ng awa sa 'kin o kahit makunsensya. May nais lamang akong ipabatid sa'yo Señiorita, Sa sabado ay magkikita kaming muli upang ipabatid sa kan'ya na maayos ang kalagayan mo at ng Gobernador-Heneral, sa araw ding 'yon ay binabalak ko ding mag-tapat. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon n'ya ngunit kung ano man 'yon ay handa na akong tangapin.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon