KABANATA 16

3.5K 216 133
                                    

     ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
       ~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                    † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 16 †
                     • Ang Pagdalo •

( Sophia's POV )

"...dahil gusto kita."

Agad akong napatingin sa kan'ya.
Tama ba ako nang narinig?
Ako? Gusto n'ya?
As in, gusto n'ya ako?!

Nag-iinit na ng sobra ang muka ko ng bigla s'yang lumapit sa a'kin at pagkaway hinawakan n'ya ang baba ko. Napatitig ako sa mga mata n'ya.

Badum*
Badum*

"Ngunit bago ang lahat. Sophia, may kailangan kang malaman," sambit n'ya habang papalapit ng papalapit ang muka n'ya sa mukha ko.

"A-ano 'yon, Heneral?" Napapikit na ako.

"Sophia..." Hinahantay kong lumapat ang labi n'ya sa labi ko ng muli s'yang nagsalita. "...kailangan mo nang magising."

Wait, ano daw?

"kailangan mo ng magising."

"kailangan mo ng magising."

"kailangan mo ng magising."

"kailangan mo ng magising."

"Waaaaaaaaah!" Mabilis akong napabalikwas nang bangon mula sa mahimbing na pagkakatulog. 

"Ano't sumisigaw ka?"

"Waaaaaaah!" Lalo akong napatili ng makita kong nasa harapan ko lang ang Heneral.

Shocks! Ang puso ko!
Mygosh! Muntikan ng lumabas ang puso ko! Wait, Ano 'yon? Hindi ba 'yon totoo? 'wag nyo sabihing hindi 'yon totoo?

"Heneral, may gusto ka bang sabihin?" Imbes na sagutin ay sinamaan n'ya lang ako ng tingin.

"Nayugyog ba 'yang ulo mo't kung ano-anong pinagsasabi mo?" Kunot noo n'yang tanong sa 'kin.

Acck! Tatanong lang eh!
Ba't ba napakasungit n'ya?!

Nang tumingin ako sa nakakunot n'yang noo ay doon ko lang napagtantong panaginip nga lang ang lahat.

Ano bang inaasahan ko?
Bakit ba ako mag-aasume na aamin sa 'kin ang isang 'to eh ni hindi n'ya nga ata ako gusto.

Waaah! Mygosh! Malapit pa naman na sana akong ngumuso ng mga sandaling 'yon. Nakakahiya!

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Waaaaah!" Sigaw ko ulit dahil sa gulat.

"Ano bang problema mo, Sophia?" Lalong kumunot ang noo n'ya.

Arg! Bakit ba kasi bigla bigla s'ya nagsasalita?! Napatingin ako ulit sa kan'ya ngunit Agad akong napaiwas ng tingin ng makita kong nakatitig s'ya sa 'kin.

Badum*
Badum*

"Ayos lang ako," tugon ko

"Hindi ko na uulitin."
Napatingin ako ulit sa kan'ya.

"A-ang alin? Anong ibig mong sabihin?"

"Tuwing may ginagawa ako sa harapan mo ay lagi kang nawawalan ng malay kaya hindi ko na uulitin."
Napatingin ako agad sa malayo.

Wait. Shet. 'Yung puso ko.
Hindi kinakaya ng puso ko ang mga sinasabi n'ya ngayon.

Waaah! Bakit pa kasi kailangan n'ya pang sabihin ang mga ganung bagay gayung kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng karwahe? Akk!

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon