KABANATA 22

3.8K 200 140
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 22 †
•Selos •

(Sophia's POV)

"Indio, gusto kita."

"Indio, gusto kita."

"Indio, gusto kita."

"WAAAAAH!"
Nayakap ko ang unan ko at kinagat-kagat ito na parang asong gutom.

"OMG SOPHIA! YOU ARE NOT SINGLE ANYMORE! YOU F*CKING POTATO! WAAAAAH!" hindi ko na napigilan at tumili na ako at nagtatalon sa kama na parang sira.

Gosh! Gan'to pala ang feeling ng ma-inlove! Nakaka-high! Parang may malikot na ewan sa t'yan mo, parang umaapaw ang saya sa dibdib mo, Parang ang sarap-sarap mabuhay!

Malapit na ako mag-siezure ng bigla akong mapahawak sa labi ko. This is insane! parang nararamdaman ko pa din ang mga labi n'ya sa labi ko.

"Iniibig kita."

"Akkk! Kyaaaaaah!" Muli akong napasigaw. Shet na malagkit lord!
Pwede na talaga ako mamatay! Waaaah! Kunin n'yo na ako! Charot!

"Señiorita!"

"Waaah! Isabel!" Agad ko s'yang yinakap ng makita ko s'yang nakatayo sa pintuan ng silid ko. "Isabel, namiss kita! Masaya ako't nagkita na tayong muli!" Sambit ko habang nakangiti.

"Señiorita, ganun din ako sa'yo. Maligaya ako't nakabalik ka ng muli. Sa totoo lang ay gusto kitang tanungin ukol sa mga naganap sa'yo ngunit sa tingin ko ay may bagay ka munang dapat ipaliwanag sa 'kin, higit sa lahat," sambit nito na parang nanunudyo dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Kung gayun ay alam mo na pala, Isabel."

"Señiorita, Sinong hindi makakaalam? Gayung pagdating n'yo pa lang dito kagabi ay hawak hawak na ng Heneral ang 'yong kamay at tila ba parang ayaw ka na n'yang pakawalan."

Acckk! Enebe!
Pero ganun ba kami kahalata kagabi?
Kaloka naman kasi ang isang 'yon, matapos n'ya akong halikan kagabi ay hindi n'ya na ako binitawan. Waaaah! Pero shet Ba't ako kinikilig?!

"Isabel, ang totoo kasi ay-"

"Nobyo mo na ang Heneral?"

"Eh?"

"S'ya nga?" napaiwas ako ng tingin at agad napatakip ng palad sa muka. Hindi ko alam na mas nakakahiya pa pala 'to sa inaasahan ko.

"Señiorita, bakit ka nagtatago? Haha! Wala kang dapat ikahiya. Sa totoo lang ay masayang masaya ako at nasabi na sa wakas ng Heneral ang kanyang saloobin."

"Anong ibig mong sabihin, Isabel?"

"Nung una, aaminin ko, Hindi ko talaga mabasa ang saloobin ng heneral ngunit simula nung araw na umamin ka sa kan'ya ay batid kong may nagbago sa kan'ya. Ilang ulit ko s'yang nakikitang nakatitig sa'yo kapag hindi kayo nakatingin, may ilang beses din na nakikita ko s'yang pumapasok sa 'yong kwarto pag-kauwi n'ya at matamang pinagmamasdan ang inyong pagtulog at pagkaway lalabas din at Señiorita, ngayon ko lamang sasabihin ito sa inyo pero araw araw n'yang tinatanong sa 'kin kung anong ginawa mo buong araw. Minsan, pag pumupunta s'ya sa malayo ay nagpapadala pa s'ya ng tao para tanungin lamang ang kalagayan ninyo Kaya sa totoo lang ay alam ko na ang nararamdaman ng Heneral bago n'ya pa mapagtanto sa sarili n'ya."

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon