KABANATA 35

3.3K 184 184
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 35 †
• Ang Huling Pahina •

-Makalipas ang Isang Buwan-

"Waaaah! Congratulations, Sophia!"
Mula sa salamin ay nadako ang tingin ko kay Jel na kakapasok lamang sa dressing room.

Bahagya s'yang napahawak sa bibig n'ya nang makita ako.

"Aww! You are such a Beautiful Bride, Sophia."

"Thank you, Jel," napangiti ako.

"Would you believe me if I'm going to say that I'm the happiest person for you, right now?"

"Shouldn't I?" Nakangiti kong tanong.

yinakap n'ya ako pero mabilis din s'yang kumalas. "Parang kailan lang nang sinabi mo sa 'kin ang tungkol sa kan'ya pero ngayon, sinong mag-aakalang darating ang oras na hindi ko lang pala s'ya makikilala kung hindi makikita ko pa s'yang ikasal, sa'yo," nakangiti at maluha-luha nitong sambit.

"Sino nga bang mag-aakala na sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay ikakasal pa rin kaming dalawa?" napatingin ako sa malayo.

unti-unting namang bumalik sa 'kin ang mga nangyari mahigit dalawang taon na ang nakakalipas.

"Do you still remember when you say na kung makakita lang talaga ako ng filipinong mag-papaiyak sa 'kin, I'm over?" napangiti ako. "Sa tingin ko ay nakita ko na s'ya, Jel," Saad ko pa

"Oo naman! Naaalala ko pa nu'n, puro ka k-pop. Halos sambahin mo na nga ang BTS! Tapos kung makipag-away ka sa twitter para kang keyboard warrior. Ayaw mo din sa mga Filipino! Hindi pumpasa sa'yo ang mga moreno dahil ang gusto mo ay 'yung mga singkit na mapuputi." Natawa na lang ako ng bahagya sa sinabi n'ya.

"Pero sinong bang makapag-sasabing sa maling panahon, pagkakataon, oras at lugar mo pa pala makikilala ang taong iibigin mo? Minsan ka na nga lang tamaan, sa di inaasahang tao pa," Nakangiti n'ya pang dagdag

"Tama, everything changed when I met him. Hangang ngayon, Malinaw ko pa ding naalala kung paano kami unang nagkitang dalawa. Nung oras na 'yon, buong akala ko ay mamamatay na ako sa kamay ng mga tulisan ngunit sinong mag-aakalang darating s'ya upang salagin ang espada na para sa 'kin? Sa ka-una unahang beses na nag-tama ang mata naming dalawa ay alam ko na. Hindi ko akalain na mamahalin ko s'ya ng ganun kabilis sa kabila ng makailang beses n'ya akong tutokan ng espada sa muka, at kung hindi nakakunot ang noo n'ya ay magkasalubong naman ang kilay n'ya, hindi ko na rin nga mabilang kung ilang beses n'ya akong kinagalitan at sinamaan ng tingin ngunit ganun pa man, imbes na madala ako ay mas lalo ko pa s'yang minahal," Napangiti ako ng bahagya.

"Sa sobrang arte ko noon, kinarma ako sa kan'ya. kahit ilang beses pa akong mag-tapat ng pag-ibig sa kan'ya ay hindi nya ito magawang suklian, nagawa n'ya pa nga akong itaboy. Nang mga oras na 'yon sinabi ko sa sarili kong ayaw ko na. Na Nakakapagod pala ang pag-ibig na ikaw lang ang nag-mamahal, ngunit sa di inaasahang pang-yayari bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin at pagmulat ko ay bumalik na ako sa mundong pinangalingan ko pero imbes na maka-move on ay lalo ko lang narealized kung gaano ko s'ya ka-gusto. Mali, dahil mas higit pa pala sa pagkagusto ang meron ako para sa kan'ya." Naramdaman ko na lang ang pag-init ng sulok ng mata ko.

"Dahil mahal ko s'ya." Napatingala ako.

"Pero baliw talaga ang tadhana no? Isang gabi, sinabi n'ya na lang na gusto n'ya ako. hindi n'ya alam kung gaano ako kasaya ng mga oras na 'yon, sa sobrang saya ay nagawa kong hilingin na manatili sa panahong 'yon para sa kan'ya pero hindi ko alam na may hanganan pala ang lahat..." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon