KABANATA 34.5

2.5K 174 38
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 34.5 †
"Binibini"

(Sophia's POV)

"Sophia, maari mo ba akong pakasalan?"

"Hangal!" Sambit ko.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko
Sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko s'yang suntukin sa sobrang saya ko. "Heneral, hangal ka talaga!" Sigaw ko ulit habang nakayoko at humihikbi

"Ano ngayon kung wala kang yaman, o kahit na ano?! Ano ngayon kung wala kang kotse o kahit na anong maipagmamalaki? Alam mo bang handa akong ipagaplit ang lahat na meron ako ultimu ang daddy ko para lang makasama ka?! Hangal ka!"
Naghahalo na ang sipon at luha kong saad.

"Sophia, Kung ganun ay?" Tila Kinakabahan n'yang tanong.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo, Raphael! Papakasalan kita! Hangal ka!" Pagkasabi ko nu'n ay bahagya s'yang natulala pero mabilis din s'yang nakabawi at tumayo pagkaway tumakbo papunta sa 'kin.

Kasabay ng pagyakap n'ya sa'kin ay ang di inaasahang pagbagsak ng ulan.

"Sophia, mahal ko. Hindi mo batid kung gaano ako kasaya ngayon, sa sobrang saya ay pwede na akong mamatay." Sambit n'ya na tila di inaalintala ang ulan.

"Anong mamatay? paaano mo isusuot ang singsing sa 'kin kung gusto mo ng mamatay?" Tanong ko habang nakangiti at nangingilid ang luha.

Napangiti na lang s'ya saka s'ya napailing. Pareho na kaming basa sa ulan nang sa wakas ay isinuot n'ya na ang singsing sa daliri ko.

"Nakakamangha, Heneral. Wala kang kahit na anong ari-arian pero nakabili ka ng singsing," nakangisi kong sambit dahilan para mapaiwas s'ya ng tingin.

"Uhm, Nakakahiya mang sabihin pero sa casino ako nakaipon ng pambili ng singsing," nakayoko n'yang sambit.

Hindi ko alam pero bigla akong natawa sa sinabi n'ya. So, 'yon pala ang reason kung bakit lagi s'yang nasa casino kasama nila Daddy.

"Hays, Ano bang gagawin ko sa'yo, Heneral?" Yinakap ko s'ya ng mahigpit.

"Sophia.." untag n'ya sa 'kin.

"Uhmm?" Tugon ko

"Hindi ko nagawang isayaw ka noong kaarawan ko, mahigit dalawang taon na ang nakakalipas.." umiwas s'ya ng tingin. "maari ba kitang isayaw?" Sa wakas ay naitanong n'ya

Bahagya akong nagulat sa sinabi n'ya.
napayoko ako bigla ngunit kasabay rin nito ay ang pag-ngiti ko.

I can't believe this man infront of me is...

real.

"Isang karangalan, Heneral," ngumiti ako. "Pero bago 'yon.." binuksan ko ang pouch ko, "sabi na nga ba't magagamit din kita.." sambit ko pagkaway kinuha ko ang silver washable hair color spray sa pouch ko at inispray sa ulo n'ya pati na rin sa'kin.

"Sophia, anong ginagawa mo?" Nagtataka n'yang tanong

"Ang sabi mo, gusto mong makasama ako hangang pagtanda, edi ifafast-forward na natin. So, Ngayon pareho na tayong mukang matanda." Nang ngumiti ako ay napangiti na rin s'ya.

"Sana'y nag-muka tayong matanda imbes na espasol, aking binibini."

"Hahaha 'sympre naman!" Natatawa kong tugon, "at ngayon." Mabilis kong Kinuha ang cellphone sa pouch ko at pinlay ang kanta ni Zach Tabuldo na Binibini

Sa totoo lang, Nu'ng unang beses ko itong marinig ay alam ko ng para talaga sa amin 'to ni raphael. Lol

I just can't imagine na sasayaw kami sa musikang 'to ngayon. ackkk!

NP: BINIBINI
BY Zack Tabuldo

Nag-uumpisa na itong tumugtog nang nilagay ko ang kamay ko sa balikat n'ya at ganun din ang kamay n'ya sa bewang ko

Binibini
Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin

Hindi ko alam kung bakit nag-umpisang mangilid ang luha ko ng sulyapan ko s'ya

Bahagya akong nagulat ng bigla n'ya akong hilahin papalapit sa kan'ya.

Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako
Napangiti na lang ako.

"Heneral, naaalala mo ba nung una beses tayong sumayaw?" Tanong ko habang magkadikit ang noo naming dalawa.

"Paano ko makakalimutan ang ka-una unahang beses kitang naisayaw kung hangang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isipan kung gaano mo'ko kagusto makasayaw sa puntong inagaw mo pa ang kamay ko na dapat ay para kay katarina." Napanguso ako dahil sa sinabi n'ya pero napangiti na lang ako nang makita ko s'yang nakangiti habang nakapikit ang mata.

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako

"Heneral, Naniniwala ka ba sa love at first sight? I mean, ang umibig sa isang tao sa unang beses na pagkikita n'yo pa lamang?" Nakangiti kong tanong

Umiling s'ya dahilan para mapanguso akong muli.

"Ako kasi oo eh, sa totoo lang ay malayong malayo sa itsura mo ang tipo ko, ni kahit nga sa guni-guni ay hindi ko naisip na magkagusto ako sa isang lalaking mala-westerner ang itsura pero nung unang beses kitang nakita, sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat ng pananaw ko sa kung anong katangian ng lalaki ang gusto ko, Nakakahiya mang sabihin pero nu'ng unang beses na nagtama ang mata naming dalawa ay..ay.." napahinto ako ng bigla s'yang nagmulat ng mata.

Alam kong mahal mo na 'ko
Kung gano'n, halika na't huwag lumayo

"Sophia, maari ba kitang halikan?"
Bahagya akong nagulat sa sinabi n'ya pero agad din akong tumango.

Bago ko pa mabatid ay pinagsasaluhan na namin ang isang halik.

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako, whoa
Oohhh
Yeah

Hindi ko alam kung bakit pero habang magkadikit ang mga labi namin ay parehong tumutulo ang luha naming dalawa.

Hindi ko alam kung kasalanan bang maging gan'to kasaya pero kung sakaling kasalanan man 'to ay handa akong sumugal.

Hindi ko na man nagawang ituloy ang sasabihin ko pero gusto ko pa ding ipabatid sa kan'ya na...

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako





Minahal ko na s'ya kahit nung unang beses pa lamang kaming nagkita.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon